Nagmamadali ang mga hakbang ko na tinungo ang kinaroroonan ng sasakyan ko. Kung saan una kong dinala si Vanny. Napailing na lang ako nang makita ang mga kalat na naiwan namin. Pati ang tent ay akala mo nadaanan ng mabangis na hayop na nagkandagula gulanit. Animo'y dinatnan ng signal number four na bagyo. Mabilis ko itong niligpit at baka kung ano pang isipin ng mga tauhan ko sa resort kapag nakita ang ayos nito. Natigilan ako ng makita ang suot nitong dress kagabi. Wala sa sarili akong napangiti ng maalala ang ayos nito ng bigla na lang siyang maghubad sa harapan ko, sabay bato ng dress na ito sa mukha ko! Napapailing na lang ako sa kapilyahan ng babaing yon! She didn't change! Pasakay na sana ako ng kotse nang mahagip ng mata ko ang pulang bagay na palutang lutang sa dagat. Kunot noo ko

