"Vanny, sigurado ka ba ihja na kaya mo mag isang pumunta ng bayan?" Nag aalalang tanong ni Tita Luisa "Opo tita, wag na po kayong mag alala kayang kaya ko po." nakangiting sagot ko. Naiiling na lamang ako sa sobrang pag aalala at pag aalaga nito sa akin. Sa limang buwan na nakasama ko siya sa iisang bahay ay wala akong masabi sa kabutihan ng puso niya. Napakaswerte ni Rizza na sa kabila ng pagkawala ng mga magulang nito at her early age. Ay may isang napakabuting tiyahin pa rin na nagpalaki sa kanya. Samantalang ako buhay pa ang mga parents ko pero mula pagkabata ay para na rin akong ulila. Ni wala akong matandaan na happy moments namin. Kahit ang mga espesyal na araw na sana ay magkasama naming ipinagdiriwang ay mag isa lang akong idinaraos kasama ang mga katulong. I always feel left be

