Halos takbuhin ko na ang pasilyo ng Hospital, marating ko lang ang kinaroroonan ng anak ko. Sari saring emosyon ang pumupuno sa dibdib ko. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi mag isip ng hindi maganda. Kanina lang ay napaka sigla pa niya. "Vanny!" Tawag ni Rizza sa pangalan ko nang buksan ko ang pinto. "Rizza! Si Y-Yanna?" Naiiyak sa sabi ko. Napabaling ang paningin ko sa gawi nito. Lalo akong napahagulhol nang makita ko ang ayos nito. Habang nakahiga sa hospital bed at walang malay. "Ano ba nangyari Rizza? Kanina lang ang sigla pa niya?" Luhaang tanong ko habang hawak ang maliit na kamay nito. May mga aparato rin na nakakabit sa mga braso at daliri nito at bakas sa mukha ang pamumutla. "Anak! Gising na nandito na si mama!" Hinalikan ko ang mga kamay nito. Sa ganitong paraan

