"Mama!" Here she go again! Sigaw ng isip ko, Habang tinatakpan ng unan ang magkabilang tenga ko. "Mom! Gising na!" Sigaw uli't nito, habang pilit na tinatangal ang unan na nakapatong sa ulo ko. Ang matinis na boses talaga niya ang alarm clock ko sa umaga. "Stop it Gianna! Napaka ingay mo ang aga pa!" Inis na saway ko dito. "Mama, six na po!" Pangungulit pa rin nito habang nakasakay sa likod ko. Grrr… Kanino kaya nagmana talaga ang kutong lupa na to! Nakakainis! "Anak eight pa ang pasok ni mama" tugon ko. "But, mama hungry na ako!" Sa narinig ay agad namang nagising ang diwa ko. " Umalis ka sa likod ko Yanna, so I can get up!" Sabi ko na agad naman nitong sinunod. "Yes!" Masayang saad pa nito. Agad akong umahon sa pagkakahiga. Napapailing na lang ako sa kakulitan nito. Nagp

