"Kuya! Para po! Sa tabi na lang po!" Para ko nang matanaw ko na ang gate ng bahay ni Tita Luisa. Agad namang tumigil ang tricycle na sinasakyan ko sa gate na yari sa kawayan. Agad akong bumaba ng tricycle at mabilis na nagbayad. "Salamat po ma'am!" Pasalamat nito. "Salamat din po!" Nakangiting tugon ko. Nang umalis na ang tricycle na sinakyan ko ay nagmamadali na akong pumasok ng bahay. "Gianna!" Tawag ko "Oh! Vanny, ang aga mo naman yata ngayon ihja!" Nakangiting salubong ni Tita Luisa sa akin. "Opo tita, Wala po kasing gaanong guest ngayon sa resort, kaya maaga kaming pinauwi." Nakangiting sagot ko. Habang naghuhubad ng sapatos. "Mabuti naman at ng makapag pahinga ka ng maaga." "Si Gianna po tita?" Tanong ko ng hindi ko naririnig ang ingay nito. "Naku baka natutulog sa kwart

