Nang ma-discharge kami sa ospital ay umuwi kami kaagad. Walang umiimik sa biyahe. Nasa likuran sila ng van habang katabi ko si Keith sa unahan. Maigi na rin siguro na walang nagsasalita. Naiinis pa rin ako kay Gino. No. Galit ako kay Gino. Nasasaktan ako. Halo-halo na emosyon ko na hindi ko na alam kung ano pang dapat kong maramdaman. Inalalayan ako ni Keith makababa. Diretso sa kuwarto. I want to rest again. Pagod na ako. Sinalubong ako ni Sheena na alalang-alala. "Hoy gaga ka, anong nangyari sa'yo? Bakit pati ikaw na-food poison?" Humiga ako sa kama bago ko siya sinagot. "Pinatikman sa akin ni Keith 'yong soup. Ayon. Tas sobrang pagod na rin dahil hindi nga ako nakakatulog 'di ba." She sighed. Naglakad siya papunta sa tabi ko at nahiga. "Maja, tigil na kaya natin 'to?" "Ha?" "I

