Everyone woke up at the loud shouts of Keith and the sight of the burnt bridal arch. Pareho kami ni Sheena na napatakbo papalapit. Doon lang namin na-realize na hindi lang ang bridal arch ang nasira, kung hindi pati na rin ang stage. Buti na lang at hindi pa kami naglalagay ng iba pang dekorasyon dahil panigurado ay baka 'yon nasira na rin. Of all people aside from the bride, Sheena was the most devastated. "s**t, pinaghirapan ko 'yan e!" Hindi ako nagsalita at mahinang tinapik nang paulit-ulit ang balikat niya. Wala naman na kaming ibang magagawa kung 'di ang ulitin ulit ang mga nasirang dekorasyon. Bukas na ang kasal. Wala na kaming oras para magmukmok. I immediately looked up to Keith, na parang sinisipat ang nasunog na arko na halos maging abo na at ang natira na lang ay ang metal

