Nagpunta kaming lahat sa tita ng magkapatid na Figueroa na mananahi. Tapos na raw kasi 'yong mga in-order nila na damit. Mabilis lang ang proseso dahil maraming trabahante ang mananahing 'yon. 'Yong gown naman ni Krystal ay in-adjust lang dahil 'yon ang gown na isinuot ng mama niya no'ng ikinasal sila. Gusto raw kasi niya na suotin 'yon sa araw ng kasal niya. Sa mga isusuot naman ng mga bridesmaid at maid of honor kagaya ko, may mga pre-made na silang gown na lalagyan na lang ng disenyo at ia-adjust sa size ng katawan ng magsusuot. Hindi pinayagan si Krystal ng mama niya na isukat ang wedding gown niya. Malas daw kasi 'yon. Ang mga lalaki naman isinukat na ang mga barong na pinagawa nila. Habang nagtatalo ang mga kasama namin, tinitingan ako ng tiyahin ni Krystal. Hinila niya ang pamangki

