“HOY Gino panget, buksan mo ‘tong pinto,” katok ko sa pinto ni Gino. Kakatapos ko lang mag-ayos ng mga damit na bibitbitin ko sa Ilocos. Nakapag-file na rin ako ng vacation leave dahil bukas ng umaga susunduin kami ng fiancée ni Gino at ng kuya niya.
Bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Gino na basa pa ang buhok at may nakasabit na tuwalya sa leeg. Thank goodness, he has his shirt on.
“Yow, what’s up?”
Ngumiti lang ako at iwinagayway sa mukha niya ang plastic bag ng mga pinamili ko mula sa convenience store. “Got some time to hang out?”
Ngumisi lang si Gino. Kinuha niya ang plastic at lumabas ng apartment niya. Ini-lock niya iyon bago ako hinarap. “Actually, aayain sana kita sa rooftop. Nahiram ko kasi kay Manong Guard ‘yong susi at alam mo na, nami-miss ko na rin umakyat do’n.”
Naglakad kami palapit sa elevator at hinintay ‘yon na tumapat sa floor kung nasaan kami. Maya-maya ay huminto ‘yon sa floor naming at may tatlong tenant na lumabas. Wala nang sakay ang elevator nang sumakay kami.
Tahimik lang si Gino. Parang nagmumuni-muni. Sanay na ako. For sure, after a minute or two, sasabihin sa akin ni Gino ang kung anong nasa isip niya.
Nakarating na kami sa rooftop pero wala pa ring sinasabing kahit na ano si Gino. He didn’t said anything. Naglakad siya palapit sa gilid ng rooftop at sumunod ako. Malakas ang ihip ng hangin siguro dahil patapos na ang May. Malapit na ang tag-ulan. Katulad no’ng huling dumalaw si Gino sa apartment ko, medyo malalim na ang gabi, ngunit marami ka pa ring makikitang ilaw sa paligid mula sa iba pang mga condo at sasakyan sa paligid. Nagkalat ang mangilan-ngilang mga bituin sa langit habang nagtatago naman ang buwan sa likod ng mga ulap. Marahang nilaro ng hangin ang buhok kong may kahabaan at ang suot kong maluwag na t-shirt. Binuksan ni Gino ang plastic na bitbit ko at naglabas ng dalawang lata ng beer. Iniabot niya sa akin ang isa at binuksan ang hawak niya. I leaned towards the railings. Just like the old days.
Hindi umiimik si Gino. He kept on sipping on his drink. Nakatingin sa malayo. Wala sa sarili. Hindi ko mainom ang inumin ko. Hindi ko alam kung masaya ba ako na kasama ko siya ngayon o malungkot ako dahil baka isa na ‘to sa mga huling pagkakataon na magkakasama kami bilang ganito. In a few weeks’ time, Gino’s going to be a married man, and I haven’t forgotten that.
“Naaalala mo no’ng plumakda ka sa quadrangle kasi hinahabol mo ‘yong prof natin kasi hindi mo pa napapasa ‘tong thesis mo no’ng third year? Una mukha mo no’n, halos ‘di namin mapigilan ni Sheena tawa namin no’ng tinutulungan ka na namin,” natatawang kuwento ni Gino.
Nagsalubong ang mga kilay ko nang maalala ko ang sinasabi niya. “Leche ka. Dumaan na kaya si Prof Ruiz sa harap mo, ‘di mo man lang pinahinto. Alam mo namang malakas kapit mo do’n.”
Malakas na tumawa si Gino. Inilabas niya ang chocolate chip cookies sa supot at binuksan ‘yon. Kumuha siya ng isa. Hindi niya ako inalok dahil alam niya na diabetic ako, kaya gano’n na lang ang inis niya kapag naglalagay ako nang maraming asukal sa pagkain ko o kapag kumakain ako ng matatamis.
“E ikaw, naaalala mo ba no’ng natamaan ka ng bola ng basketball sa gym no’ng PE class natin? Galit na galit ka pa no’n, tapos ‘yong coach pala nating strikto ‘yong nakatama sa’yo. Anlakas mo pa nga magmura no’n e,” ako naman ang natatawa habang nagsasalita. No’ng college kasi kami, si Gino lang ang kilala kong medyo nerdy pero anlutong magmura. Kala mo mukhang inosente pero kapag naiinis o nagagalit, akala mo breakfast, lunch, at dinner niya mura.
“Hoy, in fairness, dahil kay Coach nabawasan ang pagmumura ko. E naaalala mo pa ‘yong binasted mo no’ng second year tayo? Hayop na ‘yon, ginawa pa akong tulay,” hirit na naman ni Gino.
Natahimik ako. Naaalala ko ‘yon. Tandang-tanda ko pa na halos araw-araw, inaabutan ako ni Gino ng flowers at chocolates. Walang sinasabi, walang pahi-pahiwatig. Akala ko naman, nililigawan niya ako. Tuwang-tuwa pa ‘ko no’n nang sinabi niya sa’kin isang araw na magkita raw kami sa burger shop do’n sa tapat ng campus. Dahil gaga ako, um-oo naman ako. I was disappointed when it turned out that it was his friend, not him, who’s trying to court me. Pahiya ako no’n, halos isang linggo ko ring hindi kinausap si Gino. I avoided him. Doon ko na-realize na hindi ko puwedeng sabihin kay Gino na gusto ko siya, kasi it never crossed his mind to think of me more than his best friend.
“Nagalit ako sa’yo no’n, akala ko kasi pinagtitripan mo ako. Tapos nagulat na lang ako nasa tapat ka na ng bahay, Alas-tres ng madaling-araw, kinuntsaba mo pa si Sheena. Nabulabog mo kaya buong barangay no’ng gabing ‘yon dahil sa mini concert mo.”
Gino laughed again, to the point that he can barely breathe. Maluha-luha na tuming siya sa akin. “Pero seryoso, sabi ko pa sa’yo no’n hindi kita liligawan kasi best friends tayo.”
T*ngina mo, Gino. Sige, saktan mo pa ako, bulong ng isip ko.
“Pero real talk, Gino.”
“Ano ‘yon?” kunot-noong tanong niya sa akin.
“Kahit kailan ba, hindi pumasok sa…”
Kung ano mang sagot ni Gino, no’ng oras na ‘yon, parang ayokong marinig. What’s the point? Whether courting me crossed his mind or not, it can’t change anything. Seeing his puzzled face before me, I decided to ask him of something else.
“I mean, bakit ‘di mo sinabi sa’kin na balak mo na pala pakasalan ang fiancée mo? Nagulat na lang ako, gusto mo na akong maging maid of honor.”
Natawa siya nang mahina. “Gusto ko kasi na i-surprise ka. Alam mo ‘yon? ‘Yong vibe na ‘yong best friend mong iyakin. ‘yong lagi mong binabantayan. ‘yong lagi mong pinoprotektahan, at last, may proprotektahan na rin. May aalagaan na rin. I knew you’re going to be happy when you hear the news.”
Happy? I’m not so sure about that, Gino. But even if I’m not, I still chose to support you.
How I wish I can tell him that I’m not happy. That I want him. That I love him. Gusto kong sabihin kay Gino ang nararamdaman ko. But I keep on backing off. He’s my best friend, after all. And I don’t even know what his reaction would be if he knows. Or rather, I don’t have the courage to receive the rejection I’m so sure of. Tao lang din ako, I’d rather hide these feelings than confess and kill myself instantly. I don’t know if I can handle it.
“Sure ka ba na masaya ako?” bulong ko. Unfortunately, Gino heard it.
“Bakit, hindi ba? You can tell me, Maja. You know you always can.”
I faked a smile to hold back my tears. “Parang tanga, Gino! Syempre masaya ako para sa’yo.”
But Gino didn’t buy it. Ten years na nga pala kaming magkasama. Of course he knew if there’s something wrong.
“May dapat ba akong malaman?”
Na ano, Gino? Na mahal kita, ten years na? Na kaya lagi akong to the rescue sa’yo kasi higit pa sa best friend ang tingin ko sa’yo?
Kung alam mo lang.
Andaling ulit-ulitin sa utak, pero ang hirap sabihin gamit ang bibig. Parang may nakabara sa lalamunan ko. I can’t. I can’t do this. I can’t tell him.
“Para kang g*go, Gino. Na-shock lang ako, syempre. ‘Ni hindi mo man lang ako na-informed na ikakasal ka na. Medyo nakakatampo, syempre. Best friend mo ’ko e.”
Nakahinga siya nang maluwag. Pagkatapos nginitian niya ako. “Akala ko naman kung ano. Ikaw naman, napaka-tampururut mo. Surprise nga, ‘di ba?”
Natawa lang ako nang mahina. I sipped on my drink as I stared at the empty streets of Makati. Ampait ng bibig at ng pakiramdam ko. Puchang pag-ibig ‘to. Nakaka-g*go. Napaka-komplikado. Hindi ka makaiyak, ‘di ka makareklamo. ‘Di mo masabi na ikaw na lang. Either you choose to fight or to let everything be, paniguradong may masasaktan at may masisira. Ikaw o friendship niyo. Feelings mo o friendship niyo. Sabi nga sa Rule #1, huwag mong mahalin ang dapat kaibigan lang. Lalo na kung may mahal na siyang iba.
Kapag magkaibigan, walang talu-talo.