Chapter 2

1952 Words
"SERYOSO ka na ba d'yan, bunso? Wala na talagang atrasan?" tanong sa akin ni Kuya Paolo ko nang magka-usap kami sa telepono. Sinabi ko kasi sa kanya na baka the day after my birthday pa kami magkita. Nang malaman niya ang dahilan ko, katulad ni Sheena, paulit-ulit niya akong tinanong kung sigurado na ba ako sa gagawin ko. Nasa Canada kasi siya kung saan siya nagtatrabaho bilang nurse kaya todo ang pag-aalala niya na baka hindi niya ako madamayan. "Oo naman, Kuya Pao. Alam mo naman na parang kapatid na turing ko kay Gino, e." "Parang kapatid o dahil gusto mo siya?" Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko talaga kayang magsikreto sa kuya ko. Kunsabagay, no'ng umpisa pa lang ay si Kuya Pao ang unang nakaalam ng feelings ko para kay Gino. "Sonja, alam ko na halos ten years mo ring kinimkim ‘yang nararamdaman mo kay Gino. Sige, sabihin na nga natin na kaya ka tutulong sa kasal niya ay dahil paraan mo 'yon na mag-move-on pero 'di ba parang hindi naman pagmo-move-on 'yon? Parang sasaktan mo lang sarili mo no'n, e. Bakit 'di mo na lang sabihin sa kanya 'yang feelings mo? To get over it?" Hindi ko siya sinagot. Humiga lang ako sa kama ko at tumitig sa kisame. "Okay, 'wag mo na 'kong sagutin. Alam ko na rin naman na ang isasagot mo. Sige na, pinapayagan na kita. Basta uuwi ka kaagad, ha?" "Okay kuya. Bye. I love you," bulong ko. "I love you too, bunso. Ingat ka." Napapikit na lang ako nang ibaba ni Kuya Pao ang linya. Hindi naman ako tutulong sa kasal ni Gino dahil gusto kong mag-move-on, e. Tutulong ako kasi it'll be weird for him if I don't. Besides, 'di alam ni Gino na gusto ko siya. At higit sa lahat, 'di ko siya matiis. Sino ba namang makakatiis kay Gino? Everytime he needs something, he'll give the cutest look in his eyes. Or he'll give you the warmest hug. Or he'll bring you to your favorite place. And I love seeing those gestures from him. Since freshman year namin, magkasama na kami. Si Gino, nerdy type pa, habang ako naman, parang lalaki kumilos. Halos sa kanya umikot mundo ko simula no'n. At first I made myself believe that I would never like him more than a friend, hanggang sa dumating kami sa punto na palagi kaming magkasama. Palaging dinadamayan ang isa't isa. Gino stayed beside me through ups and downs. Gino was... near. Siya lang 'yon tanging tao sa mundong 'to na pakiramdam ko napakalapit. Siya 'yong nand'yan nang mamatay ang Mama namin ni Kuya Pao. Nand'yan siya nang sumama si Papa sa ibang babae. Nandy'an siya nang umalis ang kuya ko for Canada. Nang mamatay 'yong aso kong si Pichi. Nang hindi ako matanggap sa trabaho. Gino was there, beside me, easy to reach. Yet, I can't reach him. I can only stay here, beside him, watch him as he cluelessly make my heart beat faster. But I can't reach him. I shouldn't. Siguro masyado akong naniwala sa tropa code na bawal mong jowain ang best friend mo? Baka. Siguro masyado akong hopeless romantic na hinintay ko na siya ang mag-umpisa ng spark sa pagitan naming dalawa? Baka rin. "Hay, Maria Sonja," naibulong ko na lang sa sarili ko habang nakatitig sa kisame ng apartment ko. "Kailan ka ba ga-graduate sa feelings na 'yan?" Naputol ang pagmumuni-muni ko nang makarinig ako ng katok sa pinto ko. Hindi ako kaagad tumayo dahil wala naman akong inaasahang bisita. Nang hindi tumigil ang pagkatok ay napilitan na akong bumangon. Itinali ko muna ang buhok ko bago ko binuksan ang pinto. "Gusto mong kape?" bungad na tanong sa akin ni Ginong nakasuot ng sweater at pajama . Nakasandal siya sa sa pintuan habang may bitbit na dalawang cup ng kape galing sa isang kilalang 24-hour coffee shop sa baba ng apartment building na tinitirahan namin pareho. Inirapan ko siya at napatingin sa orasang nakasabit sa living area ng apartment ko para itago ang gulat at ang pamumula ng mga pisngi ko. Alas dose y medya ng madaling-araw. Sino ba namang hindi kikiligin kung bigla ka na lang dalawin ng taong mahal mo, 'di ba? "Balak mo ba akong puyatin?" He softly chuckled and shrugged. Mas naningkit ang mga mata niyang singkit na. "Wala namang pasok bukas e." I gave way to him. "Pasok, 'wag kang magulo d'yan ha. Sasapakin kita, kakalinis ko lang." He flopped on my couch as I went straight to the kitchen. Binuksan ko ang isa sa mga cupboard ko at inilabas ang lata ng cookies na binili ko no'ng huling mag-grocery ako. Chocolate chip cookies. Favorite ni Gino. Bitbit 'yon, binalikan ko siya sa living area. Abala siya sa pagtingin sa photo album na naiwan kong nakakalat. He softly laughed as he stared at the pages of the album. Puno iyon ng mga larawan namin for the past ten years. Napasandal na lang ako sa counter ng kusina ko at tinitigan si Gino. The way he softly laugh. The way he squint his eyes. The way he scan the pictures with his fingers. The way he make my heart stop. "Hoy, Maja, titig na titig ah!" buska niya sa akin na naging dahilan para magbalik ako sa huwisyo. Binato ko siya gamit ng lata ng cookies na hawak ko. Natamaan siya sa may balikat. "Aray ko! Pikon ka talaga kahit kailan!" Tinawanan ko lang siya at naupo sa isa sa mga sofa do'n. Inagaw ko ang photo album sa kanya at ibinalik 'yon sa lalagyan. Iniabot niya sa akin ang kapeng nasa paper cup. Kinuha ko 'yon at uminom nang kaunti. "Bakit ka nabisita?" "Hard mo naman sa'kin, e sa taas lang naman ako nakatira." Gino sipped on his coffee, sitting comfortably on my couch. Oo nga pala, sa itaas na palapag lang ang apartment ni Gino. I chuckled. "Kailan ka ba huling bumisita? Around three months na rin ata?" "Hm, yeah, bago 'ko sagutin ni Kaycee." Naibaba ko bigla ang hawak kong kape nang marinig ko ang pangalan ng fiancée niya. I cleared my throat as I stood up, feeling a bitter taste forming in my mouth, as I marched towards the kitchen. I took out a small packet of sugar and headed back to the living area. "Pait e. Dadagdagan ko lang ng asukal," pagdadahilan ko. Binuksan ko ang paper cup at ibinuhos doon lahat ng laman ng pakete ng asukal. Gino frowned. " 'Di ba sabi ko sa'yo 'wag kang masyadong mag-aasukal? Magkaka-diabetes ka n'yan e." I snorted. "Yeah right, Doctor Quack- Quack.” He stood up and took the packet of sugar from my hand, as he stood there, centimeters away from me. My heart started to beat faster as I felt his hot breath against my ear. "Sabing 'wag masyadong mag-asukal, e! Antigas ng ulo mo, Maria Sonja." I stared at his face as he started to stir the contents of my cup, as he stood closer. I watched as his jaw clenched, his Adam's apple moving as he swallow and move his mouth. "Bakit ang guwapo mo, Gino?" bulong ko. My heart stopped when he moved his head to look at me. Our lips are just inches away from each other. "May sinasabi ka?" "Ha? Wala." "As I was saying,” Gino said, looking back on my paper cup. “Huwag kang masyadong maglagay ng asukal sa pagkain mo. Matamis na nga 'tong kape, lalagyan mo ba ng asukal.’Di 'to mapait, baka panlasa mo lang." "Baka nga," nauutal na sabi ko bago ako umusog palayo sa kanya. Mali 'to. Iba ang gusto ni Gino, Maja. At magpapakasal na siya. Kinuha ko ang paper cup na may kape at dumiretso sa maliit na balcony ng apartment ko. Tahimik na ang siyudad. May mga ilaw kang matatanaw sa kalsada at sa mga kalapit na gusali na galing sa mga sasakyan at mga taong hindi rin makatulog. Bahagya mo lang ding maaaninag ang mga bituin at ang buwan sa langit. Nasa 28th floor ang apartment ko kaya siguro parang pakiramdam ko, payapa ang kapaligiran. Gino followed me, bringing his coffee and the can of cookies. Sumandal siya sa railings. I didn't said anything, just watching the scenery. "'Tol, gusto kong ulit-ulitin 'tong scene na 'to.’Yong tipong babatuhin mo 'ko ng lata ng cookies tapos bigla tayong magmumuni-muni tungkol sa buhay. Gano'n. Parang chill lang." I smirked. "Puwede naman nating ulit-ulitin 'to e. Basta walang magbabago." Gino silently sipped on his coffee. Nilingon ko siya. "Gino, may tanong ako." "Ano 'yon?" "Pa'no mo nalaman na gusto mong makasama 'yong fiancée mo panghabang-buhay?" He sweetly smiled as he stared at his coffee. "Si Kaycee? I just woke up one day, that she's all I can think of. Mula sa paggising hanggang sa pagtulog. I just woke up feeling that her face is what I want to see first thing in the morning and last thing at night. I just woke up one day realizing that I don't want to live my life anymore without her. Na gusto kong harapin 'yong natitirang mga dekada ng buhay ko na kasama siya. Especially when I met the real her. That's when I realized that I don't want to let go of her. Na siya 'yong gusto kong makasama panghabang-buhay." Ininom ko ang kapeng binigay niya upang alisin ang pait na namumuo sa lalamunan ko. Ampait. Ampait-pait at angbigat ng dibdib ko ngayon. But I don't want to cry. Atleast not when Gino's here. "Naku, inlababong-inlababo ang utol ko ah," asar ko sa kanya. Mahina lang siyang tumawa. "Darating ka rin d'yan 'tol, someday." Dumating na nga e, kaso hindi ako 'yong mahal niya, bulong ng isip ko. Nginitian ko lang siya. "Well, mukhang desidido ka na talagang magpakasal at mukha ka namang masaya, e 'di sige, payag na ako na maging maid-of-honor ng bride mo. Basta the day after 'your wedding, uuwi agad ako dahil hinihintay ako ni Kuya Pao. Deal?" Tuwang-tuwang nagtatatalon si Gino. Ibinaba niya ang baso ng kape niya at hinila ako palapit sa kanya. Gino took me inside his warm embrace. My heart started to beat faster and faster as I felt Gino's warm, manly arms encircling me. "Sabi ko na 'di mo 'ko matitiis, e! Thank you, thank you, thank you!" excited na bulalas niya bago niya ako niyakap nang mahigpit ulit. How I wish we can stay like this forever. Five minutes pa, Gino. No— can we please stay like this for eternity? Puwede bang ako na lang yakapin mo panghabang-buhay, Gino? Pero hindi. Mali 'to. Ikakasal na si Gino, Maja. Kumawala ako sa pagkakayakap niya at inis na tumingin sa kanya. "May utang ka sa'king pabor, ha?" Gino sweetly smiled and saluted at me. "Yes Ma'am!" Inayos ko ang nagusot kong pajama pagkatapos ay bumalik sa loob ng apartment ko. "At saka maging sensible ka na sa kilos mo, Gino. Hindi puwedeng bigla-bigla mo na lang akong yayakapin o kahit na sinong babae d'yan. Ikakasal ka na, baka nakakalimutan mo. Sige na, uwi na. Magpapahinga na ako," sabi ko bago ko binuksan ang pinto at hinintay siya na makalabas. "Bye, Maja! Love you, 'tol!" Tipid ko lang siyang nginitian bago ko isinara ang pinto. Nanginginig ang mga tuhod ko. Napasandal ako sa pinto pagkatapos ay nanghihinang napa-upo sa sahig, unti-unting lumalabo ang paningin dahil sa luhang walang tigil sa paglabas mula sa mga mata ko. "Antanga-tanga mo, antanga-tanga mo...Ginusto mo 'yan, 'di ba? Ginusto mo 'yan, Maria Sonja... 'Wag kang umiyak, ginusto mo 'yan..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD