Chapter 20

1223 Words

Tuluyan kaming hindi nagpansinan ni Gino. At do'n nag-umpisa ang mga kakaibang pangyayari bago ang kasal nila. Eight days bago ang kasal, nagulat kami sa tili ng mama nina Krystal. Humahangos na napatakbo kami papunta sa pinanggagalingan ng sigaw. Kasama ko si Keith. Maaga kami pareho na nagising at nakasalubong ko siya papunta sa kusina ang marinig namin ang pagtili ng kanyang ina. Pagkalabas namin ay dumiretso siya papunta sa may dalampasigan kung saan nandodoon ang nanay niya. Sumunod ako. Nakaupo ang kanilang ina sa isa sa mga benches na nakalagay sa gilid ng dalampasigan. May hawak siyang regalo na bukas na. Sa loob niyon ay dalawang kutsilyo at isang maliit na papel. "Mama, anong nangyari?" "Keith, si Krystal..." "Ma? Bakit?" Napalingon ako kay Krystal na kakarating pa lang.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD