Betrayed "Oh, bakit ang tahimik mo?" si Kacy na nanunuri ang tingin sa akin. Kanina pa siya nagkukwento tungkol sa pakikipagtalo niya sa isang HRM student, nakikinig naman ako iyon nga lang ay papasok sa isang tenga at lalabas lang iyon sa kabila. Napailing na lang ako, siya namang pagtataas ng kilay nito. "Hindi ko na kailangang magcomment sa pinaggagawa mo, Kacy. Masyado ka ng matanda para sa pakikipag-away, tss." ramdam ko ang pakla ng boses ko pero hinayaan ko 'yon. Nangalumbaba ako at nilaro ang pasta na nasa plato ko. It's lunch time. Narito kami sa caferia. Mainit ang sikat ng araw sa labas nang tumitig ako sa bintana. Kasing init ng nagpupuyos kong damdamin na hindi ko naman maisatinig o mailabas. Ni hindi ako natutuwa sa pagkain ko ngayon. Ngumuso ako at nagbuntong hininga. "

