Promise Matayog ang araw nang lumabas ako ng aming bahay. Nagmadali akong pumasok sa back seat ng kotse na maghahatid sa amin sa university. Kumunot ang noo ko nang makita ang itsura ng kakambal ko. Animo'y hinipan ng malakas na hangin ang buhok niya. Her hair is almost covering her face. "Did you even comb your hair, Kim?" hindi ko naiwasan ang tanong. She just nodded habang nakatingin sa bintana. She's completely an opposite of me. Hindi lang dahil fraternal twins kami. She's very weird and silent most of the time. She's very content with books and internet at home samantalang para akong binubudburan ng asin kapag nasa bahay lang. I am an extrovert kind of woman and she's an introvert. Today is the first day of our last year in college. I am a graduating student of Bachelor of Fine

