One of a kind
"Your grandparents designed this?" si Yue na namamangha sa pagkadesenyo ng ancient restaurant nila mommy.
"Yes, si Lolo mismo ang nagdesign." sagot ko.
Nang makalabas kami ng parking space ay tumulak na kami sa entrance. Tinanggal ko ang sunglasses ko at pinagmasdan ang kabuuan ng ng restaurant. Huling bisita naming magkakapatid dito ay 'yung buhay pa ang lolo. Masyado pa kaming mga bata noon.
Though it looked very ancient, hindi pa din nawawala ang pagkaelegante nito. Lolo designed it with highend spanish furnitures. Animo'y isang restaurant sa Madrid ito.
It's two in the afternoon, naging matagal ang byahe namin at hindi pa din kami naglalunch.
"Did you alert them about your spot check?" Seff asked me while walking towards the main door.
"No, dapat maganda ang pamamahala dito kahit walang may-aring bibisita, 'di ba? My bestfriend is already here. I asked her to observe the staffs."
I didn't alert the manager of this restaurant just for me to know kung ano sila sa araw-araw habang wala kami. Mabuti na lang pinapunta ko si Kacy not just to observe our employees but also to save my ass from being a thirdwheel. Umasim ang tyan ko nang maalala kung gaano nagpanggap si Kylie na mabait sa akin habang nasa harap kami ni Yue. Matapos niya akong pagsalitaan ng kung ano-ano ay ganon siya umasta? Sobrang plastik!
Binati kami ng isang crew at guard nang makapasok sa loob. I looked at them intently. Maayos naman ang pagbati at pagngiti nila sa amin but I didn't know na hindi nila ako kilala. Mga bago pa ang mga 'to? Anak ako ng may-ari ng pinagtatrabahuhan nila pero hindi nila ako kilala sa mukha?
Hinayaan ko iyon. Hinanap agad ng mga mata ko si Kacy. Nakita ko ito nakaupo sa pinakadulong mesa malapit sa staff room.
May lumapit sa aming lalaking staff at binati kami.
"Good afternoon! Welcome to Alvedo's Grill House. Table for three, miss?" anito.
"Uh, no. I have my friend here already, thanks." I told him at itunuro si Kacy. Bumaling ako kina Yue at sa girlfriend niyang mapagkunwari, "Let's join my bestfriend na lang."
Yue nodded. I saw how he cling his arm to Kylie's waist. Inirapan ko iyon. Buti na lang nandito si Kacy! Nagccringe na ako sa dalawang 'to!
Lumapit kami sa table ni Kacy. Nang makita ako'y agad itong tumayo at niyakap ako.
"Omg! Namiss kita!" She said bago kumalas sa akin. Bumaling ang mga mata niya sa dalawang tao sa likod ko pero nagtagal iyon kay Yue.
Naningkit ang mga mata ko habang tinitignan ang mga mata ng kaibigan kong halos kuminang. Her mouth is half opened... She's stunned.
"I thought you're alone," aniya.
I rolled my eyes. Sana nga mag-isa na lang ako.
"Well, this man behind me won't allow me to come here alone." I just shrugged.
Naupo kami sa table pero si Kacy ay hindi pa din matanggal ang tingin sa kay Yue. Tumabi ako dito habang sa harap niya ay si Yue at ang akin ay ang bruhildang Kylie. I wish I can eat well...
"Sorry, ah? Pero totoo ba 'to? Seff Yuan Li is here?!" kilig na kilig na pambabasag ni Kacy ng katahimikan.
Bumaling sa akin si Yue bago nginitian si Kacy. Kita ko kung paano nagpigil ng tili ang bestfriend ko. Ganito ba talaga ang epekto ni Yue sa mga babae?
"Gosh! I can't breathe! Nabusog na yata ako! May ulam akong kaharap!" natatawang sabi ni Kacy, "Hey, I'm Kacy Gonzales. Hindi ko alam na ikaw pala 'yung childhood friend nito ni Hyrie! Kung alam ko lang, sana bumisita ako sa inyo!"
"Gonzales?" si Yue na buo ang atensyon ngayon kay Kacy, "Kapatid ka nong Finn Gonzales, tama?"
"Unfortunately, yes..." Kacy answered with an obvious disgust about the topic.
I glared at Yue, warning him. Hindi ito ang oras para balikan ang nangyari na. Nakuha naman nito ang mensahe ng paninitig ko kaya nginitian niya ulit si Kacy.
"It's nice to meet you, Kacy. I'm Seff-"
"I know! The hottest model in the country, Seff Yuan! Sorry, I feel so stoked. I admire you a lot!" Kacy exclaimed.
Hindi ko na mabilang ang irap ko. Walang hiya sa katawan 'tong kaibigan ko. I glanced at Kylie, she looked out of place. Ipinakilala siya ni Yue sa kaibigan ko. Nginitian niya lang 'to.
Dumating ang isang waitress at binigyan kami ng menu. Nagulat pa nga ito nang makita ako.
"M-ma'am Hyrie?" nanlalaki ang nga mata nito habang pinagmamasdan ako.
Finally! Someone here recognized me!
"Yes. Please don't tell anyone that I am here, lalo na sa manager mo. Just do you work and I'll just observe here a bit." utos ko sa kanya.
Dali dali naman itong tumango at nakuha ang sinabi ko.
"Thanks, and please serve us the best food here. I would like to have Sangria for drink please."
Sinabi din nila Yue ang gusto nilang i-order at pagkatapos ay umalis na ang waitress sa harap namin.
Hindi rin naman nagtagal ang paghihintay namin sa pagkain. Habang kumakain kami ay hindi ko maiwasan ang pagtingin kay Kylie. Tipid ang pagkain nito at tila walang gana.
Tss, hindi niya feel ang spanish food? Nakakapang-insulto!
Buti na lang medyo inaaliw ako ng bestfriend ko sa pagrereport ng mga napuna niya sa mga empleyado dito kaya hinayaan ko na lang ang bruhilda sa harap ko.
"Pinagalitan ng manager 'yung chef kanina," kwento ni Kacy.
"And then?"
"You won't believe how the manager insulted her, Hyrie. I did hear it here from the kitchen. Nakakahiya. That's unprofessional. May nakakarinig na ibang customers..."
Napabuntong hininga ako at binaba ang hawak na kubyertos. Hindi ako magaling magmanage ng business pero hindi ganitong behavior ang gusto ko na ipakita ng mga empleyado namin. Professionalism should be executed on their daily works!
"There are two waitresses here too na puro chika lang when there were a lot of customers who came in earlier at lunch hour..." Kacy added, "Imagine, it was lunch hour and they were supposed to work double time. Dinadayo 'tong restaurant niyo, e."
"Alright," yun na lang ang nasabi ni Hyrie. Nabibwisit ako sa mga narinig ko sa totoo lang but I remained calm. Kailangan matino ang isip ko kapag hinarap ko ang mga dapat matuto sa resto'ng 'to.
Umiinom ako sa baso na may lamang Sangria nang mapansin ang dalawang waitress na pababa ng hagdan galing second floor kung saan sa tingin ko ay ang manager's office. Rinig na rinig ko ang usapan ng dalawang 'yon.
"Naku, kawawa naman si Jemimah. Pinag-initan na naman ni Ma'am Joanne..."
"Inaraw-araw na siya ni Ma'am, no? Kawawa talaga. Lagi siya pinapahirapan."
"Tapos sinampal pa siya. Kung ako 'yun irereklamo ko na si Ma'am Joanne sa may-ari. Hindi na tama 'yun, e. Nananakit..." at umiling ang isang waitress.
Parang naubos ang pasensya ko sa narinig. Anong karapatan ng manager na 'yon manakit ng tauhan namin? Isa lang din siya sa pinapasahod dito! I won't tolerate her behavior!
Dinampian ko ng table napkin ang gilid ng aking labi. I stood up at kinuha ang aking purse.
"Where are you going?" Yue asked me. Tapos na ito kumain samantalang nagdedessert pa sina Kacy at Kylie.
"Magtatapon ng basura," seryoso kong sagot dito.
Tinalikuran ko ang mga ito at nagmartsa paakyat sa opisina ng walang hiyang manager. Nagulat pa ang dalawang waitress nang dumaan ako sa gitna nila. They were both shocked and scared at the same time. Marahil ay nakilala ako.
My grandparents gave all the efforts and money to build this business. Ito ang kauna-unahang business na initayo ni lolo para kay lola. They did everything to make this restaurant successful. Maalaga sila sa mga employedo na siyang naacquire na ugali ng mommy at kuya ko. Bilang Alvedo, bitchesa man ako'y alam ko ang tamang pagtrato sa mga empleyado. If their behavior aren't acceptable, they should be fired immediately. Ganon ang turo sa akin ni kuya Reid.
Dire-diretso ang pagpasok ko sa manager's office. Ni walang katok katok. Nasaksihan ko ang panenermon ng manager sa isang chef. Kita ko ang panduduro nito sa babaeng walang kalaban laban.
Nagulat ang manager sa aking presensiya. Ang mga mata nito'y nawalan ng galit at napalitan ng pagkapahiya.
"Bawal po ang customers dito." aniya
"I really feel sorry for those people who don't know and recognize me." sabi ko. Matalim ang pagkakatitig ko dito. Sa mukha pa lang nito ay alam ko na ang kasangsangan ng ugali na mayroon siya.
Pinagmasdan niya akong mabuti at kalaunan ay nanlaki ang mga mata. Siguro ay alam na niya kung ako?
"M-miss Alvedo?" biglang nagliwanag ang mukha nito na kanina lang ay kung umasta e parang siya ang owner ng restaurant na 'to.
"Oh, akala ko ay sesermunan mo din ako."
"M-miss Alvedo naman!" humalakhak ito at agad akong dinaluhan, "Bakit ko naman po gagawin 'yon? Naparito po kayo?"
"This is our business. Can't I do a spot check?" I lifted a brow, napatingin ako sa chef na nakayuko sa gilid.
Rinig ko ang paghikbi nito. She's crying.
"Ah!" awkward ang pagtawa ng manager, "Maupo po muna kayo, Miss." tinuro niya ang sofa sa gilid pero di ko 'yun pinansin. Deretso ang tingin ko sa kanya.
Kita ko ang pag-upo ni Yue sa sofa. May naglalarong multo ng ngiti sa labi niya. Para bang may inaabangang c****x sa isang movie.
"Ano ang kasalanan niya?" I asked the manager habang nakatingin sa chef.
"Naku, Miss Alvedo, ilang araw kasi 'yang hindi pumasok at ilang beses pang nagkamali sa mga niluluto! Nakakahiya sa mga customers! Isa pa'y walang ginawa kung hindi ang maglandi sa mga staff na lalaki!" she ranted.
I nodded, "Thank you for letting me know."
"Tsaka Miss Alvedo, wala po siyang ginawang maganda ngayong-"
"Shut up, please." I cut her off. "Tama na ang pagsusumbong. Sipsip ka masyado."
Napanganga siya sa sinabi ko. Agad din niyang tinikom ang bibig at yumuko. Mainit at kumukulo ang dugo ko sa kanya!
Nilapitan ko ang chef na umiiyak. Humalukipkip ako at hinarap ito.
"Why are you crying?"
"W-wala po, ma'am..." pinunasan nito ang luha sa pisngi at mas lalong yumuko.
Ngayong nakikipag-usap ako ay yumuyuko sila? Napairap ako sa ere.
"Look at me! I'm talking to you!" sigaw ko, hindi na napigilan ang galit.
"Miss Alvedo, huwag mo na po siyang pag-aksayahan ng oras." singit ng walang modong manager.
"I'm not talking to you!" singhal ko dito. Halos mapatalon ito sa bayolente kong boses.
Tahimik ang dalawang babae sa harapan ko. Tanging ang mumunting tawa lang ni Yue sa sofa ang naririnig ko.
"Hayl, calm down..." aniya, the playful smile is plasterred on his face.
Ibinalik ko ang attention ko sa chef, "You will talk, or I wil fire you. You choose."
Nag-angat ito ng tingin sa akin. Parang nawalan ng dugo ang mukha niya sa sinabi ko. Dapat lang syang matakot. I'm not kidding at this moment.
"Did she slap you?" tinuro ng nga mata ko ang manager na halos manginig sa galit ko.
The chef gasped. Hindi alam kung paano magsisimula. Napabuntong hininga ako at naiinis na ngumiti dito.
"Answer me, Jemimah. Did she really slap you?"
"O-opo, ma'am." pag-amin nito.
"Really? You allowed her to slap you just like that?" I tried to calm myself pero sobra na ang galit ko sa nangyayari, "Take a revenge. You can slap her right now."
Parehong napanganga ang chef at ang manager sa sinabi ko. Nabalisa ang mga ito sa pinapagawa ko.
Binalingan ko si Yue. Seryoso na ang pagkakatitig nito sa akin pero may multong ngiti ang labi. He's enjoying the show, huh?
"Po?"
"Slap her! Kapag hindi mo ako sinunod ay pareho kayong malilintikan sa akin!"
"P-pero Miss Alvedo-" singit muli ng manager.
"I told you to shut up! Ano sa sinabi ko ang hindi mo naintindihan?!" bulyaw ko sa manager.
Nanginginig na ito sa takot pero wala akong pake. Ang kapal ng mukha niyang magreyna reynahan dito, e isa lang din siya sa mga pinapasahod ni mommy! She can't even supervise her employees professionally! Sayang ang sahod na binibigay sa kanya!
Binalingan ko muli ang chef na tila naestatwa na.
"Hindi ka kikilos?" nagbabanta na ang boses ko.
Umiling ito. Kinagat ang ibabang labi at yumuko. Napatingin ako sa ceiling. My anger is no longer in control.
"Alright..."
Parang naging hangin ang paggalaw ng palad ko. Malutong ang pagkakasampal ko sa kaliwang pisngi ng manager. Nanakit ang mga palad ko pero hinayaan ko 'yon. I am freaking mad right now and no one can ever stop me...
"Stop it! Stay calm," naramdaman mo ang braso ni Yue sa beywang ko.
Huminga ako ng malalim at hinarap muli ang chef na ngayo'y nalaglag ang panga sa pagkakasampal ko sa amo niya.
"Listen, you will no longer be a chef here. From now on, ikaw na ang bagong manager ng grill house na 'to."
"P-po?!" Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi ko.
"You heard me, Jemimah. You are promoted to be a manager here. Ngayon, lumabas ka at pakisabi sa dalawang waitress na galing dito na wala na silang trabaho..."
I don't like our employees to be lazy. Binabayaran sila ng maayos para magtrabaho at hindi para magchikahan sa oras ng pagtatrabaho. Kaya naman dapat ding mawala ang dalawang chismosang 'yon dito. I'll have kuya Reid hire some deserving people rather than keeping those two!
"S-salamat po, Ma'am! Masusunod po!" masaya ang naging itsura nito bago umalis ng silid.
Hinarap ko naman ang natulalang manager. Ni hindi ako nagiguilty sa p*******t ko sa kanya. She deserves the slap dahil hindi maganda ang naging pakikitungo niya sa employado namin.
"You are fired..." malamig ang pagkakasabi ko noon.
Humagulgol ito sa pag-iyak. Umiiling at hindi matanggap ang huli kong sinabi.
"A-ano pong kasalanan ko? B-bakit niyo po ako tatanggalin?"
"You are not professional. You are ineficient. Simple as that..."
"Pero-"
"You don't deserve to be a manager of this restaurant. Hindi ko itotolerate ang behavior mo, Miss. Hindi namin kayo pinapasahod para magbigay ng bad impression sa mga empleyado at customers namin! Naiintindihan mo?"
"Hindi naman ho kayo ang nagbigay sa akin ng trabahong 'to! Anong karapatan niyong tanggalin ako? Wala ho!" sigaw niya habang tuloy ang pagluha.
Aba't nangatwiran pa! Walang karapatan? Ako si Hyrie Alvedo for pete's sake! I have all the rights in my world!
"Are you insulting me? I am the daughter of Benjamin Alvedo!" I laughed sarcastically, "Sige, pagbibigyan kita!"
"Hayl, enough..." mahigpit na ang pagkakahawak sa akin ni Yue pero hindi ko pinansin iyon.
This girl who just insulted me will have to learn her lesson!
Inilabas ko ang phone ko sa purse ko. I'll call kuya Reid nang matapos na 'to.
"Hyrie, nasa board meeting ako. What's this?" seryoso ang boses ng kapatid ko nang sagutin niya ng tawag ko. Napangiti na lang ako. Ni-loudspeaker ko ang phone ko para marinig ng pesteng babaeng 'to ang sasabihin ni kuya.
"Kuya, I'm here sa Grill House. I can't believe na naghire kayo ng unprofessional at mapang-aping manager dito?"
"Oh?" parang naguluhan si kuya sa sinabi ko. Narinig namin ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya.
"So, I'm cleaning the mess here. I'm trying to fire this manager in front of me pero wala daw akong karapatan. I'll be glad if you will take over now nang makaalis na ako..."
Deretso ang tingin ko sa babae. Napapailing ito habang patuloy ang pag-iyak. Bato ang puso ko sa mga taong katulad niya. Kung naging maganda ang pamamahala at pagtrato niya sa nga empleyado dito ay baka napagbigyan ko siya.
"Nandyan ba 'yung manager na sinasabi mo?" tanong ni kuya sa galit o naiinis na tono.
"Yes, in front me." I answered.
"Loudspeaker mo."
"I already did."
"Alright, then Miss Joanne, you are fired." my brother announced with full authority.
Nalaglag ang panga't bumagsak ang mga luha ng babae sa harap ko. May kaunting awa akong naramdaman pero hindi ko 'yon hinayaang kainin ako.
This is the right thing to do... Kailangan sa negosyo ang pagiging matalino lalo na ang pagpili sa mga empleyado. Hindi pwedeng magaling lang, hindi pwedeng may natapos lang. Dapat ay may kakayahan mamahala at makatao.
"Is that it?" tanong ni kuya.
"Yes. Thanks, kuya. I'm sorry I had to disturb you for this."
"No problem."
I ended the call immediately. Nakakahiya dahil inistorbo ko pa ito sa trabaho. Hindi ko lang matanggap ang pang-iinsulto sa akin ng babaeng 'to kaya hindi ko pinalampas.
Nagtaas ako ng kilay, "So?"
"Ang sama mo! Wala kang puso!" galit na galit na sigaw ng babaeng 'to sa akin.
"Sana inisip mo ang bawat galaw mo dito, Miss. You deserve what happened. Makakaalis ka na... and yes, wala akong puso." sabi ko.
Isang galit na titig pa ang ginawa niya sa akin bago ito lumabas ng office.
That girl is a dimwit bitch...
Tsaka lang ako nakahinga ng maluwag nang mawala na ang babaeng 'yon sa harap ko. Damn it! Talagang nahighblood ako doon, ah?!
"You're impossible..." Yue whispered.
Naramdaman ko ang pagkalas ng kamay ni Yue sa akin. Nang balingan ko ito ay naglalaro ang ngiti sa kanyang mukha.
Ayan na naman ang ngiti niya. Inaano ko 'to?
"What?" kunot noo kong hasik sa kanya.
Don't tell me na matapos niyang mag-enjoy sa scene ko dito ay pagagalitan niya ako?
"You're too harsh," komento niya. "Why did you do it?"
"It's her fault! If only she behaved well, this won't happen at all!" paliwanag ko.
"That's quite a show..."
"And so? She deserved it, alright? Hindi ako tanga para magtanggal na mabuting empleyado. Apparently, she's not kind and professional!" lintanya ko, defending my action.
Nanunuri ang kanyang mga matang nakatitig sa akin. Napasimangot ako. Bakit parang mali ako? Grabe, kailangan ko bang maghugas kamay?! Mali ba talaga ginawa ko?
In my own opinion, tama lang ang ginawa ko! I removed the trash of this place. That's what important to me right now!
"You're really..." he paused when I glared at him intently, "One of a kind."
What did he just say?