Chapter 5

3320 Words
Bitch "Your hair looked good," Yue commented, nakaupo ito sa monobloc chair sa gilid ko habang inaayos ng hair stylist an "Maganda kasi ako. Alam ko naman." sambit ko. Naging visible ang dimples nito nang ngumiti. The amusement of his eyes are too evident, enough to annoy me a bit. Ano bang nakakatuwa? Nasaan na ba kasi yung Kaira na 'yon at iniwan ang kaibigan niya sa akin dito? Nandito na kami sa set. Magfefeature ang magazine ng weddings at ang photoshoot na gagawin namin ay sa beach gagawin. Maya-maya lang magsisimula na ito. Hindi ako baguhan sa mga ganito dahil ilang beses na din ako nagmodeling pero may kaba pa din sa dibdib ko. Hindi ko na lang iniinda dahil nandito na't nahila na ako nila Kaira at Yue. Imagine, magiging partner ko si Yue. Marami sigurong babae ang gustong makapareho 'tong fat nerd na 'to! Gwapo, e... "Seff, kailangan ka ng ayusan." tawag ng pumasok na staff sa room kay Yue. "Alright," tinanguhan nito ang staff at bumaling siya saglit sa akin. "Sumunod ka na." I told him as he's still looking at me even the staff is waiting for him. Tumayo ito at bahagyang lumapit sa akin. Inobserbagab ko ang mga galaw nito habang nakatingin sa salamin. "I'll see you outside then," aniya bago sumunod sa staff. Sumimangot ako at umirap sa ere. Kunwari pa siya! Bakit hindi niya aminin na nagagandahan siya sa akin? "We're done, honey!" natutuwang sabi ng hair stylist. Natuwa ako sa naging resulta ng pag-ayos niya sa buhok ko. Some of it are flowing naturally. Nakabraid ang bandang taas at nakapaikot ng maayos. Natural ang pagkakakulot ng mga naiwang buhok sa gilid ng magkabilang tenga ko. Hindi ko naiwasan ang mapangiti. "I think I can manage the make up." I told her. Pumalakpak ang stylist, "Sure!" Inilabas niya ang lahat ng make ups na mayroon siya. Natuwa naman ako dahil mamahalin ang mga ito at kilalang brand katulad na lang ng mga ginagamit ko. Sinimulan ko ang pag-aayos sa mukha ko. I started with putting up moisturizer and primer on my face. Pagkatapos noon ay ang concealer at pagcocontour, then the eye shadows. I made sure that the products I use will be fit with the color of my skin at akma sa ifefeature ng magazine. I need to look like a bride so hindi dapat ganoon kakapal ang make up. Namangha ang stylist nang ayusin ko ang eyebrows ko. Ito ang pinakagusto ko sa lahat. I always make sure na on fleek ito. Nang makuntento sa kilay ay naglagay ako ng red lipstick. "Oh my gosh! You look dazzling, honey!" puri sa akin ng stylist, "Ang expert mo pala sa ganito. I like you! Sana ikaw na permanent na partner ni Seff! Bagay kayo!" "What?" umiling iling ako at hindi naiwasan ang pag-irap. "Sus!" ngumisi ito at tumingin ng nakakaloko sa akin. "Swerte mo nga, binabantayan ka pa ni Seff kanina! Grabe pa makatingin!" "Ganoon lang 'yun. He's afraid na baka tatakas ako." tumayo ako at pinagpagan ang suot na robe. "Iba kaya makatingin!" "Imagination mo lang 'yun. Tsaka he's not my type." sabi ko dito ngunit panay pa din ang ngisi niya. "Saan na yung gown na susuotin ko?" Nagmadali itong kunin ang gown na susuotin ko. Habang nagbibihis ako ay hindi pa din siya matigil kakaintriga sa amin ni Yue. Hindi ko na mabilang kung nakailang irap na ako. Hindi ba pinapakilala ni Yue ang girlfriend niya kahit sa team niya? Okay lang sa kanya na nalilink siya sa kung sino-sinong babae? Okay lang sa Kylie na 'yon? Ano siya santa? Nang naging handa ay nilakad na namin ang pinakaset sa may gitna ng beach. May malaking arko na dinesenyuhan ng malalagong pink roses. Ang paligid ay animo'y may ikakasal talaga. Well, it's not a simple magazine after all. Yue smiled from ear to ear habang tinitignan ako sa suot kong wedding gown. Simple lang naman ang pagkakadesign nito. Off shoulder, long and fitted na may slit sa gilid kaya exposed ang kanang legs ko. Manghang mangha ang mga nakakakita sa akin. Sabi pa ng iba ay totohanin na lang daw. Bahaw ang ngiti ko nang marinig 'yon pero parang wala lang kay Yue. He's just stunned, with no comments at all. Nagagandahan sa akin pero ayaw naman aminin. "Stop staring, Yue. Ano, crush mo na ako?" Pagtataray ko sa kanya. Tumawa lang ang loko. Akala niya ata porke nakatuxedo siya at mukhang prince ang dating ng itsura niya ay hindi ko na pupunahin ang paninitig niyang may halong pang-aasar? Damn! "Alright, Hyrie and Seff, listen!" tawag sa amin ng photographer na super gwapo. Mahaba ang buhok nito at nakaponytail. Ang mga mata ay banyagang asul. He's a foreigner, indeed. "Yes, Ian?" ani Yue at buo na ang atensyon sa photographer. "Since the magazine will feature weddings, I'd like both of you to give your best. This is a high-end magazine we're working with." Yue and I both nodded. I know how this thing works. Mabuti na lang ay naging hilig ko ang pagmomodel kapag walang pasok kaya confident ako na magagawa ko 'to ng maayos. Unless na lang hindi makipagcooperate si Yue? But I doubt, he's too passionate when it comes to his job. "Great! I'd like you guys to own the roles as if you you are newly weds. I need you to act as a perfect couple. Is that possible?" Perfect couple? Yuck. We just nodded once again. As if naman na may magagawa ako. Kung hindi lang talaga 'ko kinulit nito ni Yue, edi sana nagtutulog ako ngayon sa ancestral house nila. "Okay, we'll start in a minute! Get ready!" Naging abala ang lahat at halos mabibilis ang galaw ng mga staffs. I glanced at Yue. kinakalikot niya yung tie niya kasi hindi maayos. Pero imbis na umayos, lalo lang itong nasisira kaya naman pinakealaman ko na ang ginagawa nya. "You've been in this industry for years pero hindi ka pa rin marunong magnecktie, huh?" Ngumuso ito at nagpipigil ng ngiti. Hinayaan niya ako na ayusin ang necktie niya. Nang makuntento ay tinapik ko ang dibdib niya. "I've never seen you this handsome, though." I commented. Well, hindi naman siguro nakakamatay ang sinabi ko. He's too handsome with his white tux! I can't help but to compliment him... Bago pa ito makareact ay nasa pagitan na namin si Kaira. "Seffy, I gotta go," she hugged Yue. "Bawi ako sa'yo when I have the chance, okay?" This girl is so clingy... I just rolled my eyes. The view makes me sick! Kaira glanced at me with a big smile. Yayakapin din sana niya 'ko pero bago niya pa magawa ay nagtaas na ako ng isang kilay. "Feeling close?" "Hyrie..." Yue warned me. So, what? "That's alright, Seffy." bumaling ito kay Yue then tumingin ulit sa akin. She grinned while I just glare at her coldly, "To be honest, gusto ko makipagtarayan sa'yo only if I have the time in the world. No worries, babawi din ako sa'yo for doing us a favor and... come hell or high water, we will be best of friends." aniya. "You know I don't like you. I admire your guts, though." She smirked, "I know, every bit of me is admirable naman talaga." "Kaira! You are blocking them! Lumayas ka na dyan!" sigaw ng gwapong photographer sa kanya. "How rude of you, Ian!" reklamo nito pero agad din namang umalis sa pwesto namin. Nagpaalam pa ito sa lahat ng staffs and I swear masasabi kong katulad siya ni Kacy na may pagkamegaphone din. Nang makaalis na siya sa paningin ng lahat ay nag-start na ang photoshoot. Pakiramdam ko ay dinaga ako sa umpisa. Kasi naman, there's a lot of people watching! May mga locals na napapahinto at nanonood sa amin. Yue and I act as a real couple. Promise, I want to kill myself already kasi nakakadiri 'tong pinapagawa sa amin. But we need to do this for the sake of his work! Besides, I noticed that he's enjoying it. Passion niya eh. He is very professional. Gwapo na nga tapos nagpopose pa ng pamatay! Kawawa ang mga fans nito pag narelease ang magazine. Maglalaway para sa kanya... So far, naenjoy ko na din ang photoshoot. Yue never allowed me to feel uncomfortable kahit na para na akong sinisilaban sa loob loob ko dahil sobrang lapit namin sa isa't-isa. Thanks to my handsome groom, anyway. "Okay, few more shots and we're done!" Ian, the photographer announced. It's already 5:30pm. Nagkukulay kahel na ang kalangitan at unti-unti ng lumulubog ang araw. Isang oras pa lang ang nakakalipas nang magsimula kami ay nakaramdam na ako ng pagod. Sana matapos na 'to. wanna go home and throw myself on bed. "Seff and Hyrie, pwede kayo maghalikan?" seryosong tanong ni Ian. Nalaglag yata ang panga ko sa tanong nito. Kiss?!Aba, tarantado 'to ah! Hindi rin yata nagustuhan ng partner ko ang narinig kaya humalakhak si Ian. Ngumuso ako at inimagine na magkikiss nga kami ni Yue. Tinignan ko ito at nakakunot naman ang noo niya. Bumaba ang mga mata ko sa labi niya. Well, ayos naman... Mukhang malambot. Darn it, Hyrie! Anong tinitingin tingin mo sa labi niya? Agad akong nag-iwas ng tingin. "I'm not saying that you will share a kiss for real. Angguluhan niyo lang na parang magkikiss kayo. But that supposed to be intimate, still." paliwanag ni Ian. "Is that alright with you, Hayl?" may halong pag-iingat na tanong sa akin ni Yue. "Yes, whatever," sabi ko na lang but deep inside, gusto ko ng sampalin 'tong photographer. Kahit kunwaring magkikiss lang ang pinapagawa niya ay mahirap pa din. Magkaibigan kami, e! I find it really awkward. "This will not take long." Yue said then he leaned forward to meet my face. "Ready!" Ian announced. Bahagya akong lumapit sa kanya. Nanginginig ang mga kamay kong humawak sa dibdib niya. We are staring at each other as if we're real. He smiled and pulled me closer to him. "Closer! Mas intimate pa!" utos ni Ian. Napatingin ako dito. Napakademanding naman niya! Titingin na sana ulit ako kay Yue nang mahuli ng mga mata ko ang girlfriend niya na katabi nung manager ni Yue. She is staring at me very intently. May naglarong ideya sa isip ko... I looked back at Yue, "Tapusin na natin 'to." He nodded, "We're almost finished." "Let's give our best for the last shot..." More intimate? I want to do it right in front of that Kylie, then. Hinigit ako ni Yue para mas lumapit sa kanya. Ang kanang kamay ay nakapalupot sa beywang ko. I place my arms around his neck, too. I pulled him closer, his face is just an inch away from mine.  "Pikit ka, Hayl." Yue whispered. Pinikit ko naman ang mga mata ko, "My girlfriend is watching. I'm dead." I just smirked. Naramdaman ko pa ang paglapit ng mukha ni Yue. Halos magkadikit na ang mga ilong namin. Mamatay ka sa selos, Kylie. "Great job! We're done!" Naghiwalay kami ni Yue pagkatapos ng pagannounce ni Ian na tapos na ang shoot. Tinignan ko ulit ang pwesto ni Kylie ngunit wala na siya roon. I guess my plan worked. Hindi ko maiwasan ang pagngiti. Nagpaalam si Yue sa akin. Baka hahanapin si Kylie. Wala na akong pakialam. Basta fulfilling ang pagpapaselos ko sa babaeng 'yon. Kung susukatin, mas hindi ko siya feel kaysa kay Kaira. Mga ganoong itsura, nasa loob ang kulo. "Anong oras uuwi si kuya?" tanong sa akin ni Marphie nang makauwi ako sa bahay nila. Talagang feel at home na ako dito. Ni hindi ko na binalikan si Kacy sa resort nila. Nilingon ko ito na paakyat na nang hagdan. I removed my stilletos at naupo sa sofa. "Pauwi na rin siguro. You should sleep." sambit ko at sinandal ang ulo sa backrest ng sofa. "Sabay kayo umalis. Hindi ba dapat sabay kayo bumalik?" "Huh, what?" "Kuya can't drive properly when he's drunk. He'a probably drinking right now with his team. Sana ay sinamahan mo siya." she told me and walked upstairs. Wow! Pinagsabihan ako ng batang yun? Ano bang magagawa ko kung feel makapag-inuman ni Yue sa mga nakasama namin sa photoshoot 'di ba? Actually, niyaya niya 'ko kanina na sumama sa bar kung saan sila magcecelebrate ng team niya but I refused kasi kasama 'yung Kylie. I just don't like that girl. Ang ending, umuwi ako mag-isa after the shoot. I checked my wrist watch, 9:53pm pa lang pala. I decided na hintayin na lang si Yue sa pag-uwi. Kawawa naman ito kapag walang magbubukas ng pinto. Nagpapahinga na 'yung dalawa niyang kapatid sa kwarto. Tsaka, hindi pa naman ako inaantok. Kinuha ko ang phone sa aking bag at tinawagan na lang si kuya Reid. "Hello, Hyrie!" malambing na boses ng kapatid ko nang sagutin niya ang tawag ko. "Hi, kuya!" bati ko dito. "How's Cebu? Hindi mo ako sinasabihan ng mga ginagawa mo. Nag-alala kakambal mo sa'yo." "Cebu's great, kuya. I'm sorry I've been busy for days. Kamusta si Kim?" "She's still aloof. Saan ka busy, huh?" nanunuri na boses ni kuya. "Sa madaming bagay! No need for you to know." Kinagat ko ang ibabang labi ko. May kaunting guilt akong naramdaman sa dibdib. My days have been rough since the accident. If only I can share it with kuya but hell, he'll definitely burn Flynn alive if I tell him what happened. I guess that will be another secret I'll keep forever. "I miss you, baby. Bumisita ka na sa Mactan so you can check our old restaurant. Mom ask you to give her a call when you're able to check its management." aniya. "Yes, I know. I'll do that, kuya Reid. Probably tomorrow if I have the time." I assured him. Marami pang sinabi si kuya. Halos maluha ako sa antok sa mga pagbabawal niya sa akin na makihalubilo sa mga hindi ko kilalang lalaki dito at mahirap na daw, pati na din ang pagbabar at pag-inom. Hindi ko na napansin na tumagal ng halos one hour ang pagtyatyaga ko sa kakulitan ni kuya, napakadaldal din. Pati nangyari sa araw niya ay nakwento na niya. Napahikab ako matapos kong makipagkwentuhan kay kuya. Tinatawag na ako ng antok. Naisip ko si Yue na hanggang ngayon ay wala pa din. Siguro kaya naman na niya ang sarili niya? Isang pitik na lang sa mata ko ay tutumba na talaga ako dahil sa antok. Bahala na talaga si Yue! I was about to walk upstairs but then tumunog ang doorbell. Kinusot ko ang mata bago lumapit sa malaking pinto. Buti na lang at hindi pa ako nakakaakyat. He's just on time! I opened the door for him, and I was surprised that he's not alone. Nagsalubong ang mga kilay ko habang papasok sila sa bahay. He brought his annoying girl! "Why are you still awake?" tanong sa akin ni Yue at siya nang nagsarado ng malaking pinto. He locked it and looked at me. "Bakit kailangan ba matulog ako ng maaga?" Tumawa ito, he walked towards me. Nagulat ako nang i-pat nito ang ulo ko. "You did amazing earlier." he said with his lips still very amused. "I'm always amazing naman, tss." inirapan ko pa ito. Binalingan ko si Kylie at halos mapunit na ang noo nito sa pagkakakunot. "You're still here pala," aniya. Tumagos ang titig nito kay Yue. Bitch! Sa titig palang niya ay alam ko ng ayaw niya ako dito. The feeling is mutual, you know! "Well, super protective kasi sa akin ni Yue. Ayaw akong nawawala sa paningin niya." Mas lalong umasim ang mukha nito. Hindi ko tuloy alam kung tatawa na ako or what. Nakakahiya naman kung aasarin ko ang babaeng 'to sa harap pa mismo ni Yue. Tumikhim si Yue at lumapit na kay Kylie. Bumaling ito sa akin. Kita ang pagdidilim  ng mga mata niya. Ano, galit na naman siya sa akin?! "I'll sleep. Maiwan ko na kayo." sabi ko at nagmartsa na paakyat ng hagdan. "Hayl," tawag sa akin ni Yue  dahilan kaya napahinto ako sa gitnang baitang. "I appreciate you helping me and Kaira. Goodnight." aniya. "G-goodnight..." iyon lang ang nasabi ko at dumiretso na sa guest room. Dahil na rin siguro sa pagod ay nakatulog ako agad sa gabing 'yon kahit na inis na inis ako. Bakit ba lagi na lang may mga babaeng naliligaw sa bahay na 'to? At bakit puro may pagkabitchesa kagaya ko? Kinaumagahan ay nanumbalik ang pagkakairita ko nang kausapin ako ni Yue about sa pagpunta namin ng Mactan. Handang handa na ako at good vibes pa pero sa isang salita ay nasira ang araw ko. "Sama si Kylie. Is that fine with you?" mahinahon ang pagkakatong sa akin ni Yue. Tila ba alam  niya na kumukulo talaga ang dugo ko sa babae niya at tinatantya ang magiging reaction ko. Kinakalma ko ang loob ko pero nakakaramdam na talaga ako ng pagkairita. Bakit kailangang kasama 'yung babae niya sa pagpunta naming Mactan? Kailangan talaga binabantayan siya noon? Under siya sa girlfriend niya? "Bastos mo naman, Yue! Ano ako makikithird wheel sa inyo?!" I finally retorted. Parang ayoko na lang ituloy ang pag-alis! Mag date na lang sila kung gusto nila! "She has a meeting in Mactan, too. Hindi ka magtithird wheel, promise... And don't be too harsh on her." aniya sa nakikiusap na tono. Ginulo pa nito ang buhok ko bago lumabas ng kwarto ko. Don't be too harsh on her? If I know naman e nag-eepal lang 'yung Kylie na 'yun! Akala kasi susulutin ko si Yue. Naiinsecure siguro kasi mas angat ako ng ten times sa kanya. Bwisit. Sarap sampalin! Matapos ko mag-ayos ng gamit ay bumaba na ako ng sala. Namataan ko pa ang pag-aalmusal ng couple with Princess and Marphie sa dining area. Princess saw me kaya niyaya niya 'ko but I just ignored her. Di pa 'ko tanga para kumain knowing na may mangbbwisit sa akin sa hapagkainan. Dumiretso na lang ako sa labas ng bahay at sumandal sa gilid ng kotse ni Yue. Naglagay ako ng earphone sa tenga ko at nakinig ng music sa phone ko. Hyrie Alvedo, relax! Umagang umaga bad mood na agad tayo! Sinuot ko ang sun glasses ko, medyo mainit na kasi. Naging maayos naman ang pagtambay ko doon pero nawala din ang saglit na peaceful moment ko dahil iniluwa ng malaking gate si Kylie. She's really trying to ruin my day, huh? "Do you like my boyfriend?" narinig kong tanong niya sa kabila ng pakikinig ko ng music. But dahil ayokong magsayang ng laway sa kanya, hindi ko siya sinagot. "Answer me, b***h!" Yeah, right! b***h is my middle name. You got it correctly... "I hate you!" she uttered firmly. Tinanggal ko ang earphone sa tenga ko at itinaas sa buhok ang sun glasses ko. "Great! I didn't ask you to like me, anyway." I talked back. I hate her more! Plastic, indeed. I know na playing good girl 'to kapag kaharap si Yue. Tapang tapangan lang kasi wala ang boyfriend niya dito! Ako pa talaga sinubukan niya? "Huwag mong lalandiin ang boyfriend ko. Makikita mo talaga ang hinahanap mo!" Humalakhak ako sa huling sinabi niya. Damn, this girl has the guts to annoy me so much! "Dahan dahan ka. Baka totohanin ko 'yang sinasabi mo..." sabi ko. Kita ko kung paano nagbago ang expression ng mukha niya sa sinabi ko. "W-what?" "Makikita ko ang hinahanap ko? Why, what can you do? Hindi pa nga ako nagsisimula nagbabanta ka na dyan? Tsaka h'wag mo ako bigyan ng idea baka totohanin ko tapos maiwan ka na sa ere..." "A-ang sama mo!" gigil niyang paratang sa akin. "So, what?" nagtaas ako ng kilay at humakbang ng isa palapit sa kanya, "Piliin mo ang babanggain mo, Kylie. I haven't even started yet pero sobrang nathreaten ka na? Paano kung patulan kita? Baka manginig ka na lang kapag iniwan ka ni Yue. Stop throwing bullshits on me, alright?" 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD