Chapter 4

2833 Words
Favor  Bored na naman ako sa ancestral house nila Yue. Hindi pa din ako nakakabalik sa resort because he wanted me to stay here. Hindi ko alam kung bakit ako nagpapadala sa kanya. Ako naman 'tong si tanga na hinahayaan kong manipulahin ako ni Yue. I think because he knows what's best for me. Iyon nga lang, papatayin naman ako ng boredom dito. "I think Darren Chen is more handsome," si Princess na pinupuna ang Chinese actor sa series na pinapanood nila ng kapatid niya. "No, Dylan Wang is the most handsome!" giit ni Mariphie. "No way, he's too young! Gwapo lang siya kaya nakuha niya ang role ni Ah Si!" Nakaupo sila sa isang malaking sofa habang ako ay nasa kabila naman. I yawned. These girls are so noisy. Teengaers like them are really fond of watching foreign series. Malakas ang pagkakabuntong hininga ko dahil sobrang bored na ako. I want to explore every places here in Cebu but the great Seff Yuan Li did not allow me. Sa ibang araw na lang daw. "Hindi naman totoo 'yang pinapanood niyo. Walang ganyan sa totoong buhay." komento ko. "Why, ate? Ayaw mo ba ng love stories na palabas? We can switch to a different channel if you want," ani Princess. "Hindi sa ayaw," tumihikhim ako at nangalumbaba, "It's just too cheesy. It shows that love is perfect with rainbows and butterflies but in reality it has many flaws. It can break hearts and makes a person weak. It's fatal." That's what I believe, love is for weaklings. It can be used to hurt and break you into pieces. It will only make you cry, if this has felt to a wrong person. That's difficult, lalo na kung naibigay mo na ang lahat. Ang iba pa nga, nang dahil sa pag-ibig ay nagpapakatanga. They sacrifice everything just for the sake of those people whom they love, that even if the consequences are beyond the worst, they still do it para lang sa mahal nila. Love is for stupid people. Pakiramdam ko ay tinusok ang dibdib ko. I smiled in pain when I remembered how stupid I was before. "Saan mo naman nabasa 'yan?" a baritone voice from the staircase intervened. Nag-angat kami ng tingin kay Yue na nakasandal sa railings ng hagdan. Nag-eavesdrop na naman 'tong dating fat nerd na 'to. "That's what I've learned from my mistakes before," I answered him with the truth. Bumaba ito ng hagdan at umupo sa tabi ko. Makahulugan ang titig at ngiti niya na para bang alam na niya kung bakit ko nasabi ang mga 'yon. Of course he knew! He's the bestfriend! "She sounded so bitter..." Mariphie whispered to Princess pero rinig na rinig ko 'yon! Bitter her face. Napasimangot ako at inirapan ito. Bumaling si Yue sa mga batang kapatid at nginitian ang mga ito. "Don't mind her. She's still recovering from her tragic love story." he said. Laglag ang panga ko sa narinig. Uminit talaga ang dugo ko sa sinabi ni Yue kaya sinabunutan ko ng bahagya ang buhok niya. "Aray! Hayl, what the f**k!" daing niya at mabilis naman naalis ang kamay ko sa buhok niya. "Dapat lang 'yan sa'yo! Nakamove on na ako, h'wag kang mag-alala!" pagdedepensa ko sa pride ko na niyurak niya. "I have photoshoots later!" madilim ang pagkakatitig niya sa akin. His eyes are dangerous pero hindi ko pinansin 'yun. Siya ang nauna! "OA mo, hindi ka naman nakalbo!" He looked at me angrily. Pulang pula ang mukha niya dahil sa inis at kahihiyan. I smirked at him. What a victory... "If you only allow me to visit our restaurant in Mactan ealier, you should've not experience my sabunot." I said through my gritted teeth. Ayaw niya ako magpunta ng mag-isa doon. Hindi ko alam kung bakit pero hindi naman siya si kuya Reid para pagbawalan ako so that's what I don't understand. Bakit niya ako kinukulong dito? "We'll visit it soon. Ang sadista mo..." aniya. I smirked, "May I remind you that you're the one who provoked me. Mabuti nga sa'yo!" Nagmartsa ako paakyat sa kwarto ni Yue at binalibag ang pinto. "I'm so bored!" nanggigil kong sigaw. Hindi pa 'ko nakuntento. Tinapon ko ang unan na nahawakan ko sa sahig. Kainis talaga! I grabbed my phone on the table. I tried to contact Kacy so we can talk kahit na hindi ko matatagalan ang pagiging loud niya pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. I sighed and just dialed Ford's number to get updates. "Hello there, darling..." he said huskily on the other line. Napairap ako ng wala sa oras. "Clifford Carel, I'm not into you." "Basted na naman ako?" he chuckled, "Damn it!" Natawa na lang ako. Hindi naman ako manhid. Ford likes me. He's seducing me for a year now but I never entertained his feelings. Hindi sa nag-iinarte ako or something. Ako kasi 'yung tipong pag kaibigan ko, kaibigan ko lang. Hindi na lalagpas sa kahit ano pa. Pero honestly, big catch 'tong si Ford! Gusto ko talaga siyang ireto kay Kacy pero ayaw niya naman. "Sure, basted ka na hindi ka pa man nangliligaw. By the way, Finn arrived in Manila already. May I know your plan?" I asked.  Sa totoo lang, curious talaga ako sa mga gagawin nila.  Naisip ko na baka tuluyan nila ang lalaki na 'yon pero hindi naman 'yon ang gusto kong mangyari. "Nagiguilty ka ba?" narinig ko ang pagtawa nito. "No worries, kami na bahala doon." "No, Ford! Pero kapag kayo pumalya-" "Hindi pa kami pumapalya. I know what you are worrying about. This will be smooth and clean..." He assured me. "But still, pagplanuhan niyo 'yang mabuti. Mahirap na!" "May plano na. Timing na lang..." "O-okay. Thank you, Ford." I ended the call and will just let Ford handle everything for me. Alam naman na niya ang ginagawa niya. Hindi na ako makahintay sa gagawin nila sa Finn na 'yon. He must take the consequences of messing up with an Alvedo. Kung akala niya ay hello-goodbye na lang kami sa isa't-isa matapos ng ginawa niya pwes nagkakamali siya. Malalasap niya ang ganti ko at hinding hindi niya 'yun makakalimutan... "Finn Austin Gonzales, watch out. You'll see hell in a bit..." I didn't even mind the guilt within me. It's too little compared to the hatred that already consumed me. Pagkatapos maglunch ay nagkulong ako sa kwarto ni Yue. Iniwan ko ang magkakapatid na nagbabonding pool area samantalang ako ay nakasimangot dahil bagot na bagot na ako. Pakiramdam ko ay sugo talaga ni kuya Reid si Yue. He didn't even allow me to shop some clothes and pasalubong. Bukas na lang daw. E, ngayon nga ako nabobore! Pinakialaman ko na lang ang mga gamit sa side table ni Yue. Una kong napansin doon ang itim na planner. Binuksan ko iyon at wala masyadong sulat. 3 months ago ang nakalagay na schedules at notes about his photoshoots and bookings. Ang latest na notes ay nitong nagdaang tatlong araw. It was written in pure chinese alphabet. Namangha ako dahil ang ganda ng pagkakasulat at parang pro. Ano kaya ang ibig sabihin ng mga 'to sa tagalog? Mayroon din siyang nilagay kaninang umaga. Kung sabagay, may dugong intsik ang fat nerd na 'yon kaya bakit pa ba ako nagtataka? Inayos ko ang planner at pinakialaman ang isang magazine. Nakatalikod na lalaki with his gray obscene pants ang front cover nito. Nang tignan ko ang loob ay laglag ang panga ko. Sa unang page ay si Yue na nakamaluwag na pantalon na nalalaglag sa Apollo's belt niya, kita ang mamahaling underwear na suot. Oily at makinang ang katawan nito na parang mas lalong nagpadefine ng muscles at six pack abs niya. Hindi siya nakatingin sa camera ngunit sa kanan. Ang buhok ay sadyang magulo pero sapat na 'yon para mas lalong gumwapo sa litrato. I swallowed hard at nilipat ang page pero si Yue na nakasakay sa kabayo, topless at itsuranh cowboy ang sumunod. "Damn it! He's so gorgeous..." bulong ko at pagkatapos ay naglipat pa ng page. Mayroon ding scripted interview sa kanya. Nakuha ng iilang tanong ang atensyon ko. "Seff, do you believe that first loves are really the deepest?" Yue answered, "Yes. It is." "Whoa! Our handsome model here believes that first loves are really the deepest, may we know if you already met your first love?" Yue answered, "Of course." "Oh my God! Can you please describe her? Is she a past or your current girlfriend?" Yue answered, "Hmm, secret." Napahalakhak ako. Too much of showbiz drama! Marunong din pala 'tong si Yue magtago. Well, that means na hindi publicize ang relationship nila ni Kylie? Oh, that's weird. Kung talagang seryoso siya sa babaeng 'yon sana ay ipakilala niya sa mundo. Now, I'm thinking na baka hindi naman siya seryoso doon. Ngayon palang ay nakikisimpatya na ako kay Kylie. I used Yue's headset and played music on my phone instead. Kahit papaano ay napawi ang pagkabagot ko sa pakikinig sa play list ko. Nagtagal ako sa balcony, doon ay makikita ang nagkukulay asul na dagat. Hinahampas ng malilikot na alon ang dalampasigan. Matatayog ang naglalakihang puno ng buko. Sasapat iyon para itago ang ancestral house sa init ng araw. Nalibang ako sa nakikita nang makaramdam ng gutom. Sinilip ko ang relos at nakitang mag-aalas tres na. Baka naman pwede ako igala ni Yue para magmiryenda? Lumabas ako ng kwarto at bumaba ng staircase. Napahinto ako sa huling baitang ng hagdan nang may isang babaeng biglang sumulpot sa humarang sa daanan ko. Tumaas ang isang kilay ko. Who is this woman? I gazed at the man who is walking towards  us, he just shrugged. Tinanggal ko ang suot kong headset at isinabit sa neck ko. "What is it?" I asked the woman as I don't understand why she blocked my way. She smiled, "Tamang tama ka talaga!" Napakunot ang noo ko. Bakit wagas kung makatingin 'tong babaeng 'to? Her almond eyes are sparkling as if she sees a great gift for Christmas. Masyadong nagagandahan sa'kin? I looked at her. She's beautiful and tall. Her morena skin is kind of gold. She looks like a model, too. "You haven't answer me yet. Who are you?" I asked her once more pero hindi siya ang sumagot sa tanong ko. "Hayl, she's Kaira Samaniego, a close friend. Kai, she's Hyrie Alvedo, a colleage." The woman lifted her hand for a shake hands, pero tinignan ko lang ang kamay niya. I don't know why pero nabwisit ako bigla. I am just a 'colleage' for him. I want to laugh bitterly. We've been together for almost ten years and I am just his colleage?! And this Kaira here is a close friend? Since when? I want to wring his neck. He's being unfair! Hidi ko din alam bakit masyado akong affected sa label na colleage! What do I expect? Hindi na niya maalala mga pinagsamahan namin way back elementary and highschool days? I felt so disappointed! Tinignan ako ng masama ni Yue kasi hindi ko talaga kinamayan ang close friend niya. Ginantihan ko ng malamig na titig ang nanunuri niyang paninitig. At least hindi ako plastik! Ibinalik ko ang tingin ko kay Kaira, pababa sa kamay niyang for sure ay ngalay na ngalay na at this moment. Humalukipkip ako. Iritado. "That's too mainstream, isn't it?" I uttered dahilan para ibaba niya ang kamay niya. She looked at me and grinned. Wow! I am sensing another presence of a b***h here. "It is nice meeting you, Hyrie. Can we talk? The three of us? May ipapakiusap lang sana kami sa'yo ni Seffy kung okay lang?" Seffy? Parang gusto kong matawa sa harap nilang dalawa. "Oh, sure..." Naglakad kaming papuntang sala. Naupo ako sa sofa habang yung dalawang magkaibigan ay nakatayo at nagbubulungan. Napairap na lang ako. Nang parang nagkasundo na sila sa usapan nila ay tsaka palang nila ako hinarap. Pigil na pigil ang paniningkit ng mga mata ko. Gusto kong magtaray para inisin sila pareho pero hindi ko gagawin. Yue will get angry. Kahit 'colleage' lang niya 'ko, takot pa din akong ipahiya siya ng sobra. "Uh, Hyrie... Can you do us a little favor?" Kaira asked me. "Huh?" I got confused. Anong kailangan nila sa akin? "Will you be Seff's partner? I mean, pwede ka bang magmodel?" She asked me with her eyes almost pleading. "Model?" tinuro ko ang sarili ko. "As in ako talaga?" Kaira nodded. "What the hell!" hindi ko napigilang mayawa sa hinihingi niyang pabor. I looked at Yue and I can see through his eyes that he wants me to do that 'little favor' for them. Nagkatitigan kaming dalawa and I think nakapagdecide na 'ko. "No." I said while staring at him. Naghahamom ang mga mata nito kaya hindi ako nagpatinag. Tumayo ako at tinignan sila pareho. "Go find someone. I'm not in the mood to do you a favor." "Pero-" Tinignan ko ng masama si Kaira kaya hindi na siya nakapagsalita. "You're not deaf, are you? I said no already." "Let's talk," ani Yue sa malamig na tono. Nagulat na lang ako nang bigla nitong hawakan ang braso ko at tsaka hinila ako palabas ng bahay. "Aray ko naman Yue! Masakit!" I am tugging my arm na hawak niya but hell, habang sinusubukan kong kumawala ay lalo lang humihigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Dinala niya ko sa garden at doon pa lang niya ako binitiwan. Namumula ang braso ko ng tignan ko. Halos nanlilisik ang mga mata ko nang balingan siya. "Why the hell did you drag me in here?" I asked with so much irritation and annoyance. "Pati ba naman kaibigan ko tinatarayan mo?" aniya sa galit ni boses. "Porket wala ng ginagawang masama hindi na pwedeng tarayan, ganun ba 'yon? Kung ayaw mo pala siyang matarayan edi paalisin mo 'yang close friend mo dito!" singhal ko sa kanya. Aba't ang kapal lang ng mokong na 'to para ipagtanggol ang Kaira na 'yun. Buti nga tinarayan ko lang, e! He sighed. "Did I do something wrong?" biglang huminahon ang boses niya. Ang malamig at galit na titig niya kanina ay nag-iba. He's looking at me as if he's sorry and concerned. Sumimangot ako lalo. May kailangan kasi sa akin kaya biglang bumait! Akala niya yata nakalimutan ko na ang bangayan namin kanina. Pwes, akala lang niya 'yun! Hinding hindi ko talaga sila tutulungan sa problema nila. "Hindi ko alam na may amnesia ka na pala." I said sarcastically. "You've just ruined my day, asshole. Sinong 'di magagalit?" "Look, I am sorry if I didn't allow you to go out today. I just wanted to protect you while I can. We'll go in Mactan tomorrow. Huwag ka na magalit." nagsusumamo ang mukha nito ng bahagyang lumapit sa akin. Inirapan ko lang siya. Akala niya yata madadaan niya 'ko sa pagpapacute niya. No way! "Hey, I'm sorry..." lumapit pa muli ito. I was shocked nang bigla niya akong yakapin. "Yuck! Bitawan mo nga 'ko!" nagpupumiglas ako pero mas lalo lang niya 'kong niyakap ng mahigpit! Punyeta. Papatayin yata niya ko eh! "Yue!" "Forgive me first." "B-bwisit ka talagang fat nerd ka!" reklamo ko. Pakiramdam ko'y pinamulahan na ako sa yakap niya. Mas lalo pa niyang hinigpitan ang yakap sa akin and I swear hindi na talaga 'ko makahinga. Not to add na nararamdaman ko ang matitigas na muscles niyang nakapalibot sa akin. Walang hiya talaga ang lalaking 'to! Pinag-iinit ang... ang ulo ko! "s**t ka, Yue! H-hindi na 'ko makahinga!" he just chuckled as a response to what I've said. What the hell! "Oo na! Oo na! Pinapatawad na kitang peste ka!"  I surrendered. Para akong pinipisat ng bwisit na 'to. Ang sama talaga niya! "Good..." Akala ko titigil na siya sa pagyakap sa akin pero mali ako! Nakayakap pa din siya at halatang tuwang tuwa sa unti unting pagpatay sa'kin. "Hoy ano ba, Yue! Pinatawad na kita, a? bitawan mo na 'ko!" "I badly need your help, Hayl... Be my partner, please?" Aba talagang! "Ayoko nga sabi!" "I won't mind hugging you like this forever. Just so you know..." Ako pa ang tinakot niya? I won't mind him hugging me forever as well, no! Kidding! Ngayon pa nga lang hindi na 'ko makahinga tapos forever pa? Mukhang wala na yata akong magagawa kaya kahit labag na labag sa puso't kalooban ko e pumayag na 'ko. "Oo na! H-hayop ka talaga! Pumapayag na 'ko! Just get off me!" "Hmmm, yes?" "I said it, okay! Oo na nga sabi, Yue! Let me go!" And with what I've said, I felt him releasing me from his arms. Grabe! Matapos kong makahinga ng maayos ay talagang hinampas ko siya sa dibdib. Tatawa tawa lang siya. What the hell! "You crazy pig! You almost killed me!" singhal ko sa kanya. He's very amused when he stared at me. Samantalang pakiramdam ko ay nabastos ako ng husto. Darn it! "Nagbago ka na talaga," komento ko. I sighed in defeat. Umiling ito habang naglalaro ang mga ngiti sa labi, "No, I'm still your Yue..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD