Yue
Napakunot ang noo ko nang masilaw ako sa makinang at mainit na sinag ng araw. I am still sleepy and I also felt the throbbing pain of my head. Pinilit kong hilain ang sarili sa pagtulog pero nasisilaw talaga ang fmga mata ko. I shifted my position and opened my eyes. Napahawak ako sa sintido ko, ang sakit talaga ng ulo ko.
I managed to look at the whole room and this is very unfamiliar. Napakurap ako nang mapagtantong wala ako sa resort nila Kacy. The room is too manly with its black features and designs. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng dugo sa mukha. Where am I? s**t! Did I get laid? Mabilis akong napaupo pero umikot ang paningin ko... I cussed as the throbbing pain on my head becomes severe.
Stupid hangover!
"Goodmorning," isang pamilyar na boses ng lalaki. Hindi iyon boses ni Finn.
Oh, goodness! Did I sleep with someone I didn't know? Nasapo ko ang ulo ko at talagang nanglamig ako sa naisip.
Kinakabahan man ay nagawa ko pa ding silipin ang balcony. Iniluwa noon ang isang lalaking parte ng nakaraan ko.
"Seff Yuan Li?" laglag panga kong tinignan ito mula ulo hanggang paa.
Oh, man! Ito na ba talaga siya?
"Long time no see, Hayl." lumitaw ang malalim niyang dimple nang ngumiti siya. He walked towards me.
His chinky eyes are dangerously looking at me. Nawala ang ngiti nito at ngayo'y namang umigting ang panga. His lips formed a thin line. His tanned skin matched his physical and manly features. His well built muscles are very evident and the six-pack abs were just sculpted in perfect shape.
Malalim ang naging paglunok ko. Totoo ba 'to? Mas lalo siyang gumwapo... Hindi naman siya ganyan noong last time na nagkita kami like a year ago. He looked extremely hot and dangerous right now! Who would have thought that a nerdy fat guy before will evolve like this!
He's sinfully beautiful. Oh, goodness!
"Paanong-"
"Don't say a word," aniya sa malamig na boses. Naupo ito sa gilid ng kama. He's looking at me intently. Napangiwi ako at kinabahan pero hindi ko iyon pinahalata.
"Long time no see? Why am I here?" I asked him.
God, I cant even swallow properly! Bakit na kasi nakatopless ang lalaking 'to?
I examined myself and cussed when I noticed that I am wearing a different clothes. Matalim kong tinitigan ang ngayo'y nakangising si Yue.
"Bakit iba na 'tong damit ko?" singhal ko sa kanya. "At bakit nakatopless ka?"
Oh my God! Nagsisimula na 'kong mag-alboroto. Thoughts are playing on my head. H'wag naman sanang may nangyari sa aming dalawa! Ginalaw ko ang mga hita ko. Oh, that's weird... I don't feel sore down there.
Humalukipkip ito at sinalubong ang matatalim kong titig, "Now, I wonder kung anong naaalala mo kagabi."
"What do you mean?" Napakurap ako. Anong ibig niyang sabihin?
"I guess you don't remember anything at all. I'll tell you then. Wait here," madilim ang paninitig niya sa akin bago lumabas ng kwarto.
Tsaka palang ako nakahiga ng maluwag ng lumabas ito. Bakit naging uncomfortable ako sa presence niya?
And what happened last night? s**t! I don't remember anything! Pumikit ako at pinilit alalahanin ang mga nangyari kagabi pero damn it, wala talaga. I felt angry with myself. Kaya ayokong nalalasing, e! Ang huli ko nalang na natatandaan ay 'yung inuman namin ni Finn, maliban doon ay wala na. Nasabunutan ko ang sarili ko. Bwisit ka Hyrie, eto ang problema mo, e! You never learned!
Para akong babaon sa lupa habang naalala ang mukha ni Yue. Bakit parang galit siya sa akin?
Nagpalingon-lingon ako sa gilid ko, nakita ko ang purse ko sa sofa sa kabilang side. Tumayo ako at kinuha iyon. Halos kunot na ang noo ko, parang ayaw dumilat ng mga mata ko sa sobrang sakit ng ulo ko. Nilabas ko sa purse ang cellphone ko. Okay, 26 missed calls from Kacy, ang dami din niyang texts nang tignan ko ang inbox ko. May text din si kuya at Kim na una kong binasa.
Kuya:
What are you doing now? Mag-ingat okay? Hindi mapakali ang kakambal mo.
Binasa ko ang galing sa kakambal ko.
Kim:
Ayokong isiping may nangyayaring masama sa'yo. But I'm too nervous right now. Hope you're doing fine there and please text me back. Ingat, Hy.
She rarely texts me and when she does, it's for the same reason. When she feels nervous and she couldn't breathe properly, she's texting me if I am alright. Ganito talaga pag may kakambal, e. Instinct lang ba 'yon o talagang magkadugtong ang nararamdaman naming dalawa? May times din kasi na halos hindi ako makahinga pag may nangyayaring masama sa babaeng 'yon. Hindi ako mapakali at pagkatapos ay para 'kong maiiyak sa nerbiyos. Baka nga ganon talaga pag kambal. I shrugged. Hindi ko alam. Nagreply na lang ako kay Kim ng mapanatag naman siya.
Me:
I'm still alive. You're not thinking about my death or something, aren't you? Tell kuya that I'm still breathing. Thanks!
Napapaisip tuloy ako. Ano bang nangyari kagabi at talagang nafeel ni Kim 'yon? At bakit nandito ako? Tapos nandito din si Yue.
And speaking of that man, bakit kaya siya nasa Cebu?
Seff Yuan is a very close friend of mine. Since grade one up to second year highschool ay magkaklase kami. After highschool, we parted ways. He enrolled to a different university while I stayed at Crossville University.
I remembered the fat nerdy guy who was always behind me during those years. Wala kasi siyang kaibigan sa mga klase namin dati at binubully pa siya ng mga classmates namin noon. How ironic, ako pa ang nagtatanggol sa kanya noon. Super taba niya kasi kaya hindi makalaban. Ako lang ang lagi niyang sinasamahan kasi wala din akong matatawag na friends noon. Ayoko kasing makipagkaibigan sa mga social climbers at plastic na socialites.
I call him Yue, basically because I can't pronounce his name when we were in Grade 1. Dahil komportable na ako sa pangalan ay nakalakihan ko na 'yon. Hindi rin niya mapronounce ng maayos ang name ko noon kaya Hayl ang tawag niya sa akin.
Pumayat lang yata siya noong naghighschool kami. Naging kaibigan na niya sila Hero Jun Montesilva, my ex-boyfriend tsaka 'yong iba pang mga kaibigan nito. Pakiramdam ko ay nahiya siya sa nagmamantikang taba niya kaya nagpursiging magpapayat.
He became different though. When he started his modeling career, I've heard a lot of rumors that he's jumping from one girl to another. He was also featured in some magazines mostly with girls with big boobs. Baka iyon ang tipo niya.
Pumasok si Yue sa kwarto na may dalang baso na may lamang kung ano.
"Drink," utos nito, binigay niya ang baso sa akin. "That's honey, for your hangover."
Umupo ako sa sofa at ininuman ang baso ng honey. Hinilot ko ang sindito ko para maibsan ang sakit ng ulo. Gosh! I will never ever drink rum again!
"I brought you here in our ancestral house. I didn't want to take you back in the resort after the incident last night." pahayag pa nito.
"Seriously Yue, ano ba talagang nangyari? Tell me!" naiinis na ako. I feel like he's keeping me in the dark.
Nanunuri niya akong tinitigan, "Finn Austin Gonzales. Sino 'yon?"
"Fling ko?"
"f**k," tumayo siya at napahilamos ang kamay sa mukha. His jaw clenched too.
Oh, now what did I do?
"Please tell me what you can remember last night," may pait ang tono ng boses niya. Umupo ito sa tabi ko habang nakatukod ang parehong siko sa binti. Why does he look so problematic?
"Nag-iinuman kami ni Finn sa bar tapos nakarami na 'ko kaya nakaramdam na 'ko ng hilo. After non, wala na..." pahayag ko. It's true. Alam ko lang ay nagkukwentuhan kami ni Finn sa bar at pinainom niya ako ng ilang rum.
"Bullshit..." he cussed. I saw how the veins on his arm became more evident. Another clench from his jaw before he turned to me.
"Seff Yuan Li! Pwede ba deretsuhin mo 'ko? What happened last night? I'm really confused!" naiirita na 'ko, e.
If this is very serious then he should tell me right away!
"You were nearly raped..." nanggigil niyang sabi.
Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng nagyeyelong tubig sa narinig. His fist clenched. His concerned eyes searched for mine but I am completely lost.
"What?" I can't believe it.
Rape? Paanong... Napailing ako. Impossible...
"Stop fooling around, Yuan!" nanginginig at mariin kong sabi sa kanya.
Tell me, it's not true! Parang tambol ang dibdib ko. Lumalagabog ito sa loob.
"I'm dead serious, Hayl! I was there! I saw you clinging to that man when you went inside that f*****g bar!" he said angrily, somehow accusing me for what happened.
"I knew that he's into you and he's up for more. Binantayan kita, Hyrie. My eyes were wide opened when he touched your ass on the dancefloor. Still, you can't remember, huh?"
Napailing ako. I bit my lower lip. Naiinis ako sa sarili ko! Why did I let this happen?
I can't remember anything. Hindi ko mahalukay sa utak ko 'yong pinagsasabi niya. f**k! Ganon ba talaga 'yong nangyari? Isipin ko pa lang, gusto ko ng saktan si Finn... Damn it!
"He dragged you in the parking lot, Hayl. He planned it all. I almost killed him..." ngayon ay hindi na ako makakatitig sa kanya, "You ran out of that place while I was hitting him, and when I followed you, you were drowning in the sea!"
Napaawang ang bibig ko. I can't believe it... Totoo ba ang lahat ng 'yon? Wala talaga 'kong matandaan! Wala ni isa sa mga sinabi ni Yue. Nanginginig ang mga kamay ko. I can't even control my breathing.
Hayop ka, Finn! Hindi ko akalaing aabot ka sa ganon. Kaya pala may naramdamang hindi maganda ang kakambal ko! Iyon pala ay may nangyari talagang masama. f**k, sobrang galit ang nararamdaman ko ngayon, he'll pay for what he did... I'll make him pay!
"Where is he?" nanlalamig ang boses ko. Hindi ko kayang banggitin ni pangalan niya.
Nandidiri ako sa kanya. Isipin ko palang kung anong pinaggagawa niya sa'kin ay nasusuka na 'ko sa pandidiri.
"Jail. I submitted a report about what happened. Haharapin niya ang kasong sinampa para sa kanya."
"No, I can't do that," I sternly stated. "I will never drag my family's name into this! Hindi nila pwedeng malaman na may ganitong nangyari. Maeeskandalo ang pamilya ko! I dont want it to happen, Yue. Hindi 'to pwedeng makalabas lalo na't Alvedo ako!"
Tinitingala ang pamilya ko. Hindi ako makakapayag na masira ang pangalan nila daddy at mommy. I won't give them any problem. Hindi na kailangang makarating sa kanila ang nangyari. Hindi na 'to aabot sa pagsasampa ng kaso. I'll stay silent about what happened, but still that bastard will learn his lesson. He has to pay! I have plans for making his life miserable.
"Are you out of your mind? Hindi ako papayag na ganon na lang 'yon, Hyrie!" nagpakawala pa ito ng malulutong na mura at ginulo ang buhok niya.
"Thank you, Yue. For saving me... For all you've done and for being here."
Nanginginig ang labi ko. Once is enough... Twice will be the death of me.
Hindi ko binago ang sarili ko para sa wala. I am stronger now. No one can harm me again. Not even a chance. Finn should be ready. I'll show him what hell looks like.
Matapos ng pag-uusap namin ni Yue ay natulog ulit ako. Pagod na pagod ako sa mga nalaman kaya hinayaan ko ang sarili ko makapahinga sa kama ni Yue. Gabi na ng magising ako.
"Are you a p**n star?" mataray kong tanong dito. Dalawang beses akong gumising na nakatopless siya. Oo't maganda ang pangangatawan niya. Masyado siyang confident?
Lumakad siya at binuksan ang closet para kumuha ng gray t-shirt. Sinuot niya ito sa harapan ko. I saw how his muscles flexed gracefully. Siya ng sexy!
"This is my room." aniya.
Napairap ako. "E, kung sana pinayagan mo na 'kong umalis kanina, hindi ba? Dapat na kila Kacy kasi ako diba at hindi dito?"
Nagpumilit akong bumalik sa resort kanina pero hindi niya ako pinayagan. He said I can rest here instead. Siguro'y alalang alala na si Kacy sa akin.
"No, dito ka lang. You were nearly r***d and I can't let it happen again."
"Sugo ka ba ni kuya Reid?" inirapan ko pa ito.
Tumawa lang siya at pagkatapos ay bigla na lang niya 'kong hinila patayo sa kama. I was shocked when he pinched my cheeks. Naaligaga ako dahil hindi ko alam kung may dumi pa ako sa mata dahil kagigising ko lang!
"I can be your bodyguard for free, 'di na kailangan ng kontrata ng kuya mo."
Darn it!
"Bwisit ka talaga, fat nerd!" mabilis kong nilayo ang mukha ko sa mga kamay niya. Sakit ng mga pisngi ko sa pagkurot niya.
"Suplada." he chuckled.
"Whatever!"
"Come on, you should eat." inakbayan ako nito at hinila palabas ng kwarto.
Ilang beses ako nagmura dahil hindi pa ako naghihilamos. Nakakahiya ang itsura ko habang siya ay fresh na fresh at bagong ligo. Naaamoy ko pa ang ginamit niyang shower gel. Tapos ako ay mukhang basura!
"Gusto ko ding magshower!"
"Kumain ka muna," hila hila niya ako pababa ng staircase.
Binati ako ng mga kapatid ni Yue. I didn't know that he's babysitting his two little sisters here. Princess smiled at me while Mariphie didn't care much of my presence.
Naglaway ako sa mga nakahain na pagkain. Menudo and other Filipino food are served and I was amazed that Seff Yuan cooked all these. Naisip ko na full package na siya. Mayaman, gwapo, mabuti, masipag, magaling magluto. Buhay reyna ang magiging asawa niya!
Pagkatapos kumain ay tinawagan ko si Kacy. Galit ako sa ginawa ng kapatid niya but that doesn't mean na magagalit na din ako sa kaibigan ko. I know she's worried based on her text messages.
"Oh, my goodness, Hyrie! Halos mamatay na ako sa pag-aalala sa'yo!" Humagulgol ito sa kabilang linya.
"Hey, I'm fine. H'wag ka na ngang umiyak!"
"Fine! You okay? I'm so sorry for what happened. Really... Sue him! He deserves it!" aniya sa galit na tono.
I sighed. Well, he's her brother after all. Of course, she's also hurting.
"It's alright. Don't be sorry. He's at fault, not you, okay? Iuurong ko ang kaso. I just don't want to see him anymore, Kacy."
"He is a total bullshit! He's a shame to our family! I can't believe what he did to you, I'll never forgive him!" humagulgol pa ito at ilang beses nagmura.
I got her point. They are sharing the same blood pero hindi man lang naisip ni Finn na kaibigan ako ng kapatid niya. Tumataas ang dugo ko kapag naaalala ko siya. I'll make sure that he'll learn his lesson.
Matagal rin ang naging usapan namin ni Kacy. I told her na nandito ako sa ancestral house nila Yue at safe naman ako. She said that her brother will be release tonight kung hindi ko na itutuloy ang kaso. She urged me to continue with it pero hindi ko kayang lagyan ng kahihiyan ang pangalan ng pamilya ko kaya naman sinabi ko agad kay Yue na tawagan ang pulisya para iurong ang kasong sinampa niya para dito.
I don't need the law to punish him. I can do something to punish him, brutally. Kaya naman tinawagan ko agad ang kaibigan ko na paniguradong makakatulong sa akin.
"Hey Ford, I need you to help me..." panimula ko.
"Sure thing, Hyrie. What is it?" he asked.
Clifford is a good friend. Alam ko ang kalibre nito at sigurado akong magagawa niya ang hiling ko.
"You know Finn Austin Gonzales, right?" I bit my lower lip. Ito lang ang paraan na alam ko.
"Hmmm, 'yong aroganteng racer!"
I nodded, "Yes, that's him. He did bad things to me. I want to take a revenge only if you can help..."
"Anything for you, darling. My men can do everything. Just tell me what you want to happen," he said.
"Anything, Ford..." mariin akong pumikit, "Gusto ko maramdaman niyang mamamatay na siya anumang oras pero mabubuhay pa din na may lamat. Oh, is that even possible?"
Ford chuckled, "Hmmn, what he did to you seemed terribly bad. Got it! Whatever he did, he'll surely suffer. I'll inform you once the mission is completed."
Alam kong dapat makunsensya ako pero hindi ko maramdaman 'yon. I smiled and nodded at the thought of Ford being showered with his own blood.
"Thanks, Clifford. Just be careful and don't get caught. I don't want any police or authority get involve with this..."
He chuckled, "No worries, we can do it."
"Good..."
I smiled evilly. Hindi nga siya makukulong pero magiging impyerno naman ang buhay niya. Pagsisisihan mong pinagtangkaan mo 'kong gahasain, Finn.
You have to be ready.
Lumabas ako ng kwarto after kong magshower. I am thirsty and bored dahil walang TV sa kwarto ni Yue. Bumababa ako ng staircase when I stopped. Yue's kissing a woman on the sofa. Tumaas ang kilay ko at nagpatuloy sa pagbaba ng hagdan.
So, ano kung naghahalikan sila? Iinom lang ako ng tubig, no!
Dahil na rin siguro sa ingay ng footsteps ko kaya agad silang napatigil. Pati tuloy ako napatigil sa paglalakad.
Ang awkward man ay hindi ako nag-iwas ng tingin sa dalawa.
"Sorry. Iinom lang akong tubig. Just continue." I smiled sweetly, pero deep inside ay nahihiya ako. Hindi ko na pinakita iyon.
My resting b***h face is on. Para namang hindi na bago sa akin ang mga ganitong eksena.
Yue smirked at me. Aba't anong nginingisi-ngisi niya? Napatingin naman ako sa babae na nakakunot na ang noo sa akin. Parang ayaw niya na nandito ako. Aba, the feeling is mutual.
"Who are you, Miss?" She asked.
Magsasalita na sana 'ko pero naunahan na 'ko ni Yue.
"Babe, she is Hyrie Alvedo, a close friend," bumaling siya sa'kin at hinawakan sa beywang 'yung babae. "And Hayl, this is Kylie Nicole Mallari... my girlfriend."
"Oh," I nodded. Humalukipkip ako at nagpatuloy sa pagbaba ng hagdan.
So, marunong palang maggirlfriend si Yue? Kung sabagay, he's good at everything. Gwapo pa at mayaman. Marami talagang luluhod para sa kanya.
"Nice to meet you, Kylie." pinasadahan ko pa ng tingin ang babae bago dumiretso mg kitchen.
Maganda na sana ang girlfriend niya, kaya lang may Hyrie Alvedo, e. Poor, Kylie.