Chapter 2

3756 Words
Summer I spent most of my summer days sa pagshoshopping, pagtanggap ng iilang booking for runaways, pagbabar at paggagala. Minsan ay sumasama ako sa kuya ko kapag may mga pupuntahan siyang business meetings sa ibang lugar. Last summer ay may fling ako so I spent most of my days with the guy. Balak ko sanang magstay at home ngayong summer but then Kacy has another plan for us. "Please, Hyrie! Sama ka na! I'll be sad if you refuse. We have a newly opened beach resort there in Cebu. Exciting 'yon! Let's have a vacay and get our skins tanned!" eksaheradang lintanya ni Kacy habang kausap ako sa phone. "Bakit kasi dapat kasama ako? Hindi mo kaya magbakasyon mag-isa?" mataray kong tanong dito. Medyo iritado ako dahil kagigising ko lang at siya ang unang taong maingay na nakausap ko. I remembered the time na hindi ko pa siya kaibigan, those days were peaceful until she came into my life. Her loud mouth is like a megaphone in this morning. "Alam mo hindi mo maeenjoy ang summer kung same routine ka na naman! Cebu lang tayo pupunta hindi naman ibang bansa!" Saglit akong napaisip. Well, may point naman 'tong bestfriend ko. Ilang beses pa niya akong kinulit. She even mentioned the water activities na pwede naming gawin doon. In the end, pumayag na ako but I have to get kuya Reid's permission first so he can tell Mom and Dad para makasama nga ako kay Kacy. Kinagabihan nang nakauwi na si kuya ay doon na ako nagpaalam. "Cebu? Sino kasama mo?" nanunuri ang mga mata ng nakakatanda kong kapatid habang naglalaptop ito sa sala. He's sitting on the large sofa, busy with some of his paper works na dinadala niya lagi dito sa bahay. Napatingin sa akin ang twin sister kong si Kimberly. She adjusted her eyeglasses at bumaling ulit sa binabasang libro. "Kuya, I'll be with Kacy. May bagong beach resort sila don. I just want to enjoy the summer in a far province para maiba naman." paliwanag ko. "Ilang weeks kayo doon? Sinong magbabantay sa inyo? May mga lalaki?" Humalukipkip ako at nagtaas ng kilay. My older brother stopped whatever his doing with his laptop and gave all his attention to me. "Kuya, can you please stop throwing questions like I am just fifteen?" I said with sarcasm. He always forget that we're grown ups here. Napailing lang ito, "Paano kung ayaw ko?" "Basta gusto ko sa Cebu and it's final!" I said with conviction. "Edi magpaalam ka mag-isa kay Dad." he said and the shrugged. "Kuya!" singhal ko sa kanya. "Wala naman kaming gagawing masama doon. It's just pure vacation and I am not a kid anymore!" "No," supladong sabi ni kuya, "Mamaya madisgrasya ka pa doon." "Kuya naman, e! Bakasyon lang naman tapos iba na iniisip mo." reklamo ko. Ang hirap niya talagang i-convince. I am no longer a child my goodness! "Kuya Reid, payagan mo na si Hyrie. Sayang naman ang summer kung hindi niya maeenjoy." si Kimberly na kanina pa kami pinapanood. "Oo nga!" Segunda ko sa pahayag ng kakambal ko. Umiling iling si kuya at binalingan si Kimberly bago tumingin ulit sa akin. He suddenly became very amused with us, huh? "Pinagtulungan pa ako ng kambal..." tumayo ito at nilapitan ako. Umakbay ito sa akin, "Sige na nga. I'll inform dad about it. But, no boys or flings, alright?" I nodded, "Salamat kuya!" I looked at my twin sister. Nakatingin ito sa amin at agad ding nagpatuloy sa pagbabasa. Umiling-iling pa ito. Kumunot ang noo ko. She's very weird. Dahil na rin siguro sa sobrang lakas ni kuya kay daddy, pinayagahan talaga nila ako sa pagbabakasyon sa Cebu. But in one condition, kailangan kong icheck ang business ng grandparents ko doon. Ang old restaurant na ngayo'y si Mommy ang nagpopondo. Para daw malessen ang work worries nila. Madali lang naman ang kondisyon na 'yon kaya pumayag na ako. "We are finally here!" Eksaheradang saad ni Kacy nang makarating kami sa resort nila dito sa Cebu. Yes, we finally arrived here at five in the morning. Napahikab ako habang nakasandal sa Honda HR-V ng bago kong fling. Niyakap ko ang sarili dahil sa lamig ng hangin. Nilingon ko ang malawak ay maingay na dagat. The ocean waves are dancing. The air is refreshing. Ibang iba sa Manila. Tiningala ko ang malaking resort nila Kacy. Malaki ito. It is named El Recurso. Dito pa lang sa labas ay kita na namin ang paikot na mahabang slide. But what excites me most ay ang mga maaring water activities na gagawin namin. I am really in a province now. Pakiramdam ko ay mag-eenjoy ako dito! "Are you excited, babe?" Finn asked me. Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa beywang. Finn Austin Gonzales, Kacy's older brother. Kagaya ng ibang lalaking nakafling ko ay playboy din ito. Well, he's handsome and charismatic, mayaman. He gets everything. Napangiti na lang ako sa pang-aakit niya. Kung siguro ay hindi ako si Hyrie Alvedo ay natunaw na ako sa paninitig niya. Mabuti na lang ay pro na ako sa mga ganito. "Yes." I nodded, unti unti akong gumalaw para makalas ang kamay niya sa aking beywang. Too fast, Gonzales. "We should sleep first. In one bed together." he whispered to my ears sexily. "Oh, shall we then?" I looked at him and he chuckled. This guy is really amusing. Akala niya ay nadadala na niya ako sa pang-aakit niya. Well, I accept his flirty moves and I'm willing to do the same thing to him pero may limitation. Purong pakikipaglaro lang ito para sa akin. "Yeah. Quality time, you know..." ngumisi siya at dahan-dahang linapit ang mukha niya sa akin. I tilted my head before he can kiss me. His lips landed on my cheeks instead. "Babe..." he groaned with my refusal. "What the hell! Sakit niyo sa mata!" Reklamo ni Kacy na nakatingin sa amin. Bahagya kong tinulak si Finn. Pasalamat ako ay nandito si Kacy. Kung hindi ay baka sinunggabatan na ako ng kapatid niya. "Panira ka talaga, Kaze!" inis na sabi ni Finn sa kapatid. "Really? Why don't you just get a room instead? Ano ako third wheel?" lintanya ni Kacy at umirap pa talaga. Natawa na lang ako. "Well, I like your idea." may halong kahulugan ang ngiti si Finn nang sulyapan ako. Umiling ako. Kung tignan ako ni ng lalaking 'to ay para niya akong hinuhubaran. "No Finn, we won't share a room." I said with authority. Hindi naman ako baliw para matulog sa tabi niya. I'm Hyrie and I know his kind. "What? Why?" "Because I'm just too smart." I winked at him, pagkatapos ay nagmartsa ako papasok ng resort. Akala naman niya hindi ko alam ang gusto niyang mangyari. Kung matinik siya, pwes matalino naman ako. Hindi niya 'ko mauuto. I'm Hyrie Lizz Alvedo. At hindi ako pinanganak na tanga... Masarap ang naging tulog ko. Almost 2pm na 'ko bumangon sa kama. Walang umistorbo sa akin which is expected ko na dahil binantaan ko ang magkapatid kanina, lalo na si Finn na bawal ako istorbohin sa pagpapahinga. Nakadouble lock pa ang pinto dahil mahirap na. I don't want to get laid lalo pa ng lalaking alam kong iyon lang ang gusto sa akin. I have learned. I texted kuya first para malaman niyang nakarating na kami dito sa Cebu. Somehow, I felt that I am guilty for not informing him about Finn. Ang akala niya ay kami lang ni Kacy dito ngayon. Me:  Hey kuya, I'm here already. Agad naman siyang nagreply. Kuya Reid:  Enjoy. I love you, take care. Naligo na 'ko at nagblower ng buhok. Nakangiti ako habang nakaharap sa salamin. I like my new hair color. Mas naging define ang features ng mukha ko dahil dito. Hindi ko na kinailangan magblush on dahil namumula ng kusa ang mga pisngi ko. My eyebrows are on fleek already at mas naging maganda pa tignan 'yon dahil sa aking buhok na umaalon habang beywang ko. Well, pinakulayan ko kasi ang buhok ko ng red last week noong sinamahan ko si kuya magpakulay ng buhok. Pagkatapos ko ayusin ang buhok ko ay sinuot ko na ang itim na stappy sundress. I also used a black and white wedge sandals. Naglipstick ako ng red at pagkatapos ay pinasadahan ng tingin ang sarili sa salamin. Perfect! Napangiti na lang ako habang tinignan ang reflection ko sa salamin. Lumabas ako ng room at dumiretso na sa pinaka tanggapan ng resort, nagbabaka sakaling nandoon si Kacy but she's not in there. Naglakad lakad ako sa may pool area. Dito pa lang naramdaman ko na ang paninitig ng mga lalaking handa na magtampisaw sa dagat. Napangiti na lang ako at nilagpasan ang ilan. Maganda ang pool area ng resort. Napakamodern nito pero may touch ng Spanish designs dahil na rin siguro sa ninuno nila Kacy. The infinity pool is crystal blue and the cabanas on the side are all built and designed in romantic way. Nasaan naman kaya si Kacy? Nakaramdam ako ng pagkalam ng sikmura. Naglakad-lakad pa 'ko. Ilang cottages na rin ang nalagpasan ko nang may dalawang lalaki ang lumapit sa akin. Mukhang foreigner iyong isa samantalang ang isa ay Pinoy. "Looking for someone?" nakangising tanong sa akin nung foreigner. "None of your business." I smiled sweetly at nilagpasan silang dalawa. I don't really like to entertain guys when I'm hungry. "Babe!" Pamilyar na boses iyon ng isang lalaki. Napalingon ako sa kabilang side ng infinity pool. Napairap ako nang makita si Finn. Tumakbo siya palapit sa akin at pinasadahan ako ng tingin mula paa hanggang ulo. Napakunot ang noo ko. Pakiramdam ko ay hinubaran ako pero hinayaan ko lang 'yon. "You are so sexy..." puri niya sa akin. He licked his lower lip nang magtagal ang titig sa aking dibdib. Ano pa nga bang aasahan ko sa playboy na 'to? Bigla ko tuloy naalala ang isang lalaking halos one week akong sinungitan noong nagskinny dress ako noong fieldtrip namin sa Camarines Sur. Now, why am I thinking of him? "I know that. Where's Kacy?" tanong ko sa kanya at hinayaan na lang ang walang kaabo abong panglandas ng mga mata niya sa legs ko. "Nasa beach." Hinawakan niya ako sa beywang, "Swimming na tayo? Kanina pa kita hinihintay bumaba." "I want to eat first. I'm starving." Bahagya niyang nilapit ang labi niya sa tenga ko at bumulong, "I am starving, too. I want to eat you." "We'll see..." in your dreams. "You are turning me on, Hyrie." nakangisi niyang sabi. "I know. Pero nagugutom na talaga ako kaya kumain muna tayo." sambit ko at tsaka nagpatuloy sa paglalakad. He walked behind me and I can feel that he's drooling over me. Hinayaan ko pa siyang puriin ako pero hindi ko pinaunlakan ang gusto niya na manood kami ng movies sa kwarto niya. Like I said, hindi ako tanga. I know what he really wants from me, that I can never give. Kumain kami sa isang Italian restaurant na malapit sa resort. I swear lahat ng mga makakasalubong namin napapatitig, hindi lang sa akin kundi pati narin sa na kasama ko. Black na sando at summer shorts lang ang suot niya pero stunning parin na ultimo mga babaeng may asawa ay napapatitig sa kanya. After kumain ay pumasyal kami sa beach. Nakita ko si Kacy wearing her two piece and accompanied by a man. Kaya naman pala hindi man lang ako naalala. Busy na siya. Nang mawala ang mainit na araw bandang mga alas kwarto ay bumalik ako sa room ko para magpalit ng purple two piece. Nagdala din ako ng towel at robe. Nagswimming kami ni Finn at naenjoy ko ang pagjejetski. Natuwa pa ako nang makarating ako sa kabilang isla! I admire the waters and sky so much. Minsan ko lang makita ang mga ganito dahil ibang iba ang Manila. "Hyrie, come on! Kuya's waiting for us na!" pagmamadali ni Kacy nang pasukin niya 'ko sa kwarto ko. Napagpasyahan kasi naming pumunta sa isang high end bar malapit sa resort. Sinoot ko ang aking pumps at tsaka hinarap si Kacy. "Ang atat mo! Hindi ka pa nga nagsosorry sa ginawa mo sa akin!" Inirapan ko siya at nagsimulang ayusin ang buhok ko habang nakaharap sa salamin. "Oh, goodness! Quality time nga diba? That's what kuya wanted kaya I left both of you. Mukha namang nag-enjoy kayo, e!" "Shut up, Kaze. You can't do that to me when your f****d up brother is around!" tinapunan ko ito ng matalim na titig. "Don't tell me na natatakot ka kay kuya? Well, pareho lang naman kayo na nakikipaglaro sa isa't-isa. I warned you na matindi si kuya but you didn't care to listen to me. Heto't baliw na siya sa'yo!" "I'm not scared. It's just that, your brother is pestering me too much. At least pag nandyan ka, mahihiya iyon sa mga kabalastugan niya." Nang matapos na 'koko mag-ayos ay kinuha ko na ang purse ko. Mabilis kong pinasadahan ng titig ang reflection ko sa salamin. I'm wearing a cream shift dress and black pumps. Dark red lipstick ang napili ko para sa aking labi and I felt content with how I look. "You should break up with him, Hy. I mean, what's the point of playing games with kuya, diba?" Pahayag ni Kacy habang naglalakad kami palabas ng resort nila. "I will, don't worry." I smiled at her. Ayaw niya talagang sagutin ko si Finn nang manligaw 'to sa akin, matigas lang talaga ang ulo ko. Ngiting aso si Finn nang magpark kami sa parking lot ng bar. Napairap na lang talaga ako. Nakadress lang ako pero daig ko pa ang walang saplot sa mga titig niya. Just drool, Finn. Wala na tayo mamaya... Neon lights ang tumambad sa amin nang makapasok sa bar. Inaliw ko ang sarili ko sa pagkilatis sa paligid. Pakiramdam ko at nakabalik na ako sa Manila. This bar is like those bars in Manila. I thought there's no place like this here but I misjudge the provice. Fully developed na rin ito. Cebu is like some places in Manila. May dagat lang talaga. Naupo ako sa bar counter, ang walang hiyang Kacy ay dumiretso sa dance floor. Iniwan na naman niya ako sa kapatid niyang maniac na ngayon ay katabi ko na naman. Nag-order siya ng drinks namin. Marami siyang sinasabi tungkol sa mga bars na pwede pa namin puntahan habang nandito. He also told me about how he wants to run their family business and his past relationships. Ang lapit pa niya sa akin kasi hindi kami magkaintindihan sa sobrang ingay ng music. "You are so heartless, babe!" aniya, almost a shout since the music is very loud. Kinuwento ko sa kanya na may isa akong fling na bnreak ko din kahit wala pa kaming isang araw. Natawa ako, "An evil guy made me this heartless! He made me this bad." "Oh, that fucker should learn his lesson, then! Tell me who it was and I'd kill him for you!" "Cheers!" natatawa kong inangat ang alak na hawak at ganon din siya. Hindi ko na alam kung nakailang shots ako ng rum, basta ang alam ko ay nakarami na 'ko kasi nakakaramdam na ako ng hilo. Mainit na din ang tyan ko sa dami ng nainom. Nilapag ni Finn ang tatlong shots pa ng rum sa harap ko. "Drink and we'll dance, Babe." "Mmm, okay!" Sunod sunod kong ininom ang tatlong baso. Natawa talaga ako pagkatapos. Halos mag-init ang lalamunan ko doon! Hindi pa nakakababa sa tyan ko ang init na dala nito nang hilain ako patayo ni Finn at siniil ng halik. Mas lalo yata akong nabaliw. His rough kisses drive me crazy... "What the hell, Finn? I thought sasayaw tayo?" Bahagya akong lumayo at tumawa. "s**t, Babe. You're really turning me on..." Napakurap ako ng ilang beses. Bakit nahahati sa dalawa ang mukha ng lalaking 'to? What is happening to my eyes? "You told me that we'll dance! I hate talkshit people kaya sayaw na tayo!" pag-aalboroto ko. Natawa lang siya. Geez, what is he laughing at? "You are mine after this, babe. All mine..." He whispered. Natawa na naman ako sa kiliting dinulot nito sa batok ko. Hinila niya 'ko sa dancefloor. We start dancing. And when I say dancing it means dirty dancing. Ang saya ng pakiramdam ko! Parang kumawala lahat ang introverted cells sa katawan ko. I feel so high and alive! Naramdaman ko ang paglakbay ng kamay ni Finn sa beywang pababa sa pang-upo ko kaya hinarap ko siya at tinignan ng deretso. Kahit na nagiging dalawa siya sa paningin ko, I still noticed how his eyes grew darker as he stares at me. Hinigit niya ko palapit sa kanya; he kissed me, torridly. "I want you. I want you so bad..." he said in between our kiss. I smiled devilishly. I wrapped my arms around his neck so that I can kiss him more. "Let's go somewhere else." aniya, tumigil siya sa paghalik sa akin at hinila ako palabas ng bar. Nagpatianod ako sa kanya. The place is blurry and my head is spinning like hell. Hindi ko na alam kung saan kami napunta. Naramdaman ko na lang ang paglapat ng likod ko sa malamig na bagay. Napalingon ako. Ah, kotse pala! The flashy Honda HR-V of Finn Austin Gonzales. Doon ko lang napagtanto na nasa parking lot kami. "Finn I want to go-" he claimed my lips, not letting me finish my words. Nanghihina ako, this guy is kissing me roughly. Dinikit niya ang sarili niya sa akin, and I felt something in my abdomen, my body suddenly heated. Naglakbay ang kamay niya sa likod ko. Ang init... Nakakaramdam ako ng matinding init. Bumaba ang labi niya sa leeg ko, halos manghina ang mga tuhod ko. Napasabunot ako sa buhok niya. "Finn..." I moaned when his finger went down there, he massaged my sensitive part and I don't know how will I react. This feeling... This is very familiar... I felt this before... "f**k!" He cussed. Hindi ko alam kung paanong sa isang iglap ay nasa loob na kami ng kanyang kotse. Nahihilo na 'ko. Hindi ko na namalayan na kinandong ako ni Finn at pinaghahalikan sa leeg. He's touching my legs, never leaving it. I feel something poking me in between my thighs. Alam ko 'to... Alam ko kung ano 'tong nararamdaman ko. "Please... Tama na... Maawa ka sa akin..." Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang maalala iyon. I opened my eyes and remembered what happened. "Please, maawa ka! Tama na!" "Sasaktan ko ang lalaking 'yon pag pumalag ka! Sasaktan ko ang kakambal mo! Gagawin ko din sa kanya 'tong ginagawa ko sa'yo, gusto mo mo ba 'yon!?" "Huwag! Maawa ka... Huwag mo silang idamay! Tama na..." Nahihirapan na ako huminga. I felt like there's no air to breathe. Naalarma ang buong sistema ko nang maramdaman kong itinataas ang laylayan ng dress ko. "Don't touch me!" bumalik ako realidad at napagtanto kung ano na ang nangyayari. Itinulak ko si Finn. Mabilis akong umalis kandungan nya. Shit. Ang bigat ng dibdib ko... Hindi ako makahinga sa naalala. "What the hell, Hyrie! Wala namang bitinan!" Galit na sabi ni Finn. Hahawakan niya sana ako pero tinulak ko ulit siya kaya napasandal siya sa kabilang side ng kotse. Kahit na nahihilo ay nakaramdam ako ng matinding kaba. Napapikit ako. Paulit-ulit na lumalabas sa isip ko ang pangyayaring 'yon; ang mukha ng demonyong sumira sa akin... Ayokong maalala! "Layuan mo 'ko! Ano ba!" Sigaw ko nang bigla niya akong sunggaban. Hinawakan niya ang magkabilaang braso ko ng sobrang higpit pagkatapos ay pinilit niya kong inihiga. "Saglit lang 'to, babe. Wag ka matakot. Magugustuhan mo rin 'to..." Bulong nito sa akin. Halos huminto ang paghinga ko sa sinabi niya. Napahiyaw na 'ko ng sapilitan niyang ipinaghiwalay ang mga hita ko. "Subukan mong pumalag... Papatayin talaga kita..." "Ayoko! Please! Ayoko! Tama na!" nagsisigaw na 'ko habang sunod sunod na luha ang kumawala sa mga mata ko. Natatakot ako... Ayokong maalala kung paano ako nasira. Ayoko... "Hyrie, shut up!" "Bitawan mo ako! Maawa ka sa akin! Huwag!" Halos hindi ako makahinga sa sobrang kaba. Umiiyak na ako at nagmamakaawa hanggang sa maramdaman ko na lang na nawala na si Finn sa ibabaw ko. Napabangon ako at nasulyapan ang isang lalaking binubugbog si Finn. I embraced myself. Kailangan kong makaalis dito! Mabilis akong lumabas ng kotse. Hilong-hilo ako pero nagawa ko paring tumakbo ng mabilis palayo sa lugar na 'yon. My hands were covering my ears. I don't want to hear his voice! I don't want to hear that demon! I don't want to remember him and everything that happened that night! T'was a tragedy, an unheard tragedy... Nadapa ako sa mabilis na pagtakbo. My knees fell in the sands at tsaka ko palang napagtanto na nasa dalampasigan na ako. "No, I don't want to hear you..." hagulgol ko. Pilit na inaalis sa isip ko ang nag-iisang alaalang matagal ko ng binura, ngunit nanunumbalik. Kinalimutan ko na ang lahat... Matagal ko ng kinalimutan 'yon. Magaling na 'ko! Hindi dapat ganito. Bakit? Bakit ayaw mawala ng mukha niya? "Patahimikan mo na ang isip ko," bulong ko. "Patahimikin mo na 'ko, parang awa!" Ayaw mawala ng nakakatakot na boses. Tumayo ako at mabilis na naglakad sa dagat. Tears fell from my eyes continuously and my chest is too heavy. I can no longer breathe. Patuloy ang paglusong ko sa malamig na tubig dagat, hanggang sa salubungin ako ng malaking alon. Sinakop ng tubig ang buong katawan ko. Nang maiahon ko ang ulo ko ay panibagong alon na naman ang naglubog sa akin sa tubig. I suddenly just want to go the easiest way. Nakakapagod. Ayoko ng bumalik... Gusto ko ng makatakas. Unti-unti akong nawalan ng hangin. Unti-unti akong napapikit... Akala ko makakatakas na 'ko sa lahat pero nagkamali ako. Isang lalaki. Isang pamilyar na boses ang tumatawag sa akin. "Hyrie! Damn it! Hayl, please wake up!" Ang boses na 'yon. Kilala ko siya. "Hayl! Wake up!" naramdaman ko ang labi niya na dumampi sa labi ko. May hangin akong natanggap pero hindi sasapat 'yon. "Hayl! s**t! Huwag ka namang ganyan! Wake up! Hayl!" May mabibigat na kamay na tumutulak sa dibdib ko, kasabay ang panibagong hangin nag-alis ng bara sa lalamunan ko. Napaubo ako at mabilis na huminga. "God, Hayl! You scared me!" Warm hands cupped my face. "Hayl! Are you okay? Nakikita mo 'ko?" nag-aalala niyang tanong sa akin. I realized who he is. "Yue..." then everything went black.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD