Slap
"What?" Namutla ang lalaki sa harapan ko. He stood up and I can see that he's trying to digest what I just said.
"You heard me, Lexus. I'm breaking up with you now." I said with finality. Saglit akong napatingin sa blacpain watch ko at nakitang alas otso na ng gabi. s**t, I need to go.
Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa table. I feel the disgust when he looked at me na para bang mababasag siya sa nangyayari. It's just a break up, alright?
"No! Please, Hyrie don't do this to me. You're just kidding, right?"
I rolled my eyes. This is just so gay. Ayoko sa lahat 'yung lalaking nagmamakaawa. Pinagmumukha niyang tanga ang sarili niya. Poor, Lexus.
"Sorry to tell you but I'm not kidding. I don't want this anymore. Oh let rephrase it, I didn't want this from the very start. Thanks for playing with me but I can no longer do this." I smiled sweetly at him, flipped my hair, stood up and went out of the coffee shop.
He's a boring type. No fun. Gwapo nga't may katawan pero hindi naman ako nag-eenjoy. What's the point of keeping him?
I sighed. Mali ako ng tantya. I thought matatapos ang break up sa loob ng limang minuto but it took almost fifteen minutes of my time. Napailing na lang ako nang maalala ang reaction ni Lexus. That's why I don't want him anymore. He's so fragile and stupid. Kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng Fendi bag ko at chineck iyon. I've got like 11 missed calls from my bestfriend, Kacy. Binasa ko pa ang isa sa mga texts niya.
Kacy:
Now, where are you? 5 minutes is not enough, right? See, I told you. Inuugat na 'ko dito! Come out fast, b***h.
Nang makarating ako ng parking lot ay lumapit ako kaagad sa kotse ko.
"So how's the break-up session?" Kacy asked me when I seated in the driver's seat.
"It was a boring break up," I started the engine and began to drive.
"Wow! Wala akong masabi sa'yo, Hyrie. Can you atleast act like you're hurting?" Tumawa ito at umiling iling.
"Hurting? Stop kidding! You know I could get another hot guy out there in just a minute." I told her with confidence. Truth is, I'm Hyrie Lizz Alvedo. I get what I want with just one snap.
"Pero sayang talaga si Lexus," she pouted her lips. "He's handsome and matalino! At grabe ang abs niya! You just dumped a hottie!" She added.
Well she's right. Lexus Laureano is a big hottie but... he's boring, lousy kisser and so innocent. Hindi kami magkapareho kaya ayoko na siyang paglaruan.
"And for a record, sinagot mo siya three days ago? Where's your conscience? Or meron kaba 'non?" Lintanya pa ni Kacy.
Napailing ako at napangisi na lang sa sinasabi nitong kaibigan ko. I don't know why it is a big deal for her. And conscience? If I'm not mistaken, I'd just lost it years ago.
"Why do you care, b***h? Do you want him now? Go and get him. I don't mind at all." I gave her a reassuring glance.
"Oh, come on!" Umiling ito at tumawa.
"Kacy, we should enjoy and explore, alright? Hindi naman nauubos ang mga lalaki."
Alam ko na umirap ito pero hindi ko na pinansin. I know what I'm doing at wala akong pakialam sa sasabihin ng iba, kahit na nitong kaibigan ko. I have a life to enjoy and I admit this is the way I enjoy everything.
Nang makarating kami sa isang kilalang bar ay dancefloor agad ang pinuntahan ko. Maingay at ang malikot na iba't-ibang kulay na party lights ang bumubuhay sa lugar na ito. I just found myself dancing! Madaming lalaki ang nag-approach sa akin at sinabayan ako sa pagsayaw pero hindi ko pinansin ang mga iyon. Well, I just need to breathe first at wala naman akong gana makipagflirt ngayong gabi. Nang makaramdam ako ng sakit ng paa, pumunta ako sa bar counter at sinamahan doon si Kacy na may kausap na gwapong lalaki. She's too fast, huh. Malingat lang ako ay may finiflirt na.
"Ethan, she's Hyrie. My bestfriend." Pagpapakilala sa akin ni Kacy sa lalaki, "And Hyrie, this is Ethan."
Ethan smiled at me. Gwapo ito at mistiso. Sa mga tingin pa lang niya ay alam ko ng interesado siya sa akin pero wala akong panahon ientertain iyon.
"Hi." I smiled at him too dahil pinandidilatan na ako ng kaibigan ko. Pagkatapos ay kinausap ko na 'yung bartender at umorder ng drinks. I don't tend to seduce my bestfriend's fling so hindi ko na kinausap si Ethan kahit tinanong niya ako kung nagmeet na ba daw kami dati dahil pamilyar daw ako sa kanya.
No wonder. I assumed na nakita niya na ako sa internet dahil model ako ng sarili naming business at ibang clothing lines. I'm an Alvedo and my family's name is quite famous. We have a hotel chain and restaurants here in the Philippines and abroad.
Pinabayaan ko si Kacy at Ethan na pumunta ng dancefloor. Kacy have the energy to seduce that man so hindi ko na siya guguluhin.
Habang umiinom ako ay may isang lalaki ang umupo sa kanan ko. Napansin ko ang paninitig niya sa akin. My lips formed a half smile.
"Mind if I treat you a drink?" Tanong niya sa akin nang balingan ko ito.
"Are you talking to me?" I asked him back. Napataas ako ng kilay.
"I'm afraid you can't state the obvious." He chuckled and shooked his head.
This one seems to be full of himself. Matipuno ito. Based on his facial features, masasabi kong may halong banyaga ito. Mukha ring anghel dahil maamo ang mukha.
"So..." aniya at hinihintay ang sagot ko.
"Sure, please." I gave him a smile. Kahit naman wala ako sa mood ay marunong pa rin ako makitungo. In fact, one drink won't hurt.
Tinawag niya ang bartender at umorder ng Margarita. Nang maserve sakin 'yung drink ay tumagilid siya para harapin ako.
"So your name is?" his mischievous smile is plastered on his face.
"Call me Hyrie. And you are?"
"Rust. Nice to meet you, Hyrie." he said, inabot nito ang kamay ko for a shake hands.
"Are you alone?" he asked. Now, I am very certain what he is up to. Alam ko na ang mga ganitong eksena. Ilang beses ko na naranasan ang mga ganito. Ang iba pa nga'y garapalan na.
"Nope, I'm with my bestfriend. Unwinding lang." I answered habang pinaglalaruan ang maliit na baso ng Margarita.
"Oh, I see. I hope I'm not interrupting anything."
Umiling ako, "How about you? What are you doing here?"
"Just bored so I went here." Ngumiti pa ito.
So we talked about some things. Marami na rin ang naiinom niya. Mukhang mas mauuna pa siyang malasing kaysa sa akin. Hindi nagtagal ay inakbayan na niya ako. He's tipsy. I could feel his breath against my neck. He's too close.
"Maybe we can meet again. We have a lot of things in common. I like you." He said seductively.
This is the last time, Rust. You're no fun. I'm just bored kaya kita kinakausap. I want to tell him that but I refused to say so. It's not very classy.
"I'll think about it, Rust. Anyways, thank you for the drink." Iniwas ko na ang tingin ko dito at hahanapin na sana si Kacy.
"Assholes!" sigaw ng isang babae.
Nagulat na lang ako nang may humila sa akin palayo kay Rust. Nang makita ko kung sino iyon ay nag-init ang ulo ko. I knew it! I can sense na girlfriend ito ni Rust na ikinaila lang naman niya kanina nang tanungin ko siya kung may girlfriend ba siya.
"Damn! What's your problem?" Tanong ko sa babae. Inagaw ko ang kamay kong hawak niya. "Who are you to drag me?"
"Ako? Ako lang naman ang fiancée ng nilalandi mong p****k ka!" galit na galit ito. Her fist is closed by force. Manununtok ba 'to?
Napatingin ako ng masama kay Rust na naestatwa sa kinauupuan niya. Hindi man lang ba niya aawatin itong babaeng 'to?
Hinarap ko muli ang babae. I can't believe na tinawag niya akong p****k. I am not that kind.
Humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay, "It's your fiancé who approached me first, Miss. Ang sabi niya sa akin ay wala siyang girlfriend."
"Walang hiya ka!" sigaw niya at handang handa na sa pakikipag-away.
Sasampalin na niya sana ako pero nahawakan ko agad ang kamay niya. Sa mga ganitong babae ako naiinis, e. Hindi ko naman kasalanan na hindi niya nabibigay ang pangangailangan ng boyfriend niya kaya lumalandi ito ng iba o kung hindi talaga interesado sa kanya ang boyfriend niya...
Isang malutong na sampal ang binigay ko sa kanya nang manglaban siya.
"How dare you!" singhal niya sa akin habang hawak ang pisnging nakatikim ng palad ko.
Nginitian ko ito. Susugurin niya na naman ako pero napigilan ko pa iyon. Sinampal ko ulit siya sa kabilang pisngi dahil naiinis ako. She's very desperate for a man who's not worth it. Mas malakas ang pangalawang sampal dahil nagluha ang mga mata niya. Maaawa na sana ako kung hindi niya lang ako minura ng malakas.
"Hindi naman masyadong gwapo ang boyfriend mo para pag-aksayahan ko ng oras. Nabobored siya kaya kinausap ko. Kung may problema ka don, siya ang kausapin mo. Isang sugod pa, mapapahiya ka talaga..." I said and rolled my eyes at her.
Tahasan akong hinila ni Kacy palabas ng bar. Natatawa pa ito habang pinapanood ang eksena namin ng babaeng 'yon. She's just watching while that woman was attacking me. What a mighty bestfriend I could ever have!
Napabuntong hininga ako at hinilot ang aking sintido. I am not a warfreak. Hindi ko din gusto ang manampal pero kung sasabihan ako ng masama ay makakatikim talaga ang kahit na sino!
"Nang-away ka na naman!" Natatawang sabi ni Kacy habang nilalakad namin ang parking space.
"Hindi ko kasalanang maganda ako. Tandaan mo 'yan." inirapan ko ito at niyakap ang sarili. Binaba ko pa ang hem ng suot kong red skinny dress. The cold breeze is embracing my entire white skin.
Hindi na bago ang mga ganitong eksena sa akin. Malala pa nga ang mga nangyari noon. I just deal with it like a pro. Hindi ko naman kasi pwedeng hayaan ang sarili ko na magpatalo. Independent woman like me will never allow people especially jealous and insecure women to lay a single finger on me.
I, Hyrie Alvedo, chose to be tough.