BRYAN’S POV
Nakababa na kami sa Airplane at kumuha na ng taxi pagkatapos. Hindi maalis si Sky sa braso ko. Akala niya iiwanan ko siya. Kasama din namin ang Manager ko. Nasa Passenger seat siya naka-upo. Dapat nga ako dun kase ako ang magbabayad, kaso itong si Sky ayaw bumitaw. Kainis!
Speaking of Sky, dati bidang-bida at sikat na sikat siya kaso bigla na lang nawala ang lahat nang yun. Pumalit sa kanya yung Sheena Allyson! Mas sikat pa yun kaysa kay Sky.
Dun naman sa napaniginipan ko, bigla ko naisip kung ano ba ang boses ng babae dun! Kaboses na kaboses niya kung paano mag-salita si Sheena. Nung nagtanong ako kay Sky kung close niya ba si Sheena, sabi niya hindi pero nung last na sinundo ko si Sky sa dressing room niya, nakita ko silang dalawa na nagtititigan. Masama! Kaya nung pumasok ako dun tinawag ko lang si Sky at si Sheena napansin ko naman na bigla siyang tumingin sa baba.
“Bye! Sheena Allyson!” Yan ang sabi ni Sky bago kami umalis doon. Naramdaman ko kung paano ako tingnan noon ni Sheena kaya nabahala ako, tapos di ko na lang pinakielaman ang isip ko.
“Hon? What’s wrong? Malalim y’ata ang iniisip mo?!” Sabi ni Sky kaya tiningnan ko siya. Bakit ba ganyan ang itsura ng asawa ko? Ang kapal ng make-up! Ayoko pa naman sa ganyan!
“Ahh... Wala naman! Wag mo na akong isipin!” Sabi ko sa kanya at tinanggal ang kamay niya sa braso ko.
“How is your day, Mr. Bryan?” Tanong naman nung driver sakin! Feeling ko narinig ko na yang ganyang boses dati! Bigla ko na lang naalala!
“How is your day, Mr. Bryan?” tanong agad nung driver sakin pagkasakay namin sa Van.
“That is fine Mr. Jones!” tinapik ko naman ang balikat nito at tiningnan ang babaeng nasa tabi ko.
“That is fine Mr. Jones!” Yan na lang ang lumabas na mga salita sa bibig ko. Nakita ko ang ekspresyon ng mukha niya.
“Did you remember me? Mr. Bryan?” So, tama nga ako sa sinabi ko? Bakit niya gamit ang taxi? Di ba dapat Van?
“Ahm.. Yes?” Nakita ko ang pag-ngiti niya. Kilala niya kaya ang babaeng kasama ko noon?
“We’re here guys!” Bigla namang sabi ni Manager. Kaya naman ng tumigil ang taxi ay nauna ng bumaba si Sky at ang Manager ko. Ako naman nagbayad at kinausap ang Driver na si Mr. Jones!
“Mr. Jones? Can I ask a question?”
“What is it Mr. Bryan?”
“Do you remember the girl?...The one you saw in my side before we arrive here to my Mom and Dad’s house?” Sabi ko sa kanya.
“Yes! She’s so lovely and beautiful! She likes you a lot, Mr. Bryan!”
“What is her name?” Tanong ko agad sa kanya.
“Her name is—”
“Honey! Bakit ba ang tagal mong magbayad diyan!” Sigaw ni Sky sa labas kaya napababa na lamang ako.
“See me in Plaza okie!” Nag-thumbs up ako at tumango naman siya.
“Thank you!” Sabi ni Sky at pumasok na kami ng bahay.
“Hey! Son, why are you here?” Biglang salubong ng Mom ko pagkatapos ko mag-door bell. Tatangkain niya sana akong yakapin pero bigla ko pinakita sa kanila ang jacket na hawak ko!
Nakita ko na kumunot ang noo ni Dad at nakita ko sa kanilang dalawa kung ano ang ekspresyon nila sa pinakita ko, at parang alam nila kung kanino ang pink na jacket na ito.
“Sky?” Tawag ko kay Sky.
“Why Hon?” Sabi niya naman.
“I want to talk my parents! So, will you?” Alam niya ang ibig kong sabihin kaya pansamantala na muna siyang umalis at si Manager.
“Why, son?”
“Let’s talk in private, I want to ask something from the both of you! Follow me!” Sabi ko at sabay na tinalikuran ko sila papunta sa Living room. Umupo ako sa couch.
“Anong gusto mong pag-usapan!?” Tanong naman ng Mom ko.
“Alam niyo ba kung kanino ‘to? Please don’t lie! Mom, Dad!”sabi ko at inilahad ko sa kanilang harapan ang jacket. Nagkatinginan sila at nahalata ko yun.
“Hmm... Kukuha na muna ako ng maiinom sa kitchen!” Sabi ni Mom para matakasan niya ang tinatanong ko! Bigla akong napatayo at kinuha ang flower vase! Hinagis ko ito sa sahig.
“What’s your problem Bryan!” Malakas na sigaw na Dad para mag-echo ito sa buong bahay. Nagulat si Mom at napaiyak na lang bigla.
“WHY ARE YOU LEAVING MOM!!! I thought that you’ll say the truth and you won’t lie from me, but I’m still wrong!” Kinuha ko ang pink jacket at umalis palabas ng bahay. Hinabol ako ni Sky pero bago pa man din yon ay nakasakay na ako sa taxi.
“Please take me in plaza!” Sabi ko sa driver at agad niya itong pinaandar.
SKY’S POV
Nagulat na lang ako ng may sumigaw sa may bandang sala’s kaya naman napatakbo ako papunta doon. Bago pa ako makarating dun ay nakita kong mabilis na lumabas si Bryan ng bahay kaya naman hinabol ko siya pero napatigil din ako ng makita ko na siyang nakasakay na sa taxi. Bumalik na lang ako sa loob ng bahay at pumunta sa may sala’s kung nasaan sina Mom and Dad ni Bryan. Nakita ko na lang bigla na may badag na flower vase na nakakalat sa sahig. Nakita ko na magkayakap ang mag-asawa. Napansin ko na umiiyak si Mom Maria. Agad ko silang lipitan.
“Anong nangyari sa inyo?” Sabi ko sa kanila para lingunin nila ako.
“Why do you care?” Sabi naman ng Mom ni Bryan.
“Ano bang nangyari? Bakit may sumigaw? Bakit may basag na flower vase? Bakit umalis si Bryan?” Sunod sunod kong tanong sa kanila.
“Please leave us.” Sabi naman ng Dad ni Bryan.
“Ayoko! Gusto ko malaman kung ano ang nangyari!” Mataray na sabi ko dito.
“Alam mo Sky, dapat hindi na lang ako pumayag na ikaw ang pinakasalan ni Bryan! Dapat hinayaan ko na lang na si She- - - -“
“No! Hindi ako papayag na mawalay sa tabi ko si Bryan! Pasalamat pa nga kayo dahil hindi nalugi ang Company niyo! Pasalamat kayo dahil dumating ako sa buhay niyo! Pasalamat kayo kung hindi dumating ang pamilya ko sa poder niyo, hindi sana babagsak ang kumpanya niyo!”
“Wala kaming pasasalamatan dahil dumating ka sa buhay namin! Magpapa-salamat lang ako kapag lumayas, umalis at nag-divorce na kayo ng anak ko! Hindi ka nga dapat nakakaapak sa kinatatayuan mong yan ehh, dahil amin yan! Akala ko sa una ay napaka-bait mo! Pero di hamak na napaka-bait kaysa sayo ni Sheena! Ehh halos anak ka na ng demonyo ehh!”matapang na sabi sakin ng ina ni Bryan. Ang sarap sampalin ng matandang ‘to eh! Ang sarap supalpalin ang bunganga.
“Do you think that..I’m scared? NO! I’m not! Aalis ako dito pero hindi ko hahayaan na magkaroon ng divorce, dahil ako pa rin ang magiging asawa ni Bryan sa huli! Gurang!” Naglakad na ako palayo sa kanila.
“Honey, nagsisisi na ako!” Iyak na rinig kong sabi ng ina ni Bryan. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at hinanap si Bryan.
SHEENA’S POV
Gabi na at may paulit-ulit na nagdo-door bell sa may labas ng condo. Hindi siguro marinig ni chabs dahil mahimbing na ang tulog nito kaya ako na lang ang lumabas ng kwarto at pumunta sa may pintuan kung saan may nagdo-door bell. Dahan dahan ko itong binuksan at tiningnan kung sino ito. Isang matangkad at binatang lalaki at may dala siyang maleta at bag. Magtatanong siguro. Pero iba ang sinabi niya na talagang ikinagulat ko.
“Bakit? May itatanong ka po ba?” Sabi ko dito pero bago siya magsalita ay tinitigan niya muna ako.
“Ate?” Sabi niya. Hamak na mas matanda ako sa kanya pero bakit parang may iba siyang ibig sabihin sa ‘Ate’?
“Huh?” Gulat na sabi ko.