Chapter 04

1341 Words
SHEENA’S POV Nandito na kami sa Hospital. Binilisan ko ang pagbubukas ng pinto ng Van at agad na tumakbo papasok ng Hospital. “Hey! Sheena! Baka may makakilala sayo!?!” Sigaw y’ata ni Chabs yun. Bwisit naman kasi! Bakit hindi sinabi sakin ni Manager Kim na may Cancer pala siya? “Nurse! Na’san ang Room ni Tiana Kim?” Agad na sabi ko sa Nurse. Alam kong nagtataka siya, tinitigan niya ako ng maigi. Kinilatis ang buong mukha ko. “Nurse? Kung ano man ang nasa isip mo, Oo tama ka ng hinala!” Bigla siya napatalon at agad na hinanap kung anong Room yung sinabi ko sa kanya kanina. Ang saya niya.! “Room 107 po Ms. Sheena Allyson! Pwede po bang magpa-picture?” “Okay go! Bring your phone and I will handle it!” Sabi ko at agad na nag-picture. “Kyah! Thank you po!” “As Always!” Sabi ko at tinungo na agad ang Room. Nang mahanap ko ito ay binuksan ko agad. Nakita ko siya na binabasa ang Comic Book. “Manager Kim! How are you?... Why you didn’t tell me that you have a Cancer!?” Sabi ko at agad siyang niyakap. “Ano ka ba! Ms. Sheena this is a cancer malayo sa bituka!” She said. Tawa pa ng tawa. “Malayo sa bituka? Nagbibiro ka ba? Manager Kim... Ikamamatay mo yan kaya wag kang magbiro!” Sabi ko at malapit na akong mapaiyak dito. Bigla na lang bumukas ang pinto. “Sheen! Ang daming reporter sa labas!” Hingal na hingal na sabi ni Chabs dala-dala si ang baby kong si Brix. Nasa likuran naman niya si Terence. “Hello! Ate!” Sabi nito at niyakap ang kapatid niya. “Why? Paano nagkaroon ng reporter sa labas?” Pagbaling ko sa sinabi ni chabs kanina. “Ewan ko!” Kibit-balikat niya sinabi. Loko talaga. “Ms. Sheena!?” Sabi ni Manager Kim kaya agad ko siyang nilingon. “Why, Manager Kim?” “Si Terence muna ang papalit sakin para magabayan ang Photoshoot mo sa Linggo! Baka kasi hindi ko kayanin! Ililipat ko muna sa kanya ang paghawak ng gagawin niyong Photoshoot, hindi pa pala ako nakakahanap ng ipa-partner sayo, kaya si Terence na ang bahala doon! Isa kang model kaya pag-patuloy mo lang yan ha!” Sabi niya. Kaya naman napaiyak ako. “Bakit ka naman umiiyak diyan?” Sabi niya ulet. Obviously naman di ba? Parang namamaalam na siya! “Bakit ka kasi nagsasabi ng ganyan? Parang namamaalam ka na eh!” I said. Iyak pa din ako ng iyak. “Mom! Stop crying?! You’re not a kid anymore! So please, be brave, okay?!” Biglang sabi ng anak kong si Brix. Niyakap niya ako at pinunasan ang luha sa pisngi ko. Hay! Naisip ko tuloy, paano pa kaya kapag nag-binata na ‘to? “I do. Son! I love you so much!” Habang yakap niya ako, ni-kiss ko naman siya sa cheeks. “Me too Mom! Forever and always!” Nagulat naman ako sa sinabi niyang ‘yon! Saan niya nakuha ang salitang ganon? “Brix? Saan mo nakuha ang mga words na’yan ha?” Tanong ko sa kanya. “In the book of English, Mom! Forever and always because you are my Mom and you gave me a beautiful life!” Nagulat naman ako sa sinabi niya. “Hay nako! Tama na nga yan! Naiinggit talaga ako Brix! Yakapin mo nga din si Tito! Come, and hug me!” Singit ulit ni Nick. “No way! Ayoko!” sabi agad ni Brix kaya nagulat na lang kami ng biglang tumawa si Manager Kim. “Hay! Hanggang ngayon, ganyan pa din kayong mag-tito!” Sabi niya at nginitian naman siya ni Brix. “Manager Kim, iiwan na muna namin kayo dito, kukuha pa kasi kami ng Condo para makapag-ayos na! Okay lang ba?” Sabi ko sa kanya. Tumango naman siya at sinabing “okay lang” kaya nagpatuloy na lumabas ng kwarto. Nakita ko nga na maraming nakabulagta na mga reporter’s sa labas kaya naman bumalik ulit kami sa loob ng kwarto ni Manager at sinabi ko na magbibihis ako, para naman hindi ako makilala. Ayoko na pagka-guluhan! Baka magka-sugat ako. Ayoko ng maulit yung nangyari sakin sa Brazil. “Sige Manager Kim! Una na kami!” Sabi ko at lumabas na. Naunang maglakad sa amin si Terence kaya naman sumunod kami sa kanya. Pagkalabas ko wala namang nakakilala sakin dahil sa suot kong pang-mahirap lang! Hihi always ready ako sa ganitong bagay kaya nakakalusot ako sa mga fans. “Pasok na po kayo sa Van!” Sabi ni Terence at sumunod naman kami sa kanya. “Mom! I’m so hungry!” Biglang sabi ni Brix pagkapasok sa Van. Lumabas naman si Nick para bumili. At ng makabalik siya ay nag-diretso na kami papuntang Tagaytay at humanap ng Hotel doon. *** Nakahanap at nakakuha na rin kami ng Hotel Room kaya naman todo pahinga ang anak ko, pati si Chabs. Nakatulog ulit sila. At ako naman kina-usap si Terence. “Hello, Terence! How are with the both of you? Matagal na bang may cancer si Manager Tiana?” Tanong ko sa kanya. Nakatingin lang siya sa malayo kaya naman kinulbit ko siya. “You heard what I’m saying?” Tanong ko sa kanya ulit. Malayo kasi ang utak niya y’ata! May inaalala siguro. “I’m her twin brother but...” Sabi niya at yumuko. “But..what?” Sabi ko dito. “I’m a gay! At ayaw kong malaman niya!” Laki naman ng problema niya!? “But why? Why you didn’t tell her the truth, Terence!? Mas mapapanatag ang loob mo kapag sinabi mo sa kanya.” Ang laki ng problema niya, pero infairness! May makakasundo akong bakla! Hahaha! “But I can’t!” Sabi niya at umupo. Sumunod naman ako sa ginawa niya. Pero ang gwapo niya. Bakit ba lahat ng gwapo, may pusong pagka-babae??? Ang saklap naman, kasi kung lahat ng gwapo ay bakla pala, wala ng matitira sa mundo! Pwera na lang kung talagang biniyayaan ng diyos ng kagandahang lalaki! Ayyyy doon. “Gusto mo bang magsisi sa huli?” “Ayaw!” “Then, say what you want! Sabihin mo na sa kanya na gay ka!” Sabi ko at hinawakan siya sa balikat. Nagpa-salamat naman siya pero may bigla akong naalala. “Ahh.. Terence may tanong pala ako kanina na hindi mo nasagot!” Sabi ko sa kanya. “Ano naman ‘yon?” “Matagal na bang may cancer si Manager Kim?” “Yes. 13 year old ng magsimula ang cancer niya! Meron siyang kidney cancer, ang daming bawal sa kanya noon pero lahat sinuway niya! Hindi ko siya mapigilan! Ayaw niya ding sabihin ko kay Mom and Dad na kumakain siya ng bawal so I decided! Pinabayaan ko siya! Kasi sabi niya saken kapag pinigilan at pinag-bawalan ko siya, hindi niya daw ako ituturing na kapatid. Natakot ako sa sinabi niya, kaya anyare? Nagkaroon siya ng cancer! Kaya nga sinisi ko ang sarili ko dahil dapat hindi ako natakot sa sinabi niya. Hanggang ngayon!” Naluha na siya. Kaya naman hinaplos ko ang likod niya. Pinabayaan ko siyang umiyak, dahil kailangan na ilabas lahat ng problema sa loob-loob mo! Kapag nagpigil ka, baka ikabaliw mo yan! “Siya din naman pala ang may kasalanan pero at least naging mabuting kapatid ka din sa kanya hanggang sa lumaki na kayo ngayon! I’m very proud of you!” Tumawa naman siya. May sinabi ba akong corny? “Sorry ha natawa ako?! Ang akala ko kasi sa Sheena’ng nasa T.V ay maarte at hindi namamansin! Akala ko lang pala iyon!” Natawa ulit siya. “Alam mo ba na... Maraming namamatay sa mali ang akala?” Sabi ko, biglang kumunot ang noo niya kaya sabay kaming napatawa. “O’siya! I’m going to rest na ahh! Goodnight!” Sabi ko at tumayo na. Tumayo na rin siya at sumunod sakin papasok. Humiga ako sa tinabihan ang anak ko. Niyakap niya ako. “I miss you a lot Mom! I love you!” Sabi niya at hinigpitan ang pagkakayakap sa’kin kaya naman niyakap ko din siya. “I love you forever and ever baby!” Sabi ko at hinalikan siya sa noo. Pinikit ko na ang mata ko at natulog na. BRYAN’S POV Nang makabalik kami dito sa bahay ni Mom and Dad sa U.S ay agad kong binungad sa kanila ang pink na jacket. Imbis na yayakapin ako ni Mom ay hindi niya na ito nagawa dahil sa ginawa ko. Agad na kumunot ang noo ni Dad dito at parang alam niya kung kanino ang jacket na ‘to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD