•Lilac• Napalunok ako sa tanong ni Trayne, lalo na at sabay silang tatlo na tumingin sa akin. "Gusto ko po 'yun, Daddy Trayne! Tapos before po matulog play po tayo snake and ladder!" Ngumisi si Trayne at binuhat si Lucas bago pumasok sa loob. Rinig ko pa ang pag-uusap nila bago itong nakapasok ng tuluyan. Napakamot ako sa aking ulo nang makita ang itsura ni Seve. "Kaibigan, huh?" may inis sa boses na usal nito. Hinawakan ko ang kamay niya para pawiin ang pagtatampo nito. "Hawak kamay pa. Malambot ba ang kamay niya?" Napakagat ako sa aking labi nang muntikan na akong matawa dahil sa sinabi nito. Sumimangot ito nang makita ang aking reaksyon. "At masaya ka pa dahil nakita mo ang lalaking iyon. gwapo ba? Mas gwapo sa akin? Pakakasalan mo na? mahal mo—" Tumingkayad ako at hinalikan ang

