HTS 20:

1172 Words

•Seve• Nasa Dela Vega's Entertainment na kami ngayon ng anak ko at tuwang-tuwa ito na binabati ang mga tauhan ko. Kumakaway pa rin ito kahit na papasok na kami sa opisina. "Sabi kay mommy, eh. Mas gwapo pa rin ako sayo, papa." Tumawa siya at kinurot ang pisngi nito, kanina pa nito inulit iyon. Hindi ata ito matatahimik hanggat hindi ang mommy niya ang nagsasabi. "Syempre mas gwapo ka anak kaya kita." Inilagay nito sa kanyang baba ang kamay at nagpapa-gwapo sa harapan niya. Tumawa siya at binuhat ang anak patungo sa kanyang mesa. Inilagay niya ito sa kanyang upuan at pumalakpak. "Bagay pala maging gwapong CEO ang Lucas namin." Sumabay naman ito sa kanya at umayos sa pagkakaupo. Nakagat niya ang labi dahil sa ginawa nito. "The handsome CEO, Lucas Jose Dela Vega. Bagay po ba, papa?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD