“Ma’am Catherine, nandito na po ang mga papeles na kailangan n’yo.” Napatango ako kay Lizzie bago tiningnan ang laman ng inilapag niyang white folder. Isa-isa kong binasa ang kontratang nakalagay rito nang biglang siyang magtanong. “Siya nga pala, kumusta po ang honeymoon n’yo sa Korea, Ma’am?” Napaubo ako nang maalala ko ang unang gabi namin ni Chase. Walang hiya! Sa Maldives kami dapat pupunta, eh. Pero dahil ita-transfer na si Chase sa Pilipinas, nag-request si Caroline na sa Korean na lang kami mag-honeymoon para makabisita rin ako sa kanila. Kaya ‘yon sa Jeju Island kami nagpunta last month tapos—ack! Basta! “M-Maganda naman ‘yong lugar,” nauutal kong sabi bago ipinagpatuloy ang aking ginagawa. “Wala ho ba kayong nararamdaman na kakaiba, Ma’am?” Naguguluhan akong napatingin kay
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


