Chapter 1
“Okay, okay . . . Five, Lustre Restaurant. Yeah, I’ll be there,” nakangiti kong ibinaba ang phone pagkatapos kong kausapin si Arthur. Hanggang ngayon, wala pa ring nagbago sa ‘kin. Ang laki pa rin ng epekto ni Arthur sa puso ko.
Ilang taon na ba ang lumipas simula nang huli ko siyang makita? Five years? Ang tagal na pala. I can’t believe na nakabalik na siya sa Pilipinas.
Narinig kong biglang may kumatok sa pinto ng opisina ko kaya agad akong umayos ng upo. Wala akong appointment today kaya sigurado akong si Lizzie lang ’to, ang secretary ko.
Gosh! Muntik ko nang makalimutan! May dapat pala akong pirmahan ngayon. Sa’n na kaya ’yong hinatid ni Lizzie na papel bago ako tinawagan ni Arthur? Nakalilimutan ko kaagad ang mga dapat kong gawin tuwing tumatawag na sa ’kin ang lalaking iyon. Argh, I hate him!
Nasa kalagitnaan na ako nang paghahanap nang marinig ko ulit na may kumatok. Crap! Nakalimutan kong papasukin si Lizzie. “Come in,” utos ko habang busy na tinitingnan ang mga folder sa aking mesa. Nakalimutan ko na kung sa’n ko isiniksik ’yong papel! This is all Arthur’s fault!
Masyado akong natuwa sa sinabi niya na magkita kami mamaya, nabigla tuloy ako. Hindi niya naman kasi ako sinabihan na uuwi na siya. Ang balita pa lang na nakauwi na siya rito sa Manila ay sapat na para magalak ang puso ko. Bonus na lang ang paanyaya niyang magkita kami. I can’t help but to smile. Hindi rin nagbago si Arthur. Mahilig pa rin siya sa surprises tulad no’n.
Arthur was my first boyfriend. My first in everything except s*x. Mahigit tatlong taon din kaming nagsama ni Arthur hanggang sa napagdesisyunan naming maghiwalay na muna. Naghiwalay kami para hindi namin mapigilan ang isa’t-isa sa pag-abot ng mga nais naming marating sa buhay. It was a mature breakup.
Kahit na naghiwalay na kami ay patuloy pa rin ang pagkontak at pangungumusta namin sa isa’t isa. Habang nasa Italy si Arthur at ako naman ay narito sa Pilipinas, hindi ko naramdaman na malayo ang distansya namin. Pakiramdam ko nga hindi umalis si Arthur. Pero iba pa rin talaga kapag nagkikita kami, iba sa pakiramdam kapag nakikita ko talaga si Arthur in person.
Sa loob ng limang taon na magkalayo kami, napagtanto ko na mahal ko pa rin si Arthur. After ng breakup namin, hindi talaga nawala ang nararamdaman ko para sa kanya. Kaya ngayong nakabalik na siya, naisip ko na, why not maging kami ulit? Ngayong may kompanya na ako na matagal ko nang pinapangarap at ngayong isang ganap ng Doktor si Arthur. Ba’t hindi namin subukan ulit? Naabot na namin ang mga gusto naming marating. I think, it’s time na ibalik na namin ang masayang relasyon namin no’n.
“Anong nakakakilig sa mga papeles mo?”
Naibato ko sa unahan ang hawak kong mga folder dahil sa labis na pagkabigla. I was so deep in thought. Nakalimutan kong may pinapasok pala ako rito sa opisina ko!
Teka . . .
“Ano’ng ginawa mo rito?” Napakunot ang noo ko kay Elle, ang best friend kong kilalang Photographer na hindi matago ang kawirduhan.
Nakangisi siyang naupo sa ibabaw ng mesa ko sabay pitik sa ’king noo. Napadaing ako sa ginawang pagpitik ni Elle. Babae lang ang physical appearance niya pero pang-lalaki ang angking lakas ng mga kamay niya.
“What was that for?” reklamo ko habang hinihimas ang aking noo.
I automatically guard my forehead when I notice Elle raise her hand. Ack! May second attack pa siya? Mariin akong napapikit habang hinihintay kong tumama ang mabagsik na daliri ni Elle sa likod ng aking kamay. Pero imbes na pitik ang matanggap ko, isang malakas na tawa ang binigay niya sa ’kin. Napasimangot ako.
“What?” pigil-tawa niyang tanong.
I raised a brow at her pero mas natawa lang sa ’kin si Elle. Gosh, ang kulit niya talaga! “Ano ba kasing ginagawa mo? Hindi mo man lang napansin ang overwhelming presence ng isang Great Photographer sa harapan mo?” Itinaas ni Elle ang kanyang mga kamay at parang baliw na kumaway sa hangin. Napailing na lang ako.
“May hinahanap ako. Kaya kung nonsense lang ang pakay mo rito, umalis ka na.” Ipinagpatuloy ko na ang aking paghahanap at hindi na binigyang pansin si Elle.
“Gaga! Ma’am Grace, nandito ako para ibigay sa ’yo ang personal information ng magiging new Model ng Grace. Nakisuyo kang hanapan kita, ’di ba?”
Walang paalam na hinagis sa ’kin ni Elle ang isang brown envelope na agad ko namang nasalo. Matalim ko siyang tinitigan. Hindi dahil sa ginawa niyang paghagis kung ’di sa pagtawag niya sa ’kin ng ‘Grace’. Alam niyang ayaw na ayaw kong tinatawag sa second name ko pero ginagawa pa rin ito ni Elle para inisin ako. Argh, gawain niya na ’to pero hindi pa rin ako nasasanay.
Hindi ko na pinansin ang smug face ni Elle at itinuon na lang ang aking atensyon sa envelope na hawak ko.
Binuksan ko ang brown envelope at tahimik na binasa ang mga papeles sa loob. May mga litrato rin ng modelo. Wala akong masabi sa physical appearance nitong nahanap ni Elle. She’s gorgeous. Pasok din sa standards ko ang hugis ng mukha at labi niya. I can’t help but to smile. Hindi nga ako nagkamali na magtanong kay Elle tungkol sa ganitong mga bagay. This model is perfect for Grace. I bet bagay na bagay sa model na ’to ang new lipstick namin.
Humihingi ako ng tulong kay Elle sa paghahanap ng magiging model hindi dahil sa wala akong tiwala sa sarili ko. I know a lot of popular models. Pasok sila sa criteria ng marami pero hindi sila pasok sa criteria ko. My cosmetic company is unique. Hindi lang sa mga binibenta naming cosmetics kung ’di pati na rin sa mga kinukuha naming mga models. Dapat mag-match ang dalawa dahil kung hindi mawawala ang uniqueness ng Grace.
“She’s perfect,” puri ko habang nakatingin sa litrato ng babae.
“Yeah, perfect talaga. Alam na alam ko ang taste mo, Grace,” ngumisi sa ’kin si Elle. Nandito na naman tayo sa ‘Grace’ na ’yan. Tsk!
Napairap na lang ako kay Elle sabay sara sa hawak kong envelope. Napasandal ako sa swivel chair ko nang mapansin ko ang maleta na nasa ibaba ng mesa. Napaangat ang tingin ko kay Elle.
“Sa’n punta mo?” usisa ko. Nagkibit-balikat siya.
“Uhm, kahit sa’n. Gusto ko munang magpahinga sa ginagawa ko.” Bumaba na si Elle sa mesa. Tuwid siyang tumayo sa harapan ko at hinawakan na ang kanyang kulay pink na maleta.
“Sigurado kang pahinga lang?” usisa ko. Elle snort at me. Wala siyang matatago sa ’kin, ano.
Alam kong mahal na mahal niya ang Photography. Naging kaibigan ko si Elle dahil sa isang seminar no’n sa College, isa siyang Photographer no’n sa event ng department namin. I don’t know what happened basta bigla na lang kaming nag-usap. Nagkukuwento si Elle tungkol sa passion niya, ako naman ay aliw na aliw habang nakikinig sa kanya.
Tuwing nagkikita kami ni Elle, nagagawa niya talagang isingit ang Photography sa usapan. Kaya nakapagtataka ’tong sinasabi niya ngayon. Ito ang unang beses na sinabi niyang magpapahinga siya.
“Yeah, kailangan ko rin ng pahinga. By the way, bago lang ’yang si Queenie. Huwag mong takutin,” mahina siyang tumawa.
“Baliw. Bahala na si Lizzie sa kanya. May importante akong mission ngayon,” wika ko. Napakunot ang noo ni Elle sa ‘kin.
“What do you mean?” usisa niya habang seryosong nakatingin sa maganda kong mukha.
“Umuwi na si Arthur. Plano ko sana na makipagbalikan sa kanya,” paliwanag ko.
“Seryoso ka? Limang taon na’ng nakalipas, uy!” hindi makapaniwalang wika ni Elle. Nginitian ko lang siya.
Alam kong ilang taon na ang lumipas pero wala namang masama kung subukan namin ulit tutal pareho naman kaming single.
“Wala namang masamang makipagbalikan, ah!” depensa ko.
“Fine, fine. Basta walang iyakan, ha. I’m telling you right now na ang ipinapakita na lang ni Arthur sa ’yo ay friendship. Hindi normal na maging close ang ex mo, sinasabi ko sa ’yo.” Napakurap ako sa sinabi ni Elle.
Alam nila ni Yurii ang tungkol sa ’min ni Arthur. Maging ang good communication namin kahit na naghiwalay na kami. For Elle, friendship na lang daw ang ipinapakita sa ’kin ni Arthur. Pero sa ’kin . . . iba, e. I can feel it. Connected pa rin ang mga puso namin sa isa’t-isa.
“Don’t worry. I can handle this,” confident kong wika sa kanya.
“Okay, tawagan mo ako kung kailangan mo nang makakausap. Nasa kotse lang ako, nagpupunta kung saan-saan,” natawa siya sa sariling sinabi.
“Tatawagan talaga kita. Baka may mangyaring masama sa ’yo sa daan, ako pa ang sisihin nila Tita Elena,” ngumiti ako kay Elle. Alam kong nasa tamang edad na kami pero ang mga magulang ni Elle, bantay-sarado pa rin talaga sa kanya.
“Baliw! Dapat ang daan ang matakot sa ’kin,” napahalakhak siya.
Tumawa ako kasabay ni Elle pero hindi ko pa rin maiwasan na mag-aalala.
“Elle . . . sana sa pagbalik mo, excited ka na ulit na magkuwento sa ’kin tungkol sa mga kuha mo,” pilit akong ngumiti.
“Gaga! Maghintay ka lang. Babalik ako agad.” Nakatawang turan ni Ellie.
‘Elle sure is a strong lady,’ nakangiti kong wika sa sarili.
Pagkatapos kong magpasalamat kay Elle, nauna na siyang umalis. Sabay na sana kaming bababa pero sabi niya mag-ayos na muna ako dahil ang haggard ko raw. At dahil na-conscious ako sa sinabi niya, agad akong nagpunta sa banyo. Ang sama niya talaga!
At exactly 4 PM, papunta na ako sa restaurant na nabanggit ni Arthur. Kinakabahan ako sa muli naming pagkikita. Hindi ko rin maiwasan na mag-alala dahil sa sinabi ni Elle kanina. Paano kung tama siya? Paano kung kaibigan na lang talaga ang tingin ni Arthur sa ‘kin? No.
Think positive, Catherine! Keep in your mind na kahit wala na kayo ay nagkakausap pa rin kayo na para bang walang break-up na nangyari. That’s enough reason para masabing may nararamdaman pa kami sa isa’t isa.
I parked my car in front of the restaurant. Kumikinang ang buong building na nasa harapan ko, siguro dahil sa ginamit na pintura. Nang makapasok ako sa loob kaagad akong sinalubong ng isang waitress.
“Miss Catherine Grace Diaz?” tanong niya.
“Yes,” tugon ko naman.
“This way, please.” Ngiti lang ang naging tugon ko sa babae saka ako sumunod sa kanya.
Habang naglalakad kami, hindi ko maiwasan na mamangha sa interior design ng restaurant. Classy. Tugma ang interior at exterior design. Maganda rin ang choice nila sa gamit, pasok sa ‘Lustre’ na pangalan ng restaurant. Pakiramdam ko nasa ibang bansa talaga ako. I heard about this place pero hindi ko magawang mapuntahan dahil tinatamad ako. Medyo malayo rin kasi ang distansya niya sa Grace.
Iginiya ako ng Waitress patungo sa balkonahe. I can feel my palm sweating. Habang papalapit ako sa kinaroroonan ni Arthur, mas bumibilis ang t***k ng puso ko. I missed him so much. I can’t wait to see him.
Nang matanaw ko si Arthur sa pinakadulo, nakatingin na siya sa direksyon ko. He’s waiting for me. Inaabangan niya ang pagdating ko. Napangiti ako nang tumayo siya para lapitan ako. Goodness, pakiramdam ko sasabog ang puso ko.
“Hi.” Arthur smiled at me. Sa wakas, narinig ko na ulit ang boses niya nang harap-harapan.
“Hey.” Sinuklian ko ang ngiti niya. Mas lalong lumapad ang suot na ngiti ni Arthur. God, I missed his smile.
Nagpasalamat si Arthur sa Waitress at siya na ang gumiya sa ’kin papunta sa mesa namin. Nang maupo ako, saka ko lang napansin na may pagkain na sa mesa. Halos lahat ng nakahain ay paborito ko.
Elle, sana nakikita mo ’to ngayon.
“Wow!” Hindi ko maitago ang pagkamangha ko.
“Are you trying to please me?” pabiro kong tanong.
Napakamot si Arthur sa batok niya. He’s shy. Aww, so cute.
“Sa totoo lang . . .” May pag-aalinlangan sa boses ni Arthur pero bakas pa rin ang excitement sa mukha niya. May gusto siyang sabihin sa ‘kin. Baka pareho ang gusto naming mangyari.
For goodness sake! Wala naman pala akong dapat na ipangamba. Pareho kami ng nararamdaman ni Arthur.
“Arthu—”
“Arthur!”
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa biglang pagdating ng isang babae. I’ve seen her face somewhere . . . Sa’n ko ba siya nakita?
“Hey, Queen.” Nanlaki ang mga mata ko nang biglang ipinulupot ni Arthur ang braso niya sa beywang ng babae. What the heck?
“I’m so sorry. Natagalan ako sa banyo dahil may inalalayan akong Ginang.” Nakangiting umupo ang babae sa bakanteng upuan sa pagitan namin ni Arthur. Who is she?
Patanong kong nilingon si Arthur. Pinsan niya ba ’to? Kaibigan? Katrabaho? Wala siyang nabanggit na may ibang tao kaming kasama ngayon. Napalingon sa ’kin ang babae, nginitian niya ako. Pamilyar talaga ang mukha niya.
“Hello, Miss Catherine. Ako nga ho pala si Queenie Marcella. Nice to meet you.” Inabot niya sa ‘kin ang kanyang kaliwang kamay.
Naguguluhan man ako kung anong dahilan ba’t kasama namin siya ngayon, tinanggap ko pa rin ang kamay niya. I flash a tight smile.
“Nice to meet you, too,” wika ko at nauna nang bumitaw.
Napangiti sa ’min si Arthur. Tinaasan ko siya ng kilay, naghihintay sa paliwanag niya tungkol sa babaeng kasama namin ngayon. Wala siyang nabanggit sa tawag na may isasama siya.
“Catherine . . .”
Na kay Arthur ang buong atensyon ko. Nakahanda na ang tainga ko para marinig ang sasabihin niya.
Nilingon muna ni Arthur si Queenie bago nagpatuloy. He sweetly smiled at her. I can’t believe it. Ba’t hindi ko agad ’to napansin kanina?
“Cath, si Queenie nga pala, fiancee ko.” Itinaas niya ang magkahawak nilang kamay. Dito ko na nakita ang suot nilang engagement ring na kumikinang-kinang pa.
Grabe, para akong binuhusan ng sampung drum ng malamig na tubig. Pero kahit na gano’n ang nararamdaman ko, nanunuyo pa rin ang lalamunan ko. Parang gusto ko na lang na umalis dito ngayon at magpunta sa malayong lugar. Nakakahiya!
“Miss Catherine?” Napalingon ako kay Queenie. Puno ng pag-aalala ang mukha niya habang nakatingin sa ‘kin. Act normal, Cath!
“Gosh! Congratulations!” F*ck! Masyadong masigla ang boses ko.
Napatitig sa ’kin sila Arthur. Bakas sa mga mukha nila ang pag-aalangan dahil sa naging reaksyon ko. Crap. They look good together. Smile, Cath. Smile.
“So, kailan pa?” usisa ko. Seryoso, gusto ko na lang sampalin ang sarili ko ngayon.
Napangiti si Arthur sabay lingon kay Queenie. Ba’t kailangan pa nila batuhin ng tingin ang isa’t isa tuwing may tinatanong ako? Ang sakit, ah.
“Two years ago, nagkrus ang landas namin sa Hospital na pinapasukan ko. May kamag-anak siyang nagta-trabaho rin do’n. Tapos ’yon, we started dating,” paliwanag ni Arthur.
What the heck? Iyon na ‘yon? Mas maganda ang first meeting natin! Ang boring ng sa inyo. Kung gagawin ko ‘yan ng kuwento, I swear walang magbabasa!
“Wow! Destiny,” pabiro kong wika, taliwas sa gustong isigaw ng isip ko. Napangiti si Queenie sa ’kin.
“Destiny nga po.” I tried my best to flash my sweetest smile at her. Mabuti na lang talaga sanay na ako kay Elle dahil kung hindi baka bumigay na ako ngayon.
“Catherine, salamat, I learned a lot from you. Kung hindi dahil sa ’yo, wala ako ngayon dito. Ikaw ang pinaka-the best kong naging kaibigan habang nasa Italy ako.”
Baril si Arthur at ang sinasabi niya ngayon ang bala na bumabaon sa puso ko. I was wrong, Elle was damn right. Kaibigan na lang ang tingin ni Arthur sa ’kin sa loob ng limang taon na kumakapit ako sa kaniya. Crap. I feel like s**t. Gusto ko nang makaalis dito.
“Don’t mention it. Destiny talaga kayo.” Sarili ko na nga lang ang kakampi ko ngayon, sinasaktan ko pa. I can handle it pala, ah.
Sabay silang napangiti sa ’kin. Oh, please, please, sana may tumawag sa ‘kin ngayon. Please! Hindi ko na kaya ang kinalalagyan ko.
And like an answered pray, may tumunog ngang phone sa mesa namin.
“Phone mo, baby?” tanong ni Arthur kay Queenie. Mabuti na lang ‘love’ tawagan namin no’n kung ’di baka sinagot ko rin siya.
“It’s not mine, babe.” Ang gulo naman ng endearment nila. Akala ko ba ‘baby’? How boring. Itinaas ko ang phone ko para ipakita sa kanila na ito ang tumutunog.
“Wait, sagutin ko lang ’to.” Tumayo ako at naglakad papunta sa sulok. Thank you, Lord!
“Yurii,” sagot ko pagdating ko sa sulok. “Hulog ka talaga ng langit!”
“Eh? Bakit? Anyway, next time ka na lang magkuwento kapag nagkita na tayo. Tumawag lang ako para sabihin sa ’yo na busy ako ngayon, baka tumawag ka sa ’kin.” May narinig akong tunog ng helicopter sa kabilang linya.
“T-Teka, sa’n ka naman pupunta?” Grabe! Kung kailan kailangan ko sila ni Elle saka sila mag-aalisan.
“Sky diving, darling. See you soon.”
Pinatayan na ako ni Yurii kaya napapadyak na lang ako sa sobrang inis. Nag-aalala akong napalingon sa direksyon nila Arthur. Ang sweet nilang dalawa, nasusuka ako. Kailangan kong makaisip ng dahilan para makaalis dito.
“Ayos ka lang?” Nag-aalala na tanong ni Arthur nang makabalik ako. Matamlay akong ngumiti.
“Naku, pasensya na. May business trip daw ako ngayon. Kailangan ko nang umalis.” Lies! All lies!
“Ah, gano’n ba?” malungkot na tanong ni Queenie. Napatango na lang ako sa kanya saka kinuha ang handbag ko.
“Pasensya na talaga kayo. Mauna na ako .” Paalis na ako nang pigilan ako ni Arthur.
“Teka, Cath. Ito nga pala ang wedding invitation namin.” Hindi ko na naitago ang aking pagkamangha. Ikakasal na sila?
“Oh . . .” Tinanggap ko ang envelope na hawak ni Arthur. Tatlong buwan na lang kasal na nila. Lintik! Sobra-sobra na ang sakit na ‘to!
“Pumunta ka, ha,” malambing na wika ni Queenie. Napilitan na lang akong tumango saka ako naglakad palabas ng restaurant.
Mga insensitive! Hindi man lang nila naisip ang mararamdaman ko. Naibato ko na lang sa basurahan ang invitation dahil sa sobrang inis. Iritado kong kinuha ang phone ko sa aking handbag para tawagan si Lizzie.
“Take care of the company. Kailangan kong umalis.”
I need to get out of here, fast. Baka may magawa akong hindi maganda sa insensitive kong ex-boyfriend at sa future wife niya. Damn, my heart hurts!
“Copy po, Ma’am. Tuloy pa rin po ba ang photoshoot para sa new product?” Maaasahan talaga si Lizzie sa lahat ng bagay.
“Yes. Call me kung may problema. Hanapan mo ako ng lugar kung saan makaka-relax ako,” utos ko sa kanya habang naglalakad ako papunta sa Mercedes-Benz ko.
“Isla Pahuway, Ma’am. Nakahanda na po ang tutuluyan niyo ro’n,” automatic na tugon ni Lizzie sa ’kin. Nilagay ko ang handbag ko sa katabi kong upuan saka naupo sa driver seat.
“Three months ako ro’n,” saad ko sabay start ng aking kotse.
“Ayos na ho, Ma’am. Naghihintay na po sila sa pagdating niyo,” kalmadong tugon ni Lizzie mula sa kabilang linya. Limang taon ko na siyang secretary, ano pa ba’ng aasahan ko? She’s trained.
“Good. Send me the location.”
Limang taon na ang lumipas simula nang maghiwalay kami ni Arthur. Habang naghihintay akong bumalik siya, may tao na palang nagmamay-ari ng puso niya. For Pete’s sake, I’m so stupid.
“Na-send ko na po, Ma’am. Mag-iingat po kayo.”