Chapter 2

3418 Words
Napangiti ako nang matanaw ko ang isang isla mula rito sa pantalan ng San Isidro. So, that’s Isla Pahuway.   Halos walong oras din ang naging biyahe ko papunta rito, but I know it’ll be worth it. Lahat nang pinipili ni Lizzie for my escape ay pasok sa taste ko. Siya ang pinaka-legit pagdating sa mga recommended places to visit kaya naman malaki ang tiwala ko sa choices niya. At tingnan mo naman, sa kulay pa lang ng dagat dito sa pantalan ay satisfied na ako. Paano pa kaya ang dagat do’n sa isla? It’ll be amazing for sure. I’m glad at nakikisama rin sa ’kin ang panahon ngayon. Ang sarap ng init na nagmumula sa araw. It’s a good day to heal.   “Miss, p’wede ka bang umisod?” Napataas ang kilay ko nang biglang may nagsalita mula sa aking likuran. Sino na naman ’to?   Hinubad ko ang suot kong sunglasses kahit labag sa kalooban ko saka ako lumingon sa nagsalita. Tatlong babae ang bumungad sa ’kin. Nang makita ko ang unfriendly faces nila, hindi ko na napigilan ang kilay ko. Awtomatiko iyong napataas for some reasons.   Pinagmamasdan ko silang maigi. Hmm, mukhang mas bata sila sa ’kin base sa katawan at ugali nila. One of them is glaring at me like a b***h. I’m guessing siya ang spokeperson ng grupo nila. Gano’n kasi ang ilang teenagers in group, ‘di ba? Palaging may leader. Like duh, napagdaanan ko rin ’yan noon. Teka, baka mga bad b***h talaga ‘tong mga bata na ito?   Ugh! Ang peaceful na ng eight hours kong biyahe papunta rito tapos makakaharap ko ang ganitong mga babae. I’d rather let this pass. Gusto ko lang magpahinga.   “Padaan,” iritado niyang wika sa ’kin. On the second thought, h’wag na lang pala.   “Excuse me?” tanong ko habang nakatingin sa kanila while wearing my resting b***h face. I don’t care kung ma-intimidate sila sa ’kin ngayon. Dahil ito naman talaga ang gusto kong maramdaman nila.   “Padaan kami, Miss.” Nakataas na ang kaliwang kilay ng isa nilang kasama. The girl on the right side of their leader to be exact. Halata sa mga ekspresyon nila na gusto talaga nila akong durugin.   Argh! Please, huwag ngayon. I’m just trying to relax here. Kaya nga ako nagpunta rito para ilayo ang sarili ko sa gulo.   Just kidding! Like hell I’d say that at this moment. These girls are testing my patience kaya ba’t ako aatras? “Miss, bingi ka ba? Sasakay kami,” mariin na wika ng nasa kanan. Gosh! I don’t like her tone. Parang pinapamukha niya sa ’kin na ako pa ang may mali rito.   Gusto ko na lang sana na palagpasin ang pangit nilang ugali dahil nagustuhan ko ang hugis ng mga mukha nila, but I changed my mind. Hindi nila deserve ang kabaitan ko. Okay, simulan na natin ito.   Let’s see what you’ve got ladies.   “Ba’t naman kayo sasakay dito?” Sinuyod ko ng tingin ang pantalan. “Marami pa namang passenger boat sa baba.”   Napairap ang leader nila sabay tulak sa ’kin para makaakyat sila sa yate ko. Oo, Yate Ko. Kaya hindi ko maintindihan kung ba’t nandito sila dahil private itong sasakyan ko. Hindi for public transportation.   Okay. Gusto pala nila ng drama na ganito. Fine, I’ll play with them for awhile tutal wala pa naman dito si Manong Carlito.   “Ang ganda nitong yate ni Georgia, Bes,” puri nang tumulak sa ’kin habang inaayos ang suot niyang sunglasses. Excuse me? Who the heck is Georgia? This. Is. Mine.    “Ano pa ba’ng aasahan mo sa isang anak-mayaman, Bes? Regalo lang daw ’to ng Papa niya sa 18th birthday niya. Nakakainggit. Tara, punta tayo roon sa unahan!”   Mala-reyna na naglakad ang tatlo papunta sa front deck na tila ba pagmamay-ari nila ang yate. Pero bago pa man sila makapag-assume na kanila talaga ang yate na ’to, may lalaking dumating. Napatitig ako sa hinihingal na binata na napatigil sa bungad ko. Basa ng pawis ang suot niyang plain grey t-shirt dahilan para bumakat ang matipuno niyang katawan. Hindi na masama ang build niya.   P’wede na. Let’s check him below.   Hindi ko na natapos ang plano kong gawin nang mapagtanto kong mali iyon. Ba’t ko naman titingnan ang ibaba niya? Baliw ka na, Catherine Grace! Pasimple kong pinaypayan ang sarili ko sabay iwas ng tingin. “May problema ba, Miss?”    Napako ako sa aking kinatatayuan nang marinig ko ang malalim na boses ng binata. Hindi ko maintindihan pero biglang nanindig ang mga balahibo ko dahil sa boses niya. He was about to grab my shoulder but I avoided his hand. Nabigla siya sa ginawa ko kaya sinulit ko na ang reaksyon niya at umatras ng isang hakbang. I think, mas mabuting lumayo ako sa kanya. He’s my type pero masyado pa siyang bata. Halata naman sa itsura niya. “Uh?” Naguguluhan siya sa ginawa ko kaya agad ko siyang nginitian. “I’m fine. Don’t worry about me. Sila ba ang pakay mo rito?” Tinuro ko ang mga babae na nag-picture taking na sa yate ko. Nahihiya na tumango sa ‘kin ang binata. Yeah, dapat lang na ikahiya mo sila.   “Mga kaklase ko,” wika niya sa ‘kin. I flashed a tight smile.   Tuwid na tumayo ang binata saka tinawag ang tatlong babae. Dito ko na napansin na hanggang balikat niya lang ako. Oh, gosh! He’s huge.   “Hoy! Hindi ito ang yate ni Georgia! Nasa kabila sila!” Nabigla ang tatlo nang marinig ang sinabi ng kanilang kaklase.   In a blink of an eye, kaming dalawa na lang ang naiwan dito sa taas. Kumaripas ba naman ng takbo ’yong tatlo pababa dahil sa nalaman nila. Nakakalungkot naman. Akala ko matatagalan pa ang scene namin na magkakasama. Kung hindi sana dumating agad ang binata na ’to, mas naturuan ko pa sana ng leksyon ’yong mga kaklase niya. Ang mga babaeng gano’n ang ugali ay dapat na disiplinahin. See? Hindi man lang humingi ng sorry sa ’kin. Tsk-tsk, ’yon sana ang best part, e. “Pasensya ka na sa mga kaklase ko, Miss.” Saglit na yumukod sa ’kin ang binata.   Napabuntong-hininga na lang ako dahil hindi nasunod ang nais kong mangyari sa mga kaklase niya. Okay na rin ’to. “It’s fine,” walang gana kong tugon.    Napangiti sa ’kin ang lalaki sabay hawi sa buhok ko. Without second thoughts, hinampas ko ang kamay niya kaya gulat siyang napatingin sa mukha ko. Matalim ko siyang tinitigan pero napangiti lang siya sa aking naging reaksyon.   “What the heck are you doing?” mariin kong wika.   “Gusto ko ang kulay ng buhok mo,” amin niya.   Napakunot ang aking noo dahil sa natanggap kong compliment. I know dapat magpasalamat ako pero hindi ko na ’to naisip gawin dahil sa ginawa niya sa ’kin. And, geez! I already know na maganda talaga ang kulay ng buhok ko. Ito lang naman ang dahilan ba’t umabot ng walong oras ang byahe ko.   Naisip ko kasi na magpakulay para gumaan ang pakiramdam ko habang nasa biyahe. Nakatulong naman siya nang kaunti sa ’kin, at some point, pero hindi ito nakatulong para makalimutan ko nang tuluyan si Arthur. Oh, crap! Naalala ko na tuloy ’yong lalaking ‘yon!   Napatingala ako at pasimple na pinunasan ang gilid ng aking mga mata. Sa tuwing naaalala ko si Arthur, may bagyo ng emosyon na nabubuo sa loob ko. Naghihintay lang ’to na palabasin ko anumang oras. Kailangan ko nang paalisin ang lalaking ’to rito. Mahirap na baka bigla akong mag-breakdown ngayon.   “Thank you for the compliment. Now, leave,” I firmly said.   Gusto ko na munang mapag-isa. Pakiramdam ko bubuhos na ang mga luha na buong byahe kong ikinimkim. Damn, I hate this part of my life!   “Ayos ka lang?” Puno ng pag-aalala ang mukha ng binata habang nakatingin sa ’kin.   Wait, nag-aalala siya? Seriously? Sa akin? Hindi niya ako kilala tapos nag-aalala siya? This guy is making me laugh.   “I’m fine, kaya bumaba ka na.” I flash my sweetest smile. I’m doing my best to act normal dahil ayaw kong magmukhang mahina sa harap ng tao na hindi ko naman kilala.    “Okay.” Umatras na ang lalaki nang makita ang ngiti ko.    Akmang tatalikod na ako nang biglang may humablot sa ’king braso. It was him. The tall, handsome guy who just touched my hair. Napatingin ako nang diretso sa kanyang mga mata. It was dark as the depths of the sea. Nararamdaman kong nais ako nitong hugutin pailalim.   I can’t breathe! Something’s wrong with his gaze. Parang kanina lang ang amo niyang tumingin sa ‘kin, pero ngayon . . . pakiramdam ko may gusto siyang makuha. His eyes says it all. This guy is dangerous.   “I-It hurts . . . “ Napadaing ako nang maramdaman kong mas humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko.   Agad naman siyang napabitaw nang makita niya ang takot na takot kong ekspresyon. What the heck did he just do?   Gusto ko nang umiyak kanina dahil kay Arthur tapos nang hawakan niya ako, mas nangibabaw ang takot ko dahil sa titig niya.   “I-I’m sorry.” Napahawak siya sa kanyang batok sabay iwas ng tingin. Napansin ko ang pagtiim ng kanyang bagang kaya napatingin na lang ako sa mga paa ko. I hate to admit this, but that was . . . uhm . . . hot.   “A-Ayos lang. Baba ka na. Seryoso, kailangan mo nang umalis.”   Alam kong wala pa rito si Manong Carlito, ang kinuhang Driver ni Lizzie nitong yate, pero ayaw ko nang manatili pa ang binata na kasama ko. Natatakot ako at baka may mangyaring hindi maganda. Biglang umiiba ang aura niya, maging ang titig niya sa ’kin ay hindi ko maintindihan kung anong nais iparating. Hindi ganito kahirap intindihin si Arthur. Sa tuwing tinitingnan niya ako, sa tuwing hahawakan niya ang katawan ko noon, isa lang ang nararamdaman ko—pagmamahal. Hindi kagaya ng lalaking ‘to. But he is hot, though.   “Oh, okay. I’m Chase Austria, by the way.” Inabot niya sa ’kin ang kanyang kamay like it’s a normal thing pagkatapos mong hawakan nang walang paalam ang hindi mo kilalang tao. At tinanggap ko naman ito na parang wala lang sa ‘kin ang mga ginawa niya because I just want him to leave.   I felt something as soon as our skin touched. Pero pinili ko na lang na huwag iyong pansinin dahil mas patatagalin lang nito ang interaksyon naming dalawa.   Nang makababa na si Chase, nilingon niya ako ulit para kumaway. I wave back at him, wearing my ultimate fake smile, praying that our paths will not cross again.   Alas-onse ng umaga, dumaong ang yate sa maliit na pantalan ng Isla Pahuway. Sa Baranggay Kamingaw kami mismo dumaong. Ang buong akala ko ay mga resort lang talaga ang nasa isla pero may tatlong baranggay pala rito.   “It’s beautiful,” bulong ko nang makababa ako.                                                           Hindi nga ako nagkamali. Ang ganda rito! The island is clean and peaceful. Kaya naman pala dinarayo talaga ito rito sa Samar. Again, kailangan ko na naman palakpakan ang magaling kong secretary for choosing this place. Thumbs up for Lizzie!   “Sa Baranggay Malipay po ang destination niyo, Ma’am Catherine,” ani Mang Carlito habang binababa ang mga gamit ko.  Hindi naman masyadong marami ang dala ko. Saktong limang maleta lang ng bagong mga damit dahil hindi ko na nagawang mag-impake pa bago ako nagpunta rito.   “Iyan po ba ang sabi ni Lizzie sa ’yo, Manong? Kung gano’n, doon nga ang tungo ko,” tugon ko sabay suot ng aking sunglasses. Wala na akong oras pagdudahan pa si Manong Carlito. Nasa kanya na kung ililigaw niya ako o ano basta si Lizzie ang kumuha sa kanya. Kaya kung may mangyari mang hindi kaaya-aya sa ’kin, si Lizzie lang ang p’wedeng lapitan ng two good best friends ko. Elle and Yurii won’t let me die without peace. Speaking of best friends, nasa’n na kaya ang dalawang ’yon? I should call them pagdating ko sa Hotel. For now, kailangan ko munang maging pamilyar sa isla na ’to.   “Tatay Carlito!” May dalawang bata na tumakbo papalapit sa amin kaya mabilis akong tumabi. Si Manong ang pakay nila, hindi naman ako.   “Oy, Badong, Balong!” Niyakap ni Mang Carlito ang dalawa. I’m guessing nasa twelve years old ang mga edad nila base sa kanilang pangangatawan. Mga anak niya siguro.   “May ig-padara ka sa ‘mon? Kami nala! Kami nala!” Hindi ko maintindihan ang sinasabi nila but I think they’re offering their help to Mang Carlito? Hindi ako sigurado.   “Sige. Dad-a iton niyo nga mga maleta pakadto sa may gawas. Tig-duwa kam.” Oh, crap. Hindi ko na talaga sila maintindihan.   “Sige, ’tay!” Nagmamadali na kinuha ng dalawang bata ang mga maleta ko. Tig-dalawa ang hawak nila habang na kay Mang Carlito ang naiwang isa.   “Tara na ho, Ma’am.” Nginitian ko na lang si Manong bago ako sumunod sa kanila. Nang marating namin ang kahoy na gate ng pantalan, binigyan ni Manong Carlito ng tigbe-bente ang dalawang bata. Masaya nila itong tinanggap sabay yakap kay Manong. Pagkatapos, tumakbo na sila pabalik sa pantalan. Naiwan kami ni Manong Carlito sa labas. Dito ko na napansin ang isang lumang kotse sa likuran ni Manong. Ito lang siguro ang available na masasakyan. Ayos lang naman sa ’kin. It’s better kaysa naman maglakad kami ni Manong.   Dahil sa maliit na espasyo ng kotse, sa isang maliit na truck na lang isinakay ang mga maleta ko. I don’t mind kung marumihan ang mga maleta at ang mga damit sa loob. Ipapa-laundry ko pa naman ang mga ’yon bago ko sila susuotin.   Mahigit isang oras na biyahe ang  iginugol ko sa loob ng kotse bago namin narating ang Malipay Hotel ng Baranggay Malipay. Hindi rin naman ako nabagot habang nasa biyahe dahil sa maganda ang mga view na nadadaanan namin at panay ang kuwento ni Manong Carlito. Again, thumbs up na naman for Lizzie.   “Dito na ho kayo, Ma’a—”   Hindi na natapos ni Manong Carlito ang sasabihin nang biglang magsilapitan sa kotse namin ang sampung Staff ng hotel na nakasuot ng black pants at white long sleeves na may logo sa upper left part. Pagkababa ko sa kotse, sabay-sabay silang nagpalakpakan at umawit ng hindi ko maintindihan na awitin bago ako nilagyan ng garlands. Sweet.   “Welcome, Miss Catherine Grace!” Sabay-sabay silang yumukod. Napapalingon na sa ’min ang ilang mga turista kaya naman sumenyas na akong dalhin na ang aking mga gamit.   Nagustuhan ko ang pag-welcome nila pero masyadong agaw-atensyon. Teka, agaw-atensyon naman talaga palagi ang welcome na natatanggap ko sa pinupuntahan kong mga lugar. Gosh, hindi na ako nasanay.   “Ayos ka lang, Miss?” Napalingon sa ’kin ang isang hotel Staff habang naglalakad kami papunta sa magiging kuwarto ko. Oh, s**t! Napalakas ba ang tawa ko? Hindi ko napansin.   “Ayos lang ako, Miss . . . ” tiningnan ko ang suot niyang name plate. “ . . . Pauline.” Napangiti si Pauline pagkatapos kong banggitin ang kanyang pangalan. Dahil lang sa ginawa kong ’to mas naging lively siya habang ginagawa ang trabaho. Lively na siya kanina, swear, pero mas naging lively ang itsura niya ngayon. Don’t tell me na sinabi ni Lizzie sa Admin ng hotel na ’to ang tungkol sa social status ko?   Mabuti naman ang naidudulot nito, pero next time gusto kong subukan na huwag na muna ipaalam sa iba ang tungkol sa trabaho ko. I want to see their reactions. Tulad na lang ng mga babae sa yate kanina.   Sumakay kami ni Pauline sa elevator at tumigil ito sa third floor ng hotel. Pagkalabas namin, ilang hakbang lang ay tumigil kami sa harap ng isang silid.   “Ito po ang magiging kuwarto niyo sa loob ng tatlong buwan, Ma’am Catherine.”   Binuksan ni Pauline ang pinto na may nakasulat na ‘EXCLUSIVE’ in gold and bold letters sa harapan. Nang makita ko ang loob ng kuwarto, agad akong napangiti. The interior suits my taste. Mukhang hinanda talaga ang silid na ‘to para sa ‘kin.   “Thank you,” wika ko habang sinusuyod ng tingin ang silid.    “Kung may kailangan po kayo, paki-press na lang po nitong red button.” Tinuro ni Pauline ang pulang buton na nasa tabi ng switch malapit sa pinto. I nod at her.   “Okay,” nakangiti kong tugon. Yumukod si Pauline sa ‘kin at matamis akong nginitian bago umalis.   Pumasok ako agad sa loob pagkaalis ni Pauline. The room is more like an apartment na nilagay sa huling palapag ng hotel. I like it.    Sandali lang akong tumambay sa kusina para uminom ng wine at nagtungo rin agad sa second floor. I want to see my room so bad. Gusto ko nang magpahinga.    Pagkabukas ko sa puting pinto, bumungad sa ’kin ang kulay grey at white na silid. Maging ang mga gamit ay nasa shade ng grey at white. So, ito na ang magiging kuwarto ko sa loob ng tatlong buwan? It’s nice and . . . clean. May malaking bintana rin sa loob na nakaharap sa dagat. It’s the most peaceful thing ever. Imposibleng hindi ako kaagad makalimot sa lugar na ’to.   Naglakad ako papalapit sa bintana. Mula rito sa aking silid, tanaw ko ang baybayin na nasa labas. Hindi gaanong marami ang naliligo sa beach. Siguro dahil mahal ang bayad dito at exclusive talaga. Parang gusto ko na rin tuloy mag-swimming. Sayang nasa laundry pa ang two-piece ko kaya bukas na lang siguro. Magpapahinga na lang muna ako ngayon.   Tatalikod na sana ako nang marinig ko ang malakas na sigaw ng isang babae mula sa labas. Grabe ang bunganga niya. Nasa third floor na ako narinig ko pa rin ang sinabi niya. Wait! Anong sabi niya?   “Chase! Narito kami!” muling sigaw ng babae sa mas malakas na tinig   Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang topless na lalaking tumatakbo papunta sa direksyon ng babae. Oh, f**k!   Mabilis kong ibinaba ang blinds ng bintana dahil sa labis na pagkataranta. Nagpabalik-balik pa ako sa paglalakad, nag-iisip kung sa’n ako magtatago nang mapansin ko ang malaking kama na nasa harapan ko lang. Napatakbo ako rito at agad na nagtakip ng kumot dahil sa sobrang gulat. Anong nangyayari? Ba’t nandito rin ang lalaking ‘yon!   “F*ck!” Napabalikwas ako ng bangon. “Ba’t ba ako nagtatago sa kanya?”    Para na akong baliw rito sa kuwarto habang kinakausap ang aking sarili. May point naman ako, ah! Sa kilos ko ngayon parang hindi ako 28 years old na babae.   This is stupid. Nagpunta ako rito para makalimutan si Arthur at pumunta sa kasal nila na may ngiti sa aking labi. Hindi para matakot sa isang binata na kanina ko lang nakilala. Like I care, bahala na kung nasa iisang lugar lang kami. Wala naman sigurong masamang mangyayari. Wala naman kami sa isang pelikula. Realidad ’to, ano!   Hinubad ko na ang suot kong damit at walang saplot na nahiga sa aking kama. Bumibigay na ang talukap ng mga mata ko. Kailangan ko nang matulog.   “Can I kiss you?” Nahihiya akong tumango kay Arthur.    Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha sa ‘kin at banayad na hinalikan ang aking labi. Hindi ko mapigilan na manginig dahil lang sa ilang segundong halik. That’s my first kiss. “I love you, Catherine. I’ll always will.” Hinalikan ako ni Arthur sa noo, sa kilay, sa mata, sa tungki ng aking ilong, sa magkabila kong pisngi at pabalik sa aking noo. I’m the luckiest girl in the world.   “I love you too, Arthur.”   Nang imulat ko ang aking mga mata, hindi na mapigil ang tuloy-tuloy na pagtulo ng aking mga luha. Nakatingin lang ako sa puting kisame habang inaalala ang napakaganda kong panaginip. Napahagulhol na ako dahil sa sakit na bumabalot sa aking puso. Sinong niloloko ko? Anong maganda sa alaala na hindi na muling mangyayari pa?   “Ah!” Napayakap na ako sa unan para maramdaman na may karamay man lang ako sa mga oras na ’to. Ilang ulit pa akong sumigaw hanggang sa napagod ako.   Tae, Arthur. Ang sakit talaga, e. Sana pala hindi na lang ako pumayag na makipaghiwalay noon. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari. Kung alam ko lang . . . hinayaan ko na lang sana ang sarili ko na maging maramot.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD