“Narinig mo ba? May umiiyak na babae kagabi mula sa exclusive floor!”
Pagkatapos kong marinig ang sinabi ng babaeng napadaan sa harapan ko, naibuga ko lang naman ang iniinom kong kape. Kasalanan ko bang naiwan kong nakabukas ang bintana kagabi? Kanina ko lang din nalaman nang buksan ko ang blinds. Argh, nakakahiya ako!
Kampante akong nag-drama kagabi dahil alam kong soundproof ang buong silid. Pero may paraan talaga ang pagkakataon para ipahiya ako. Gosh, sa may-ari ng katapat na kuwarto ko na lang ibabato ang lahat ng kahihiyan ko. May babae rin naman na tumutuloy ro’n. Sana akuin niya na lang din.
“M-Ma’am, tubig po.” Napaangat ang tingin ko sa babaeng lumapit sa ’kin. Mukhang staff siya rito sa Lipay Restaurant.
“Thank you.” Tinanggap ko ang inabot niyang baso at uminom dito.
“You’re welcome, Ma’am.” Ngiti lang ang naging tugon ko sa kanya sabay lapag sa hawak ko.
She looks apologetic. Wala naman silang kasalanan sa nangyari. Nabigla lang talaga ako dahil ang bilis kumalat ng tsismis tungkol sa ’kin—este sa babaeng nasa kabilang kuwarto. Anyway, bahala na sila kung papagandahin pa nila ang story of my restless night. Hindi naman nila alam na ako ’yon. At sigurado pa ako sa sigurado, kaunti lang ang nakakakilala sa ’kin dito. Kaya wala akong dapat na ipangamba.
“Sorry po talaga, Ma’am.” Napaangat ang tingin ko sa babaeng naghatid ng tubig. Hindi pa pala siya umaalis.
Napatingin na ako sa suot niyang name plate. Napakurap na lamang ako nang malaman kong siya mismo ang Manager ng restaurant na ito. Crap! Alam kong gusto lang talaga akong i-spoil ni Lizzie, but this is too much.
“Wala ho kayong kasalanan, Miss,” saad ko pero umiling siya sa ‘kin.
“Kami ho ang may kasalanan, Ma’am. Hindi ho maayos ang pagka-brew ng kape namin kaya niyo po ’to naibuga.”
Oh, gosh! I apologetically looked at the Manager. Nakokonsensya ako. Pero hindi ko naman p’wedeng sabihin na kaya ko ‘to naibuga dahil sa tsismis na narinig ko. Naku, naman.
“You know what, why don’t you just make me another coffee? I’d really appreciate that.” I smiled at her. Awtomatiko na lumiwanag ang kanyang mukha dahil sa sinabi ko.
“Masusunod po, Ma’am.” Nagmamadali siyang tumakbo papunta sa kusina at may kinausap do’n. Klaro kasi ang kusina nila sa glass window kaya nakikita ng customers ang nangyayari sa loob. Go, Miss Manager.
Napasandal ako sa aking upuan at napatingin sa payapang dagat. Wala na akong maisip na-excuse kung ’di ang magpagawa na lang ulit. Hahaba lang ang usapan namin kung magpapaliwanag pa ako, geez!
“Seryoso? Umiiyak na babae? Nakakatakot naman!” Napailing na lang ako nang may masagap na naman ang tainga ko.
Hindi ko na lang ito pinansin at ipinagpatuloy na lang ang naudlot kong pag-check sa mga papeles na natanggap ko thru email. The preparations are almost ready para sa launching ng new product namin ngayong nalalapit na Valentine’s day. After ng photoshoot ni Queenie, na kay Lizzie na ang next command habang wala ako. Malaki ang tiwala ko sa secretary ko kaya kampante akong nakaupo rito ngayon.
Lizzie Legazpi is the daughter of Mr. Lorenzo Legazpi, my grandfather’s right hand. Nang malaman ni Lolo Crisanto na umiinit ang ulo ko dahil sa hindi ako kayang sabayan ng mga secretary ko, ni-recommend niya si Lizzie. Mas matanda ako ng dalawang taon kay Lizzie kaya sa una, hindi ako pumayag. Hanggang sa isang araw, nasa opisina ko na si Lizzie. I didn’t hire her. Sumabak lang siya diretso kapalit ng nag-resign kong secretary.
Sa loob ng limang taon, hindi ko masasabi na naging mabuti akong boss kay Lizzie. Ilang beses ko siyang napagsabihan pero ginawa niya ‘tong reference para mas pagbutihin pa ang kanyang trabaho. Ngayon, hindi lang ako nagkaroon ng magaling na secretary but I also made a friend that I can trust when I’m not around.
Pinatay ko na ang phone ko saktong pagdating ng bago kong kape. Ang Manager ang naghatid sa ’kin at hindi talaga siya umalis hangga’t hindi niya nakikitang ininom ko ang hinatid niyang black coffee. Hindi ko talaga ugali na uminom ng kape na kahahatid pa lang sa ’kin. Pero dahil ayaw kong ma-offend ang Manager na expectant na naghihintay sa tabi ko, uminom na lang ako nang kaunti. Hindi naman ako masamang tao. Alam ko rin naman kung kailan pahalagan ang effort ng iba.
“It tastes good, thank you.” Ngumiti ako sa manager at tuluyan na ngang bumagsak ang balikat niya dahil sa labis na kasiyahan. Pinigilan niya ba ang hininga niya habang umiinom ako? Crap. She’s scaring me.
“Thank you, Ma’am.” Nag-bow siya sa ’kin habang magkahawak ang kanyang mga kamay. “Kung may problema po kayo sa mga pagkain na hinahanda namin, don’t hesitate to ask me. I’ll do my best to satisfy your taste, Miss Catherine.”
Pakiramdam ko ay may bumara sa lalamunan ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kaya nginitian ko na lang siya sabay senyas na p’wede niya na akong iwan. Pasimple kong tiningnan ang suot niyang name plate bago pa siya makaalis. Her name is Karen Manalo. I like her. She looks young pero marunong na siyang humarap sa tao. Medyo sumobra nga lang ang treatment niya sa ‘kin.
I was about to take another sip of my coffee, when my phone rang. May natanggap akong mga files mula kay Lizzie. Ito na siguro ang litrato ng sample product kasama ang new model namin. Sa Monday pa naman ang photoshoot pero nag-request akong padalhan ng picture ni Queenie na suot niya na ang lipstick na i-e-endorse. Nakalimutan ko na kasi ang kabuuhan ng kanyang mukha. All I can remember is the shape of her face and lips.
Nag-reply muna ako kay Lizzie saka tiningnan ang files. Nang makita ko ang laman ng litrato, agad kong nabitawan ang hawak kong tasa. Bumagsak ito sa sahig at lumikha nang malakas na ingay dahilan para mapalingon sa ’kin ang ilang customers dito sa restaurant.
Napatakbo si Karen palapit sa ’kin. Pero saglit ko lang siyang nilingon at itinuon na ulit ang atensyon ko sa babaeng nasa litrato. Sinasabi ko na nga bang pamilyar sa ’kin si Queen. Ahh! Parang may tumusok sa puso ko.
“Ma’am, ayos lang po kayo?” Masyado akong naka-pokus sa mukha ng new model namin kaya parang background na lang ang ingay na nasa paligid ko.
Mariin kong tinitigan ang litrato ni Queenie. Matamis siyang nakangiti sa camera suot ang matte lipstick namin. Ang ngiti niya . . . tulad noong araw na ipinakilala kami ni Arthur sa isa’t isa. Bagay na bagay sa kanya ang new lipstick namin. Kung ipagagamit ko sa kanya ang exclusive new set namin, I swear na babagay rin ito sa kanya. Naiiyak ako. Gusto ko siyang tanggalin ngayon din pero . . . ayaw ko namang magmukhang kontrabida sa career niya. Gosh, literal na natutunaw ang puso ko dahil sa ngiti ni Queenie. Ang sakit ng dibdib ko.
“M-Ma’am?” Napalingon ako kay Karen na nakaluhod na sa may paanan ko.
Nagkalat sa sahig ang basag na mga piraso ng basong nabitiwan ko at hawak na ni Karen ang dust pan para linisin iyon. Nang ma-realize ko ang aking nagawa, agad akong napatayo.
“Oh, gosh! I’m so sorry.” Napalingon sa ’kin ang ilang customers. Mabuti na lang kaunti lang ang kumakain ngayon at halos lahat ay lalaki. Mahirap na at baka may makakilala sa ’kin dito.
Itinaas ko ang suot kong summer dress bago ako lumuhod para tulungan si Karen. Akmang hahawakan ko na ang isang bubog nang may pumigil sa kamay ko. Napatingala ako para tingnan kung sino ‘to.
“Baliw ka ba?”
It was Chase.
Anong ginagawa niya rito? Malamang kumakain. Restaurant ’to, Catherine. Hold up. Sinigawan niya ba ako?
“Ano ba’ng problema mo?” Binawi ko ang kamay ko at humarap ulit sa basag na baso.
“F*ck! Manhid ka ba? Your foot is bleeding.” Hindi ko maintindihan kung galit ba si Chase o nag-alala lang siya sa ’kin. Pero isa lang ang sigurado ako, dumudugo ang kanang paa ko.
“C-Crap!” Biglang nanginig ang aking buong katawan. Takot ako sa dugo! Anong gagawin ko?
Wala rito ang mga kaibigan ko. Wala ang pamilya ko. Wala si Arthur. Kailangan kong dumepende sa iba. Ahh! Ang bigat ng ulo ko. Nahihilo ako sa amoy ng dugo na lumalabas sa sugat ko. Wala akong ibang kakilala rito ngayon maliban kay Chase. Gosh, this is so embarrassing. Ayaw ko! Mas pipiliin ko pa na magpakarga sa iba kaysa sa lalaking ‘to.
“C-Chase . . . “
Huli na nang mapagtanto ko kung kaninong pangalan ang natawag ko. Matalim ang titig na binigay ni Chase sa ’kin dahilan para magsitayuan ang mga balahibo ko sa batok. Napaiwas ako ng tingin. Pakiramdam ko pinapagalitan ako ni Chase sa pamamagitan ng titig niya. Si Karen naman talaga ang plano kong tawagin. Kung ayaw niya, e, ’di huwag!
“K-Karen, p’wede mo ba akong ihatid sa Clinic?” pabulong kong wika.
Sa dinami-rami ng lugar na p’wedeng mangyari ang ganito, ba’t dito pa? Ba’t ngayon pang hindi ko kasama si Arthur? Naramdaman kong biglang sumikip ang dibdib ko. Dumagdag lang si Arthur sa panic na nararamdaman ko ngayon.
Akmang aalalayan na ako ni Karen na tumayo ay saka naman sumingit si Chase sa ’min. Akala ko ba ayaw niya?
“Come here.” Inabot niya ang kanyang kamay sa ’kin pero hindi ko iyon tinanggap. Kay Karen na lang ako, salamat na lang sa lahat.
“Karen, tar―”
Hindi na ako pinatapos ni Chase sa sasabihin ko. In one swift move, karga niya na ako sa kanyang mga bisig. Napakurap ako sa kanyang ginawa at mahina siyang hinampas sa dibdib. Sabi ng kay Karen na lang ako!
“Don’t worry, Miss. Ako na ang bahala sa babaeng ’to.” Guwapong ngumiti si Chase kay Karen at napatango na lang ang dalagang manager sa sinabi niya.
“What the heck are you doing? Put me down!” I whispered while glaring at Chase. Ngumisi lang sa ’kin ang loko at naglakad na palabas ng restaurant papunta sa Clinic ng hotel.
It was a short walk. Katabi lang naman kasi ng restaurant ang Malipay Hotel. Pagdating namin sa loob ng clinic, agad rin kaming sinalubong ng isang babaeng may stethoscope sa leeg. Casual lang ang suot niyang damit. Kaya kung hindi mo habit ang magbasa ng ID, hindi mo malalaman na isa siyang doktor.
“What happened?” May hawak siyang chocolate bar nang salubungin niya kami ni Chase. She’s stout and has curly hair. I’m guessing nasa 40’s na siguro siya base sa kanyang itsura.
“Nasugatan po ng bubog ang paa niya, Doc,” magalang na tugon ni Chase. Ay, wow! Ang bait, ah.
Napatitig si Dr. Ganaba sa mukha ni Chase bago niya ibinaling ang atensyon sa ‘kin. Napalunok ako. Isyu ‘to sigurado. Tinuro niya kami ni Chase at pilyang ngumiti.
“Girlfriend mo?” tanong niya kay Chase. Biglang lumiwanag ang mukha ng kasama ko kaya bago pa man siya makasagot, inunahan ko na siya. Baka kung anu-ano pa ang sabihin ng loko na ’to.
“Hindi ho!” Nginitian ko si Doc, isang pilit na ngiti. “Tinulungan niya lang po ako.”
“Gano’n ba? Seryoso? Hindi talaga kayo?” Ibinaling niya ang atensyon kay Chase. “Hijo, sumagot ka?”
Malapad na napangiti si Chase saka kinindatan si Dr. Ganaba. Napasimangot na lang ako sa kanya saka siya kinurot sa leeg. Ba’t ka kumikindat? May problema ba mata mo, ha!
“You, dumbass . . .” bulong ko. Kahit na bumaon na ang kuko ko sa leeg ni Chase, hindi man lang siya natinag. Ngumiti lang siya sa ‘kin kaya mas lalo lang akong nainis.
“Bagay na bagay kayo. Oh, siya. Lapag mo na ’yang girlfriend mo nang magamot ko na.”
Hindi na ako nakipag-debate pa kay Dr. Ganaba at hinayaan na lang siyang magbigay ng label sa ’min. Bahala na sila ni Chase. Pagod na ako.
Binuksan ni Doktora ang kurtina ng unahang kama. May tatlong kama kasi rito sa Clinic at may mga kurtina na nagsisilbing barrier sa bawat kama. Napakurap ako nang mapansin ko ang batang nakahiga sa kama na dapat puwesto ko, he’s reading a book. Walang emosyon niya kaming nilingon bago umalis.
“Darren, adi imo chocolate. Didto ka nala higda ha urhi nga kama.” Hindi ko masyadong maintindihan ang sinabi ni Dr. Ganaba pero sa tingin ko ay pinalipat niya ’yong bata para dito ako mahiga sa unahan. Tama ba? Argh, ewan.
Naramdaman kong kumilos na si Chase para ilapag ako sa kama. Pero bago niya ako tuluyan na binitawan, hinawakan niya muna ang ulo ko para mailapit ang kanyang bibig sa kaliwa kong tainga. Nanginig ang buong katawan ko nang dumikit ang labi niya sa balat ko. I tried to push him away but he didn’t even budge. Damn, this guy.
“Gusto ko ang pagbaon ng kuko mo sa leeg ko kanina. Gusto mo . . . sa likod ko naman?” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa binulong ni Chase.
“Manyak!” Sinuntok ko siya sa dibdib pero tinawanan niya lang ako. Mayamaya pa’y tuluyan niya na akong nilapag sa kama sabay gulo sa buhok ko.
“Biro lang. Pero ikaw, kung gusto mo—”
“I wouldn’t even dare!” Tinakpan ko ng unan ang aking mukha dahil hindi ko na kaya ang pinaggagagawa ng lalaking ‘to.
“Huwag mo masyadong biruin ang girlfriend mo, Hijo. Sige ka, baka iwan ka niyan,” pananakot ni Dr. Ganaba kay Chase. Hindi niya pa nga ako girlfriend gusto ko na agad siyang iwan.
“Normal lang naman ang sexy jokes sa magkasintahan, Doc,” depensa naman ni Chase. Matalim ko siyang tinitigan pero kinindatan niya lang ako. Napairap ako at napatingin sa aking unahan.
“Excuse me. You’re not even my boyfriend,” deny ko.
Napatigil si Dr. Ganaba sa paglilinis sa sugat ko. Nakaupo sa gilid niya si Chase na umakto pang nagulat sa sinabi ko kahit alam niya naman na ito ang totoo.
“Hindi mo siya girlfriend?” Nagsalubong ang kilay ni Dr. Ganaba. Napakamot si Chase sa batok niya at inosente na napanguso kay Doktora.
“Ah, hindi pala?” tanong niya pabalik. Napapikit si Dr. Ganaba pagkatapos ay malakas na pinalo sa likod si Chase. I burst into laughter. Gulat na gulat si Chase sa ginawa ni Doc, e. Halata rin sa mukha niya na masakit talaga ang hampas na natanggap niya mula kay Doktora. He deserves it.
“Ikaw talagang bata ka!” Ngumisi lang si Chase kay Dr. Ganaba habang hinahaplos ang kanyang likod.
“Umalis ka na rito,” utos ni Doc saka ipinagpatuloy ang paggamot sa sugat ko. Umisod si Chase papalapit sa ’kin at mahigpit na humawak sa aking kama.
“Ayaw ko. Gusto kong sabay kaming labasan.” Gulat kaming napalingon ni Dr. Ganaba sa direksyon ni Chase. Oh, gosh! Pakiramdam ko hihimatayin ako sa lalaking ’to! Baka nabingi lang ako?
“A-Anong sabi mo?” Naniningkit ang mga mata ko habang naghihintay sa sagot ni Chase. Ngumisi siya sa ’kin at parang aso na sumandal sa aking binti.
“I said, gusto kong sabay tayong lalabas. May mali ba sa sinabi ko, Catherine?” He smirked at me. Napamura na lang ako deep inside dahil alam kong sinusubakan lang talaga ng batang ’to ang pasensya ko. Mas malala pa siya kay Elle, sa totoo lang.
Dahil sa walang filter na bunganga ni Chase, hindi na kumibo si Dr. Ganaba hanggang sa matapos niyang gamutin ang sugat ko. Nang masiguro niyang maayos na ang bandage sa paa ko, naglakad siya papunta sa mesa na malapit sa pinto. May kinuha siyang papel at ballpen sa drawer saka hinila ang kanyang swivel chair papalapit sa ’kin. Inalalayan ako ni Chase na maupo sa kama―kahit hindi na kailangan―at naupo na rin siya sa tabi ko. Ang feeling close niya talaga.
“Kuhanin ko lang basic info mo, Miss. Pagkatapos p’wede na kayong umalis.” I nod at Dr. Ganaba. “Pangalan?” tanong niya, nakabitin ang hawak na ballpen sa ere habang hinihintay ang aking sagot. I clear my throat before answering.
“Catherine Grace Diaz.” Sinulat na ni Doktora ang pangalan ko nang bigla siyang mapatigil, banda sa Grace. Nanlaki ang mga mata niya nang iangat niya ang kanyang tingin sa ‘kin. Pilit akong napangiti.
“Oh my gosh! Si Miss Catherine mismo? Ang may-ari ng Grace?” Napasulyap ako sa direksyon ni Chase para alamin ang reaksyon niya. Base sa nakakunot niyang noo . . . Yeah, wala siyang kaalam-alam kung sino ako. Mabuti na lang.
“A-Ako nga ho,” sagot ko kay Doktora at matamis siyang nginitian. Natataranta niyang kinuha ang bag na nakapatong sa kanyang mesa at nilabas ang makeup kit niya. May kinuha siyang lipstick at proud itong ipinakita sa ‘kin. Oh, ito ‘yong custom-made lipstick na libre naming ipinamigay last year during anniversary ng Grace para sa mga customers na tatlong taon na kaming tinatangkilik.
“Lahat ng ginagamit ko tatak-Grace, Ma’am. Gustong-gusto ko talaga ang mga cosmetics niyo. Matagal na po akong solid customer ng Grace!”
Nag-uumapaw ang saya na naramdaman ko pagkatapos kong marinig ang sinabi ni Dr. Ganaba. Natutuwa talaga ako tuwing may mga babaeng nagugustuhan ang produkto namin. Sila naman talaga ang dahilan ba’t nabuo ang Grace. I was inspired by them.
“Maraming salamat po, Doc,” nakangiti kong wika.
“Naku! Kami dapat ang magpasalamat, Ma’am. Isinasaalang-alang niyo ang kalagayan naming mga consumer niyo at nakakatulong pa kayo. Salamat, Ma’am Catherine at sa Grace.” Mahinhing tumawa si Dr. Ganaba.
Hindi na lang ako kumibo at ngiti na lang ang itinugon sa kanya. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Hindi ko inasahan na makakatagpo ko si Dr. Ganaba ngayon. Saglit na katahimikan ang namayani sa silid nang biglang magsalita ang bata na nasa huling kama.
“Lola, ’di ba po birthday mo na next week?” Ah, okay. Apo niya si Darren, akala ko kasi anak niya.
“Naku! Ikaw talaga, Darren,” saway niya sa apo pero halatang natuwa siya sa biglang pag-singit nito. Napangiti ako kay Dr. Ganaba. Nakikita ko sa kanya si Mama.
“Advance happy birthday, Doc,” bati ko.
“Salamat, Ma’am,” nahihiya niyang tugon. “Ituloy na natin, Ma’am Catherine.” She’s pertaining to the paper. Pangalan ko pa lang kasi ang nakasulat dito, may ilang information pang kailangan.
After naming mag-usap ni Dr. Ganaba, parang sira si Chase na kumuha pa ng wheelchair para sa ’kin. Siyempre pinagalitan ko siya at inutusan na ibalik ito. Kaya ngayon, nakabantay siya sa likod ko. Hindi siya humawak sa ‘kin dahil alam niyang hahampasin ko talaga siya.
“Nandito ka ba next week sa birthday mo, Doc?” tanong ko nang makalabas na kami sa clinic. Tumango si Doktora, halata sa mga mata niyang hindi niya inasahan ang tanong ko.
“That’s good,” nakangiti kong saad. Plano ko siyang bigyan ng gold makeup set ng Grace sa araw ng kaarawan niya. Sana magustuhan niya.
“Salamat po, Doc. Alis na kami.” Masayang tumango si Dr. Ganaba sa ‘min at sinundan kami ng tingin hanggang sa exit ng hotel.
Mababaw lang ang sugat sa paa ko pero binigyan pa rin ako ng gamot ni Doktora na ilalagay ko sa sugat for three days. Si Chase may pa-take note pang nalalaman kanina at hinintay niya nga talaga ako kahit na natagalan ang pag-uusap namin ni Doktora. Hindi ko maintindihan ba’t ginagawa niya ‘to. Pero malaki ang pasasalamat ko kay Chase dahil naramdaman kong hindi ako nag-iisa. Nakakainis lang talaga siya most of the time.
Pabalik na kami ngayon sa restaurant para kunin ang mga naiwan kong gamit. He offered to carry me on his back, but I declined. Hindi sa ilalim ng paa ko ang sugat nasa ibabaw. Kaya ko namang maglakad.
“Ito ho ang mga gamit niyo, Ma’am.” Inabot sa ’kin ni Karen ang phone at wallet ko nang dumating kami sa restaurant. Plano niya sana na ibalik ito sa ‘kin ng personal ‘pag nagsara na sila. Mabuti na lang bumalik ako. Malaking abala na ako sa trabaho niya.
“Thank you so much,” tugon ko kay Karen.
Nasa kaligtnaan pa kami ng pag-uusap namin ni Karen tugkol sa menu nila bukas nang biglang may tumawag kay Chase. Saglit akong napalingon sa babaeng kulot ang buhok na tumatakbo papalapit sa direksyon namin saka ko ibinalik ang aking atensyon kay Karen.
“Chase, sa’n ka galing? Kanina ka pa namin hinahanap,” puno ng pag-aalala ang boses ng dalaga nang tumigil ito sa harapan ni Chase. May girlfriend pala siya.