Chapter 4.1

1942 Words
“Chase, sa’n ka galing? Kanina ka pa namin hinahanap,” puno ng pag-aalala ang boses ng babae. May girlfriend pala siya. "Nag-alala ba ang Georgia ko?" nakangiting tanong ni Chase sabay haplos sa buhok ng nobya. Tsk! Ang kapal ng mukhang magpanggap na boyfriend ko kanina, eh, may girlfriend naman pala. Pahamak talaga ang lalaking ‘to. "Sa'n ka galing? Bigla ka na lang nawala," tanong ni Georgia sabay nguso. Blargh, ang cringe. Naaalala ko si Queenie sa kanya. Kailangan ko nang umalis dito. Nagpaalam na ako kay Karen at pasimple na dumaan sa likuran ni Chase. Pero bago pa man ako makalagpas, hinawakan niya ako sa braso. Pinandilatan ko si Chase pero wala sa 'kin ang kanyang atensyon kung ‘di nasa mga kaibigan niya. Sampu siguro silang lahat kasali na si Chase sa bilang. Limang babae at limang lalaki. Ah, right. Next, next week na pala ang Valentine's day kaya siguro nandito sila. Teka, wala na ba silang pasok? "Ihahatid ko muna si Catherine sa kuwarto niya," biglang wika ni Chase. Teka, anong Catherine? Mas matanda ako sa 'yo, oi! "Kaibigan mo?" usisa ni Georgia. "Girlfrie—" Agad kong siniko sa tagiliran si Chase bago pa niya matapos ang sasabihin. Loko talaga siya! Ano ang balak niyang sabihin sa girlfriend niya! Ayaw kong maging dahilan ng breakup nila, ‘no. Konsensya ko pa. "Kanina lang kami nagkakilala," sagot ko sa tanong ni Georgia. "Tinulungan niya ako dahil nasugatan ang paa ko pero kaya ko na naman ang sarili ko. Hindi ko na kailangan ng tulong, Chase." Nakangiti ako kay Chase pero may bakas ng pagbubugaw sa mukha ko. Sana naman makuha ng lalaking ‘to ang nais kong iparating. Hindi ko naman p’wedeng sabihin directly na ayaw kong samahan niya ako. Magmumukha lang akong masama rito. "Naku, hindi po. Kailangan n’yo pa rin ng alalay. Hihintayin na lang po namin dito si Chase." Nilingon ni Georgia ang nobyo at sumenyas na ihatid na ako. Napapikit na lang ako dala ng pagpipigil na hindi na patulan pa ang mga estudyanteng ‘to. As I have said, nagpunta ako rito para mag-relax at makalimot ng mag-isa. Pero simula nang makatagpo ko ‘tong Chase na ‘to, kung sino-sino na lang ang nakakausap ko. Iminulat ko ang aking mga mata at matamis na nginitian si Georgia. “Thank you.” Napipilitan na lang ako rito. Mas magiging madali ang lahat kung hindi na ako makikipagtalo. “No worries, Ma’am.” Pasimpleng sumulyap si Georgia kay Chase na nasa ‘kin ang tingin. Mahinhin siyang ngumiti habang nakatingin sa nobyo sabay lagay ng ilang hibla ng buhok sa likod ng kanyang tainga. Ah, now I get it. Hindi pala para sa ‘kin ang ginawa niya kung ‘di para rin sa sarili niya. She wants to act nice in front of her boyfriend. Tsk-tsk. Pagkatapos magpaalam ni Chase sa mga kaibigan niya, sinamahan niya na ako papunta sa hotel room ko. Hindi man lang siya nagulat nang malaman niyang nasa exclusive floor ako. Pakiramdam ko tuloy wala siyang pakialam sa status ko. Kanina pa siya walang reaksyon sa clinic, eh. “Dito na ako.” Tumigil kami sa tapat ng aking kuwarto. “Umm,” tugon ni Chase. Naniningkit ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. He’s not moving. “Anong ‘umm’? P’wede ka nang umalis.” Mahina siyang natawa dahil sa sinabi ko. I couldn’t help but to frown at him. May nakakatawa ba sa sinabi ko? “May nakalimutan kang sabihin.” Pinagkrus ni Chase ang mga braso sa kanyang dibdib saka sumandal sa kahoy na pinto. Napatitig ako sa guwapo niyang mukha, nag-iisip kung ano nga ba ang nakalimutan kong sabihin. Nang mapagtanto ko kung ano ang nais na marinig ni Chase, natawa na lang ako sa sarili ko. Yeah, may nakalimutan nga ako. Napasandal na rin ako sa pinto at tinitigan ng diretso si Chase habang nakangiti. Magkaharap lang ang mukha namin pero sapat naman ang distansiya namin sa isa’t isa. Kahit na ang kulit niya ngayong araw, he did help me a lot. Dinala niya ako sa clinic, sinamahan niya ako na kunin ang gamit ko sa restaurant, tapos inihinatid niya pa talaga ako rito sa hotel room ko. Hindi niya ako iniwan. Bigla na lang siyang sumulpot sa eksena at inagaw ang atensyon ko tulad ni . . .  Arthur. Kagaya ng ginawa ni Arthur eight years ago. Naramdaman ko na naman ang paninikip ng dibdib ko. Memorya ko pa hanggang ngayon ang lahat ng ginawa namin ni Arthur no’n. Sa hundred percent na capacity ng utak ko, eighty percent nito ang memories ko kasama si Arthur. Kaya hirap akong bumitaw. Naka-tattoo na si Arthur sa puso’t isip ko. “Salamat . . .” pabulong kong wika. Habang nakatingin ako ngayon sa maamong mukha ni Chase, si Arthur ang nasa isip ko. I miss him. I really miss him. I miss him so much it hurts. "Do you need any help?" biglang tanong ni Chase habang seryosong nakatingin sa ‘kin. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Naihatid mo na ako, that's enough already. Maraming salamat sa tulong mo," wika ko. "Sa ibang bagay . . . baka may maitulong ako,” seryoso ang tono ni Chase. Nawala na ang palabiro niyang aura. Mahina akong tumawa para naman buhayin ang atmosphere sa pagitan namin. "Paano mo naman nasabing kailangan ko ang tulong mo sa ibang bagay?" tanong ko sa kanya. Nagkibit-balikat si Chase. "Nahalata ko, eh.  Nagpunta ka rito para makalimot." Sa pagkakataong ito, sumeryoso na ang itsura ko. Napangiti si Chase nang makita ang aking reaksyon. P-Paano niya napansin? "Ikaw 'yong umiiyak ka gab—" Mabilis kong tinakpan ang bibig ni Chase bago pa man niya matapos ang sasabihin. Damn, this guy! Baka may makarinig sa 'min! Pinakiramdaman ko ang aking paligid kung may iba pa bang tao rito sa exclusive floor maliban sa 'min ni Chase. Mahirap na baka paglabas ko bukas pagtitinginan na ‘ko ng mga tao or worse. Baka kumalat ‘to online na, I, Catherine Grace Diaz, ang may-ari ng Grace, ay desperada pa rin sa ex-boyfriend ko kahit na ikakasal na ito sa iba. Kilala ako ng lahat bilang strong and independent woman. Hindi madaling magpadala sa emosyon at higit sa lahat matured sa pag-handle ng mga sitwasyon. Kapag kumalat ang balita na narito ako sa isang isla para lang mag-move on at umabot ito kay Arthur, hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Maliban sa ingay na nagmumula sa labas, wala ng ibang ingay na nasagap ang tainga ko sa paligid namin. I sigh in relief. Mukhang kami nga lang ang tao rito ngayon. Lumabas din siguro ‘yong babae sa isang exclusive room. Mabuti naman. Ilalayo ko na sana ang kamay ko kay Chase―dahil safe zone naman ang paligid namin―nang bigla niyang dilaan ang palad ko. Napaatras ako, hawak ang kamay kong may laway niya. Loko talaga siya! "What the heck is wrong with you!" Napangisi siya sa ‘kin habang suot ang ‘sang madilim na ekspresyon. Kinikilabutan na ako sa kanya, ha! "Hindi ko maintindihan pero gustong-gusto ko ang kamay mo.” Napangiti siya sa ‘kin. Biglang umiba ang templa ng itsura ko dahil sa aking narinig. I clench my teeth and, with all I got, I kick him in the stomach. Napadaing si Chase. Sumisigaw ang mukha niya ng tulong habang nakahawak siya sa kanyang tiyan. Napaluhod na siya sa harapan ko pero wala akong maramdamang awa sa kanya. Bagay lang sa kanya ‘yan, ‘no. "I don't need your help,” mariin kong wika. I’m dead serious right now. Tiningala niya ako saglit saka siya napaubo. Ha! Gusto niya ba akong makonsensya! As if mako―napaubo ulit si Chase. Fine! Medyo nakokonsensya na ako. Napalakas yata ang sipa ko sa kanya. "D-Don't worr―aray . . .” Napadaing siya pero pinilit kong maging matigas ang puso ko. Nagawa ko na, eh! Wala ng atrasan ‘to! “Grabe ang lakas mong sumipa. Mas malakas pa sa Redhorse,” natatawa niyang wika habang nasa lapag pa rin. Nalukot ang mukha ko sa paghahambing na sinabi niya pero mas tinawanan niya lang ako. “Biro lang.” Ngumisi si Chase sabay taas ng kanyang mga kamay sa ere. Nanatili ang ekspresyon sa mukha ko. Galit ako. Itinayo na niya ang sarili at tuwid na tumayo sa aking harapan. Bumakat sa suot niyang white t-shirt ang tama ng flip flops ko kaya hindi ko napigilan na mapangisi. Napalakas nga ang sipa ko. Nginitian ako ni Chase habang pinapagpagan ang kanyang damit. Nang matapos siya, tinitigan niya ako ng diretso suot ang kaparehong ekspresyon ng bida sa Hari ng Sablay. Hindi convincing. “Hindi ako manyak kung ito man ang iniisip mo sa ‘kin, Catheri―” “Ate Catherine,” pagtatama ko pero hindi niya ‘to pinansin. “Special lang talaga ako, Cath. Don’t worry wala akong gagawing masama sa iy―” “You already did,” singit ko ulit suot na ang aking resting b***h face. Again, hindi na naman ako pinansin ni Chase. “I just want to help you. Ano G?" Nag-thumbs up siya sa ‘kin pero tinitigan ko lang siya. Ilang beses siyang kumurap habang hinihintay ang magiging tugon ko. Sa pustura niya ngayon para siyang may binebenta sa ‘kin at pinipilit akong bumili. Hays, boys. Napabuntonghininga ako at inipon ang lahat ng lakas ko sa katawan. Kalma, Catherine. “Ano? Oks ba?” Masigla akong nginitian ni Chase. I glare at him. "Anong ‘oks’! Anong ‘hindi manyak’! Kahapon ka pa!" Hindi ko na napigilan na mapasigaw. Ahh, napuno na ako. Napakurap si Chase dahil sa ginawa kong pagsabog. Hindi makapaniwala niya akong nginitian hanggang sa ang ngiti niya ay naging halakhak. "Nakakatuwa talaga ang mga expressions mo!” Hinampas niya ako sa balikat habang tumatawa na labis kong ikinagulat. Kanina abot-langit ang pasasalamat ko sa mga ginawa niya para sa ‘kin pero ngayon quits na kami! Wala na akong utang loob sa manyak na ‘to! Humarap na ako sa pinto at kinuha ang card key sa wallet ko. Bahala siyang mamatay riyan sa katatawa. “Oi, teka, teka!” Hinarang niya ang sarili sa pinto at pilyong ngumiti sa ‘kin. “Hindi pa tayo tapos.” Nasapo ko na lang ang noo ko dahil hindi ko na kaya ang kakulitan ng lalaking ‘to. "Why can’t you just leave me alone?" tanong ko sa kanya. "I can't. Hindi ko kayang makita kang apektado pa rin sa gusto mong takasan. Naranasan ko nang masaktan tulad mo, Cath. Halata sa kilos mo na nahihirapan kang bumitaw kaya narito ako para tumulong," paliwanag niya. I sigh at him. "Umalis ka na," wika ko sabay tulak sa kanya. Mabuti na lang at hindi na siya humarang ulit dahil kamao ko na talaga ang makakaharap niya. Binuksan ko na ang pinto at pumasok sa loob. Hinarap ko si Chase na nanatiling nakatayo sa labas habang nakatingin sa ‘kin. I really thought na pipilitan niya akong papasukin siya, but he didn’t. Oh, well. Sa yate pa naman talaga nalilito na ako sa ugali ng lalaking ‘to. “Salamat ul―” "Gamitin mo ako para makalimot, Catherine Grace." Natahimik ako dahil sa aking narinig. Tumatambol ang puso ko habang nakatingin ako sa pursigidong mukha ni Chase. Baliw na siya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD