Isang litrato ng babaeng nakatingin sa kanyang mga palad ang kaharap ko ngayon. Nakalagay ang litratong ito sa parisukat na frame at may nakalagay na sulat in bold and gold letters sa ibaba na ‘CHOICES. Black and white ang kulay ng litrato, hindi katulad ng ilan nitong katabi na may matitingkad na mga kulay. Pero sa tingin ko, mas naging agaw-atensyon lang ito dahil dito. Ang kulay na itim at puti ay sapat na para malaman ng viewers na naguguluhan ang dalaga sa pipiliin nitong desisyon. “Ang ganda, ‘di ba?” Napalingon ako sa lalaking nakatayo sa tabi ko. Uyam akong napaiwas ng tingin nang makilala ko kung sino siya. He’s Maynard Palma, ang thirty-year-old photographer na sikat sa mga nakukuha nitong litrato sa lihim na buhay ng mga artista. Ba’t siya nandito? Ba’t niya ba ako kinaka

