Chapter 5.2

1547 Words
"A-Alis nga!" utos ko pero umiling lang siya sabay patong ng kanyang noo sa 'kin. Tuluyan na akong nanigas habang nakatingin ako sa mga mata ni Chase. Nabibingi ako sa ingay ng puso ko. Pakiramdam ko magkaka-heart attack ako! Plus, naduduling ako. Tae naman! "Catherine . . ." sambit niya. Screw this position! Naaamoy ko ang brand ng toothpaste ng lokong ‘to! Pepsodent! Sinubukan kong itulak palayo si Chase pero walang epekto. Parang sinubukan kong itulak ang kotse ko noong nasiraan ito. Hindi man lang umisod kahit konti. Suko na ako! Napapikit na lang ako habang nakalapat ang mga kamay ko sa didbib ni Chase. Hindi ko siya matulak. Wala na akong choice rito. "Heh." I sense Chase smirked at me. Iminulat ko ang kaliwa kong mata at nakita kong wala na siya sa ibabaw ko. Nakatayo na siya habang pinapagpagan ang sarili. Nang matapos siya saka niya ako tinulungan na makatayo. What just happened? Nang magkaharap kami, wala sa sarili akong napahawak sa tuwalya ni Chase na puno na ng buhangin. Binawi niya 'to saka pinagpagan bago ibinalik sa balikat ko. Nauna na siyang naglakad, at ewan ko kung bakit, sumunod naman ako sa kanya. “Wala ka pala, eh,” rinig kong bulong niya. Tumaginting ang mga tainga ko dahil sa kanyang sinabi. “Anong sabi mo!” Hudyat ang tanong ko para mapatakbo palayo si Chase. Hinabol ko siya habang pinagbabato gamit ang tsinelas ko. Tinawanan niya lang ako at sinalo lang ang mga ‘to. Argh, tatanda ako agad dahil sa lalaking ‘to! Narating namin ni Chase ang entrance ng hotel na parehong hinahabol ang aming hininga. I can’t believe pinatulan ko na naman ang kakulitan niya. Sumakit tuloy ang tagiliran ko dahil sa pagtakbo. “That was fun!” bulalas ni Chase. Matalim ko siyang nilingon habang nakatukod ang mga kamay ko sa aking tuhod. Napailing na lang ako at tuwid na tumayo. Ayaw ko na. Gusto ko nang bumalik sa kuwarto ko. Ibabalik ko na sana kay Chase ang tuwalya pero binato niya lang ako ng matalim na tingin. Hindi ako nagpatalo at tinaasan ko siya ng kilay. I'm older than you, kiddo. Baka nakakalimutan mo. Napabuntonghininga si Chase saka lumapit sa 'kin. Lumingon muna siya sa paligid saka bumulong sa tainga ko. "Plano mo bang pumasok sa hotel na naka-two-piece lang? Kasi ako ayaw ko," bulong niya. Pakiramdam ko may kung anong switch na bumukas sa loob ko dahil sa sinabi ni Chase. Napayuko ako at mas hinigpitan pa ang aking pagkakahawak sa tuwalya. Crap! Nakalimutan ko 'yong mga damit ko sa cottage at ‘yong surfboard ko! "Kasalanan mo 'to . . ." bulong ko. "Huh? Hindi ako ang nagsuot sa 'yo niya—" "Nakalimutan ko ang mga gamit ko dahil kinausap mo ako!" Yeah, I'm putting the blame on him. Kung hindi ko siya hinabol, hindi sana napunta sa kanya ang atensyon ko. Hindi lang sana ako naka-two-piece ngayon! Napangiti sa 'kin si Chase saka kinurot ang pisngi ko. "Don't worry. I'll go get them for you, but . . ." Nakapameywang siyang tumayo sa harapan ko. "Sa ayaw at sa gusto mo tutulungan kitang makalimot." Eh? Listahan ng dahilan ang kailangan ko hindi pamimilit niya. Gusto kong marinig ang iba pang dahilan kung ba't niya ako gustong matulungan. Hindi lang sapat na gusto niya akong makabitaw sa nakaraan ko. Invalid din ang dahilan na may gusto siya sa ‘kin. It’s easier said than done, hmp! "Ba't ganyan itsura mo? Kahawig mo na si Margaret dahil diyan sa paglubo ng cheeks mo." Tinusok-tusok ni Chase ang pisngi ko kaya napasimangot ako. "Maganda ba si Margaret?" seryoso kong tanong. "Maganda siya. Siya ang paboritong unggoy ng kapatid ko sa Manila Zoo." Isang malakas na sipa ang pinakawalan ko at direkta itong tumama sa tagiliran ni Chase. Gag* 'to! "Biro lang! Ito naman!" Tumawa siya habang hinihimas ang parteng tinamaan ko. "Pero totoo si Margaret, ha. Anyways, kunin ko lang ang mga gamit mo. Hintayin mo ako rito." Akmang tatalikod na si Chase nang mapatigil siya. Mariin niya akong tinitigan sabay ayos sa tuwalyang nakabalot sa 'kin. Napansin niya siguro na nakikita ang strap ng bra ko. Sheesh, biglang naging gentleman. "Hintayin mo ako rito, okay? Sandali lang ako." Napaiwas ako ng tingin saka tumungo. Naramdaman kong napangiti si Chase dahil sa ginawa ko. Excuse me. I'm not doing this for him. I'm doing this for myself. Nasa top floor ang silid ko at hindi maiiwasan na may makakasalubong ako o makakasabay sa elevator papunta ro’n. Mas mabuting maging maingat. Mabilis ding nakabalik si Chase dala na ang mga gamit ko. Iginiya niya ako papunta sa isang sulok kung saan wala masyadong napapadaang tao at nagsilbing pader ko. Hindi ko maintindihan kung ano’ng point ng pagharang niya sa 'kin. E, ipapatong ko lang naman 'to sa two-piece ko. Nawala na tuloy ang pagka-inis ko sa kanya. Natatawa ako sa ginagawa ng lalaking 'to. "I'm done." Humarap si Chase sa 'kin. Napangiti siya nang makitang nakabihis na ako sabay tap sa aking ulo. This kid is playing with me. "Oks na. Ngayon, samahan na kitang makalimutan ang ex mo." Ngumisi si Chase. "Hindi pa ak—" "Sa ayaw at sa gusto mo, Catherine." Mas lumapad ang ngiti niya. Napailing na lang ako habang nakatingin sa guwapo niyang mukha. I guess sapat nang dahilan ang pagiging mapilit niya para pumayag ako kahit hindi niya naman talaga tinanong kong pumapayag ba talaga ako. Thank you very much, Chase. Na-appreciate ko talaga ang ginagawa mo. Please note the sarcasm. Wala na rin namang problema kay Georgia dahil wala naman silang relasyon. Dagdag pa, wala naman akong nararamdaman para sa lalaking 'to. Ito na ang desisyon ko. Tatanggapin ko ang nakalahad na kamay ni Chase, umaasang sa paraan na 'to maibitaw ko ang kamay kong nakahawak pa rin kay Arthur. "Fine. Akyat na muna ako sa taas, nilalamig na ako," saad ko sa kanya. Lumiwanag ang mukha ni Chase pagkatapos na marinig ang aking sinabi. "Yes! Hindi mo 'to pagsisihin, Catherine. I'll do my best!" Nanigas ako nang bigla niya akong yakapin. Agad din niya naman ako pinakawalan. Pero hindi niya na napansin ang naging reaksyon ko dahil sa labis niyang kasiyahan. Hindi ko namalayang napapangiti na pala ako. "Ah! Right! Mamayang gabi sabay kang kumain sa 'min ng mga kaibigan ko. First step mo 'to," ani Chase. May pag-aalinlangan sa loob ko, pero sa huli tumango na lang ako sa kanya. Kain lang naman, 'di ba? What could possibly go wrong? Pagkatapos kong maligo, nanatili lang ako sa kuwarto ko at natulog lang maghapon. Dito ko na inubos ang oras ko habang hinihintay ko ang oras na sinabi ni Chase. Exactly 6 PM, bumaba na ako para magpunta sa Lipay Restaurant. Naka-white shorts at loose shirt lang ako para naman hindi ko masyadong maramdaman na malayo ang edad ko sa kanila. Nang makapasok ako sa restaurant, agad ko ring natanaw si Chase. May kausap siya, ang blonde hair niyang kaklase na medyo macho ang katawan, nang mamataan niya ako. Kumaway siya sa 'kin. "Dito, Cath!" Pilit ko siyang nginitian saka ako naglakad papalapit sa kanila. Napataas ang kilay ni Georgia nang makita ako. Pero agad din siyang ngumiti nang maalalang nasa harapan niya si Chase. Oh, nakalimutan ko. Nandito rin pala 'yong tatlong umakyat sa yate ko. Ang sama ng tingin nila sa 'kin, ah. Ang isang babaeng kasama lang nila ang normal tumitig. Wala akong problema sa boys. Halata naman sa itsura nilang masaya sila sa pagdating ko. Umalis si Chase sa upuan niya at ako ang pinaupo rito. Nasa dulong bahagi ako kaya si Chase lang ang katabi ko habang ang kaharap ko naman ay si Georgia. Great. "Friends, si Catherine nga pala," simula ni Chase at nakangiti akong tinuro. "Hi," sabay nilang bati sa 'kin. Geez, halata na napipilitan lang ‘yong tatlo na batiin ako. Anyway, hindi lang naman sila ang nandito. Mag-focus na lang tayo sa mababait. "Hello," nakangiti kong tugon. Mas lalong lumapad ang ngiti ni Chase habang nakatingin sa ‘kin. Ang saya-saya niya, ah. Pagkatapos kong magpakilala, isa-isa na ipinakilala ni Chase ang mga kaibigan niya. 'Yong tatlong member ng The Beaches ay sina Joan―ang leader, si Rosie―ang right hand, at si Annie. Ang pangalan naman ng kausap ni Chase kanina ay Paul. Ang may hikaw sa kaliwang tenga ay si Lester. Si Ben naman ang medyo chubby at si Anthony naman ang madaldal sa barkada. Ang babaeng normal tumingin sa 'kin ay si Judy. Siya raw ang medyo best friend ni Chase. I didn't know na may medyo best friend pa lang friendship. Pagkatapos ng introduction ay saktong pagdating ng order nilang pagkain. I felt out of place habang naghahapunan kami. Ang topic kasi ng mga kaibigan ni Chase ay tungkol sa kurso nila. Hindi naman ako maka-relate sa engineering kaya nanahimik na lang ako. Hanggang sa nagkayayaan na silang uminom. Tuwing gabi pala nagiging bar 'tong restaurant. Hindi ako na-inform. "Guys! Spin the bottle tayo!" suhestiyon ni Paul na agad din na sinang-ayunan ng lahat. Napasandal na lang ako sa upuan ko habang pinagmamasdan sila nang biglang tumutok sa direksyon ko ang ulo ng bote. Napatingin silang lahat sa ‘kin. Uh, kasali pala ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD