"Hey, I can wait. I told you, I'll do anything to win your heart, Catherine Grace." Damn. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa lalaking 'to. Napaigtad ako nang bigla akong halikan ni Chase sa noo, sunod sa kilay at tungki ng aking ilong. Nanginginig ang buong katawan ko habang hawak-hawak niya ang mga kamay ko. Pakiramdam ko kaunti na lang ay bibigay na ang puso. My conscience yelled at me. 'Bibigay sa ano, Cath?' Hindi ko rin alam. Naguguluhan ako. Sa tingin ko, hindi lang sa presensya ni Chase ako nasasanay kung 'di pati na rin sa ipinaparamdam niya sa 'kin. Kaya nahihirapan akong magpaalam sa isla na ito dahil . . . ito ang nagsisilbing koneksyon ko kay Chase. Maybe . . . f*ck. Alam kong mali ito pero bakit ganito ang t***k ng puso ko para sa lalaking 'to? "God, I want to kiss you r

