“Maraming salamat sa pagbisita n’yo, Ma’am Catherine. Bisita ho kayo ulit, ha?” Napangiti ako dahil sa sinabi ni Leslie. Nandito kami ngayon sa labas ng bakery nila, nagpapaalam na sa isa’t isa dahil kailangan na naming makabalik sa Manila. Karga-karga ni Leslie si Amber na mahimbing ang tulog sa kanyang mga bisig habang nakatayo naman sa likuran niya si Ace hawak-hawak ang kamay ni Alexa. Kompleto ang buong pamilya nila na magpapaalam sa amin. They look cute. Mapapansin mo talaga kung gaano kaganda ang relasyon nila sa isa’t isa dahil sa hospitality na ipinapakita nila sa amin ni Chase. Maganda rin naman ang relasyon ng pamilya namin. Masaya at mabuti ring makitungo sa ibang tao ang buong angkan ko. Kaya kung magkaroon man ako ng pamilya, sana katulad din ng kina Leslie at sa pamilya

