Chapter 14.1

1604 Words

Nagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa phone ko. Nang tingnan ko kung sino ang tumatawag, naibato ko na lang ito sa paanan ko dahil sa labis na pagkadismaya. Akala ko si Chase, si Yurii lang pala. Lintik. Ibinaon ko ang ulo ko sa unan, umaasa na titigil din ang ingay any minute now pero wala. Nakalimutan kong hindi pala titigil si Yurii hangga't hindi siya umabot ng 100 missed call. Napakabait talaga nitong kaibigan ko, ano? Napaupo ako sa kama at padabog na sinagot ang tawag. "Ano?" bungad ko. Sa tono pa lang ng boses ko halata nang hindi maganda ang gising ko. Argh! "Woah! Easy, darling. Ba’t ang init ng ulo mo? Anyway, totoo ba ang nabalitaan ko? Nakabitaw ka na raw sa ex mong si Arturo?" May bakas ng pagkatuwa sa boses ni Yurii. "Yeah, 'yon lang ba? Patayin ko na, ha," saad ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD