“Happy birthday, happy birthday. Happy birthday, Catherine!” Nagpalakpakan ang mga customers dito sa Merry Pub pagkatapos na marinig ang performance ng dalawa kong kaibigan. Napailing na lang ako habang pinagmamasdan silang kumakaway-kaway pa bago naupo sa kanilang upuan. “Ano’ng nakakatawa, ha?” tanong ni Yurii nang mapansin ang aking tahimik na paghagikgik. “Oi, Catherine. Pinaghandaan namin ‘yon, nagpraktis talaga kami!” Tuluyan na akong napahalakhak nang marinig ko ang sinabi ni Elle. Napasimangot sila nang makita ang mukha ko saka marahan akong sinabunutan. Napadaing ako pero hindi ko pa rin napigilan ang sarili na matawa. “Oo na! Titigil na!” natatawa kong wika sabay palo sa mga kamay nila na nakahawak sa buhok ko. “Next time, sa birthday ko, ako naman ang kantahan n’yo, ha.

