Chapter 7.1

1780 Words
Alas-otso ng umaga namin narating ang Brgy. Mahayag. Makipot ang sementong daan papunta sa bukid kung sa’n located ang kuweba kaya kailangan naming iiwan ang van sa baranggay hall. May kasama naman kaming guide ngayon papunta sa Masirom Cave—si Onaldo. Siya ang inatasan ng baranggay na sumama sa ‘min. I think ka-edad lang siya nila Anthony. “Ayos ka lang?” Napalingon ako kay Chase na kanina pa hinihilot ang kanyang leeg. Twenty minutes pa lang kaming naglalakad. May forty minutes pa dahil isang oras ang estimated time bago namin marating ang kuweba. Napangiti si Chase sa ‘kin. “Umm, ayos lang ako. Medyo namanhid lang ang batok ko.” Napalingon sa ‘min si Georgia nang marinig ang sinabi ng katabi ko. Mabilis siyang lumapit sa tabi ni Chase saka binuksan ang unang bulsa ng kanyang bag. Nice. Girl scout, ah. May pa salonpas. “Ito, Chase.” Nakangiti niyang inabot ang patch. Walang pag-aalinlangan naman itong tinanggap ni Chase saka ibinigay sa ‘kin. Naguguluhan ko siyang tiningnan. “Lagay mo sa batok ko, please.” Ngumuso siya kaya wala sa sarili kong kinurot ang kanyang pisngi. Hindi dahil sa ang cute niyang tingnan kaya ko ‘to nagawa. Naiinis lang talaga ako sa mukha niya. “Talikod,” utos ko pero umiling lang si Chase. Nauna na sila Paul sa ‘min kasama si Onaldo. Kasama naman namin si Nonoy, ang nakababatang kapatid niya, kaya ayos lang kahit mahuli kami. Isa lang din naman ang direksyon ng daan at may mga sign naman sa paligid na magsisilbing guide rin namin. Kaya imposibleng maligaw pa kami rito. “Huwag nang matigas ang ulo. Talikod na. Bilis,” utos ko kay Chase. Parang bata siyang umiling kaya napahilot na ako sa sentido ko. Inaatake na naman siya ng pagiging insensitive niya. Pasimple kong nilingon si Georgia para alamin ang reaksyon nito. Nakatayo lang siya sa gilid namin habang nakatingin kay Chase. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya, agad din siyang napaiwas ng tingin at naupo na lang sa tabi ni Judy. Apat pa kami rito. Napagod na kasi si Judy kaya nagpahinga muna siya. Ibinalik ko ang aking atensyon kay Chase. “Oi, ano ba?” reklamo ko habang nakatingala sa kanya. He bends his knees para magkapantay ang mukha namin. Then, he smiled. “Ilagay mo na,” saad niya. Napasimangot ako. “Gusto mo ba akong pahirapan?” “Gusto kong nakikita ang mukha mo.” Napatigil ako dahil sa sinabi niya. Pero imbes na kiligin, iba ang ginawa ko. Nagmartsa ako papunta sa likod ni Chase at mabilis na idinikit sa kanyang leeg ang salonpas. Tinapik ko siya sa balikat para ipaalam na tapos na ako. Pagkatapos, tinawag ko na si Nonoy para makahabol na kami kina Anthony. Naglalaro ang bata sa gilid ng daan, nabagot na siguro dahil ang tagal namin. Ito kasing si Chase ang daming arte. “Ugh, ang hirap talaga kapag witty ang pinopormahn mo,” rinig kong bulong niya mula sa likuran ko. Naglalakad na kami ngayon at nasa unahan namin si Nonoy. Napangisi ako kay Chase. Akala niya siguro makakapuntos siya sa ‘kin. Sorry siya. Pagkatapos ng isang oras na paglalakad, narating din namin ang b****a ng kuweba. Napagkasunduan namin na magpahinga na muna bago pumasok sa loob kaya pumili kami ng mauupuan dito sa labas. Napalingon ako sa kuweba na nasa likuran namin. Ang perpekto ng hugis nito at may hagdan papasok sa loob. May mga sementong upuan at mesa naman dito sa labas na p’wedeng upuan ng mga bumibisitang turista tulad namin. Pinili kong maupo kasama si Judy―puno na kasi sila Georgia sa kabila―nang bigla akong lapitan ni Chase. “Inom,” utos niya sabay abot sa ‘kin ng hawak niyang tumbler. “Mayro’n akong dala,” tugon ko sabay pakita sa kanya ng sarili kong lalagyan. May kinuha pa akong isa at ibinigay ito kina Onaldo. Wala kasi silang dala. Mabuti na lang at nagdala ako ng extra. “Maraming salamat po, Ma’am,” wika sa ‘kin ni Onaldo. Napangiti ako sa kanya. “May dala rin kaming merienda. Sabay na kayo sa ‘min,” paanyaya ko sa kanila. Saglit na napatingin sila Onaldo sa direksyon nila Joan bago ako sinagot. Nakataas ang kilay nilang apat habang nakatingin sa magkapatid na naging guide namin. Hays, mukhang hindi si Chase ang dahilan kung ba’t kumukulo ang dugo nila sa ‘kin. Inborn na siguro silang ganito sa lahat. Tingnan mo pati inosenteng mga tao, dinadamay nila sa init ng kanilang ulo. Tsk! “Onaldo . . .” sambit ko hawak-hawak ang sandwich na ginawa ko kanina. “H-Huwag na ho, Ma’am,” nahihiya niyang sabi. “Sige ka. Magagalit si Kuya Chase n’yo kapag hindi kayo sumabay sa ‘min,” pananakot ko pero nakangiti naman ako sa kanila. Sabay silang napatingin sa lalaking nakaupo sa tabi ko. Uminom muna si Chase saka sila nginitian. “Oo, magagalit ako. Ah, galit na ako.” Halatang pinipeke lang ni Chase ang tono ng kanyang boses. Pero masaya ako dahil pinakisamahan niya ako. “A-Ayos lang po bang kumain kami kasabay n’yo, Ma’am?” nauutal na tanong ni Onaldo. Biglang dumating ang ibang kalalakihan naming kasama. Umalis sila para umiihi pero si Chase nagpaiwan para samahan kami. Naguguluhan na napatingin si Anthony kay Onaldo. “Kain? Siyempre p’wede! Na, na, mag-merienda na muna tayo!” masigla niyang wika sa lahat. Wala nang nagawa sila Joan kundi ang sumunod na lang sa takbo ng mga pangyayari. Napuno ng kulitan ang simple naming salo-salo dahil sa mga kuwento ni Anthony. Habang kumakain naman kami, aktibo naman si Paul nakunan kami ng mga litrato. It’s really fun. Pagkatapos naming magligpit, pumasok na kami sa kuweba. Hindi naman masyadong madilim sa loob at ang hagdan ay hanggang b****a lang pala. Hindi pa masyadong developed ang kuweba kaya naman amoy na amoy namin ang ipot ng mga paniki. Pero wala akong masabi sa mga rock formation dito, ang gaganda. Marami-rami na rin ang nakuha kong litrato. Ipapakita ko ‘to kina Yurii. I’m sure magugustuhan nila ‘to. “Puro bato na ang laman ng gallery mo. Akin na nga ang phone mo,” bagot na saad ng ‘sang tao mula sa likuran ko. Napasimangot ako nang makita ang mukha ni Chase. Kinuha niya ang phone na hawak ko sabay tulak sa ‘kin papunta sa isang sulok. Tapos na siguro silang mag-picture taking ng mga kaibigan niya kaya buhay ko na naman ang naisip niyang guluhin. Ayos din naman dahil kailangan ko rin ng photographer. Napalingon ako sa hugis-puso na mga bato sa aking likuran. Dahil siguro sa mga minerals, kumikinang-kinang pa ang mga ‘to. They’re pretty. Sa gitna ako pinatayo ni Chase saka siya umatras, hawak-hawak ang phone ko. “Smile,” wika niya at itinutok sa ‘kin ang camera. Isang pilit na ngiti ang sumilay sa ‘king labi kaya napangiwi si Chase. “Ang pangit. Isa pa,” wika niya. Nakasimangot na ako ngayon dahil sa kanyang sinabi. “Ngiti ka naman diyan, Catherine!” utos niya. Bumilang siya ng tatlo at kinunan ulit ako ng litrato pero para akong ikukulong sa kuha niya. Napailing na lang si Chase. Nakatayo na ako sa tabi niya at tinitingnan din ang mga kuha ko. Ang pangit nga ng pictures ko. Ano ba ‘yan! Nahihirapan kasi akong ngumiti dahil ang talim ng tingin nila Joan sa ‘kin. Nagpi-picture taking din sila pero ang atensyon nila nasa amin ni Chase. Kung nakakapatay lang ang titig, kanina pa siguro ako nilagutan ng hininga dito. “Okay, isa pa. Labas na tayo pagkatapos nito,” wika ni Chase. Pinabalik niya ako sa puwesto ko kanina at sumunod naman ako. “On three, ngiti ka, ha,” utos niya at hinarap na sa ‘kin ang camera. Kailangan kong magkaroon ng maayos nakuha kahit isa lang. Kakalimutan ko na muna sila Joan. Gusto ko ng maayos nakuha! Ang ganda ng mga kuha ko sa magazine baka isipin ng iba na edited lang ang ganda ko. You can do this, Cath! “One . . . two . . . I love you.” Smile, Cat—what? Hindi ko na naituloy ang plano ko dahil sa sinabi ni Chase. Napatingin lang ako sa nakangiti niyang mukha habang pinapakiramdam ang malakas na pagtibok ng aking puso. Napatingin na sa ‘min sila Paul at bakas sa mga mukha nila ang labis na pagkabigla dahil sa sinabi ng kanilang kaibigan. Ibinaba na ni Chase ang phone ko at tiningnan ang outcome ng kuha niya. Hindi niya man lang napansin ang titig naming lahat sa kanya. “Aish, sa internet effective ‘yong pagbilang na gano’n. Ba’t sa ‘yo hindi?” Napaangat na ang tingin ni Chase. Napakunot ang noo niya nang mapansin na natahimik kaming lahat. “Ano’ng nangyari?” naguguluhan niyang tanong sa ‘min. Nakahinga nang maluwag sila Anthony nang mapagtanto nila na ginaya lang ni Chase sa internet ang sinabi niya sa ‘kin. “Loko ka, p’re,” natatawang wika ni Anthony. Nagsalubong lang ang kilay ni Chase dahil sa sinabi ng kaibigan niya at nagkibit-balikat na lang. Hindi rin kami nagtagal sa loob dahil hindi na matiis nila Joan ang amoy ng kuweba. Pagkatapos naming mag-group photo, sinimulan din namin agad na maglakad pababa. Nasa kalagitnaan na kami ng daan nang maramdaman kong biglang sumakit ang paa ko. Crap, naka-sapatos kasi ako. Hindi makahinga ang sugat ko. Agad akong nilapitan ni Chase at sumenyas kay Anthony na mauna na lang sila sa ‘min. Nag-thumbs up lang siya at sumunod na sila kay Onaldo. Naiwan naman si Nonoy kasama namin ni Chase. Siya ang magsisilbing guide namin pabalik. Nag-aalala akong nilapitan ng bata at tinulangan si Chase na tanggalin ang suot kong sapatos. Tumambad sa kanila ang sugat ko. Maayos pa naman ang bandage na nilagay ko rito kaninang umaga pero nagpumilit pa rin si Chase na palitan ito. Mabuti na lang at dala ko ang gamot na binigay ni Dr. Ganaba. “You’re all good,” wika ni Chase nang matapos siya sabay haplos sa paa ko. “Ngayon, dahil baka gabihin tayo rito, isasakay na lang kita sa likod ko.” “I can walk,” automatik kong depensa sa kanya. Chase shushed me. “Maawa ka naman kay Nonoy, Cath.” Nilahad niya sa ‘kin si Nonoy habang tumatango-tango pa. Napadaing na lang ako dahil alam kong may punto si Chase at alam kong wala akong choice ngayon kundi ang sundin siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD