JUN-REY TINANGKO SINAMA KO SI Ate Flame sa school ulit namin dahil foundation day. Kaya pwede din mga outsiders, “Ayos ka lang ba ate?” Tanong ko dito. Napansin ko kasing nakatingin ito sa loob ng classroom namin. “Bakit ganyan ang upuan niyo?” Tanong nito na kina gulat ko. Bakit ngayon lang ba siya naka kita ng ganitong upuan? “Ah kasi ate luma na po ‘yan, iba po sira na rin kaya minsan nag dadala ang ibang mga student ng upuan nila..” sagot ko dito. “Hirap kayo sa gamit sa school? Hindi ba nag po-provide ang lokal na pamahalaan?” Tanong nito. Bakit marami siyang alam sa ganito, ang alam ko kapag may amnesia ang isang tao ultimo maliit na bagay nakakalimutan ng meron nito. Pero bakit sa isang katulad ni ate Flame? Parang wala naman itong amnesia? “Wala daw po kasing budget saka po i

