VLADIMIR VALENCIA LAVISTRE Kinasa ko ang baril ko at bumaba ako ng sasakyan ko. Dahil nasa harapan ko ang tauhan ng Los Trados. “Hindi ba marunong tumigil ang mga ito?” Tanong ni Demitri sa akin. “Mataas ang pride nila hindi nila gagawin ang bagay na ‘yan..” sagot ko. Napa lingon ako sa likod ng mapag tanto ko na isa itong malaking TRAPPED. “Hindi niyo gugustuhin kapag ang Los Trados ang makalaban niyo! Wala kayo ngayong leader kaya pilay kayo!” Naka ngising wika ng lalaki. Nilingon ko si Demitri tumango ito at bumalik sa kanyang sasakyan. “Boss 6 o’clock behind naka abang ako! Si Ava ito!” Narinig kong wika ni Ava ang bago naming sniper. Magaling na ito ngayon mas magaling pa dahil sa tinu-turuan ito ni Lance. “Good..” sagot ko. “Ibaba niyo ng kamay niyo! Walang kikilos lahat ng bar

