Chapter 24-SilBerium

2513 Words

Alam ko na ang dahilan ng lahat. Paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko ang mga lihim na hindi man sinabi ng time keeper ay pinahiwatig naman niya sa maraming paraan. Ang book keeper ang tanging rare keeper na may kakayang humawak ng dark book na siyang makakahuli sa mga awakened beings na nabuhay noong blood moon. Kailangan namin siya para tuluyan nang matapos ang paghahasik ng lagim ng mga tumidos pati na ang mga awakened beings. Sumagi sa isip ko ang mga sinabi ni Nicali Sin noong unang araw na nakaengkwentro namin ito. Hindi ba't may binanggit siyang sumpa na kailangang mapigilan kaya gusto niyang tapusin mismo sina Lara at Laurent? Kung gano'n, sa kagustuhan naming mapigilan ang itim na propesiya, kaakibat nito ang paparating na sumpa na nagbabadya sa katapusan ng lahat ng lahi ng keepe

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD