Tatlong malalakas na kalabog pa ang sumunod bago ko binuksan ang pintuan. Hinigpitan ko ang tali sa suot kong roba sabay napahalukipkip nang bumungad ang seryosong mukha ni Priam Cloud. Bakas sa mga mata nito ang magkahalong pagkatuliro at pag-aalala. Pinasadahan pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa parang isang bagay na sinusuri sa isang laboratoryo "What's wrong?" naguguluhan kong tingin. "Lara," biglang sumingit mula sa likuran si Alvis kasunod ni Nicali Sin na kababakasan din ng pagkabalisa. "Where is Laurent?" mariing tanong ni Priam saka ikinalat ang tingin sa buong kwarto. Nilingon ko rin ang buong kwarto at hinanap kung nasaan ang lalaki. Wala ito sa loob ng silid kaya napakunot ako ng noo at biglang naguluhan? "What is happening?" nalilito kong tanong. Nagpalipat-lipat ako

