Chapter 2-A Test of Friendship

2798 Words
"P-Priam Cloud?" taka kong tanong sa binanggit na pangalan ni Amber. Naririnig ko na ang pangalan nito dati pa sa mga subjects namin pero hindi ko alam kung anong kakayahan nito at ganoon na lang ang takot ni Amber. "I-isa siyang yelo na tinubuan ng buhay. That jerk! Taga Westeros siya at siya ang pinakabatang naging mercenary keeper sa kasaysayan ng Cairos. He was abducted at a very young age at halos lagpasan niya ang kakayahan ng mga mas nakakatanda sa kanya during his pre-ordainment test. He's someone to fear for." Tila nabato si Amber sa kinatatayuan habang nakatitig saamin si Priam Cloud. Ibinaling ko ang tingin sa lalaking nakasuot ng kulay itim na leather jacket na may high-neck at hide-away hood na nakatingin din saamin. Nagmistulan itong isang laruang walang buhay at halos hindi gumalaw sa kinatatayuan. Nang umiwas ako ng tingin ay saktong dumapo ang sulyap ko sa gilid ng platform. Nakabalandra ang mga walang malay na keeper na kasabayan namin ni Amber sa pre-ordainment. "Amber, s-sa tingin ko ay tayo ang pinakahuling dumating. N-natalo na ng lalaking 'yon ang mga kasama natin sa pagsusulit." Kaagad namang napansin ni Amber ang mga nakahandusay na keepers sa ibaba ng platform. Nakita ko ang pagsaklob ng takot sa mukha nito. Kasunod no'n ay humawak ito sa aking palad saka nagsalita. "Lara, hindi na tayo pwedeng umatras. Imagine mo na lang nasa Typraz tayo. Parang Battle at Typraz two point 'O'. Naniniwala akong tayo parin ang mga reyna ng kaswertehan. Sana." Alam kong pampalubag loob lang 'yon ni Amber. Naramdaman ko ang bahagyang panginginig ng palad nito habang nakahawak saakin. Hindi rin nito lubusang naitago ang panginginig ng gilid ng mga labi habang nagsasalita at pinipilit ngumiti. Pero nandoon na kami. Hindi na namin kailangang palagpasin ang pagkakataon para maging isang ganap na mercemary keeper. Hindi pwedeng masayang ang dalawang taong pag-eensayo namin sa loob lang ng dalawang minuto. "Let's do this," ani Amber saka ako tinapunan ng seryosong tingin. "Let's do it!" Halos magkasabay ang paghakbang namin habang tumatakbo pasugod sa unang gate. Ilang metro bago namin marating ang unang gate ay tumubo mula sa lupa ang mga higanteng pitcher plant o urceus na isang metro ang laki. May mga kamay ito na napapalibutan ng tinik at may malaking pangil sa bungangang halos sakop ang buong ulo. "Urceus! Huwag mong tatangkaing hawakan o hahayaang mahawakan ka ng mga yan Lara! Nakakalason ang kanilang mga kamay kasama na ang kanilang laway." Huwag mong lalapitan!" Malakas na sigaw ni Amber bilang babala. Sabay kaming natigil sa tangkang pagpasok sa unang gate. Binuo ko na ang electric ball of fire na gawa sa magkahalo kong keeps bilang paghahanda sa aking pag-atake. "Acidum bullae!" Amber cast her spell. Mula sa mamasa-masang damo'y lumitaw ang daan-daang mga bula na nagmistulang pinakuluan dahil umuusok ang mga ito. "New spell. Gawa sa tubig at asido ang mga bulang yan. Mga halaman ang kalaban kaya kailangan nating diligan." Amber never failed to amaze me. Sa loob ng dalawang taon namin sa academy ay marami na itong napatunayan. Halos kabisado na niya lahat ng spell at kaya na niyang makipagsabayan sa iba pang witches. Kaya na rin niyang mag-cast ng spell na walang ginagamit na magic wand. Kaya ito napasali sa mga listahan ng initiates na isasabak para maging ordained keeper dahil sa ipinamalas niyang galing sa loob ng dalawang taon. Nakatayo lang kami limang metro mula sa mga nakaharang na oceus habang naglalakbay palapit ang mga acid bubbles ni Amber. Pigil ang paghinga ko habang pinapanood ang kaganapan. Ilang saglit pa ay binuka na ng mga oceus ang kanilang mga bunganga para kainin ang mga umuusok na bula. Amber gestured and raised her left hand. Hinuha ko'y isahang ibabagsak nito ang mga acid bubbles. Slowly and confidently, she cast, "Gutta stilla!" Bumagsak sa mga halaman na parang malalaking patak ng ulan ang mga asidong bula ni Amber. Kinain ng mga oceus ang mga bulagsak na bula samantalang sinunog ng mga asido ang paligid ng mga pitcher plant kaya pati mga ugat nito ay nasunog din. Nalusaw na parang yelo ang mga oceus. "Such a no brainer test." Nakapameywang pa ang babae habang pinagmamasdan ang pagbukas ng unang gate. "Pero kung pa-welcome remarks nila 'yon, pwede na. Lara, let's go!" I voluntarily diffused the flame in my hand at sumunod sa naglalakad na si Amber. Dalawang gates pa at haharapin ko na ang pinakamahirap na pagsubok -ang chief commander ng mercenary guild -si Priam Cloud. Nakapasok na kami sa unang gate. Nakadalawang hakbang palang kami at dalawampong metro pa lang ang layo namin sa ikalawang gate ay sumulpot mula sa gate ang isang malaking itim na serpente. Tantiya ko tatlumpong talampakan ang haba nito at kaya kaming pagsabaying kainin ni Amber. "Ang serpent of death!" Bulalas ni Amber pagkatapos ay nagpalabas ito ng magkakambal na energy ball. Nang marinig kong ang serpent of death nga ang nakabantay sa second gate ay bigla akong umiwas ng tingin sa mga mapupula nitong mata. Sa oras kasi na titigan ko ang mga 'yon ay mapaparalisa ang buo kong katawan at pagkakataon na 'yon ng higanteng serpente na sakmalin ako at gawing hapunan. Napaatras ako at tumakbo paikot. Nasa magkabilaang dako na kami ni Amber at halatang handa na ito sa pagsugod. Wala akong sinayang na oras. Pinalakbay ko ang aking support energy sa aking mga bisig saka bumuo ng isang bola ng enerhiyang ibabato ko sa katawan ni Amber para mas lalong lumakas ito at lumiksi. Pinagsama ko ang dalawang support energy balls na nasa magkabila kong kamay. Nang masiguro kong sakto na ang enerhiyang naroon ay saka ako bumwelo patalikod at inihagis na parang isang bola ang hawak ko patungo kay Amber. Nagulat pa ang babae nang makita nito ang paparating na energy ball. Tumama ito sa dibdib niya at kumalat sa buong katawan nito ang ibinigay ko. Naramdaman marahil ni Amber ang ibayong lakas na dulot ng bolang tinanggap nito. Mula sa isang mumunting energy water ball ay dumoble ang lakas at laki ng hawak niya. "Hah!" Sigaw ni Amber sabay ibinagsak ang hawak na bola ng tubig sa lupa. Isang pagsabog ang nagawa nito at pagkatapos ay bumulusok ang napakaraming fountain sa paligid. Nagulat ako sa nakita. Bago 'yon mula kay Amber. Inabangan ko kung anong susunod nitong gagawin pagkatapos nitong palabasin ang nag-uumapaw na tubig mula sa ilalim ng lupa. Nakataas ang dalawang kamay ni Amber habang sumasayaw pataas ang mga fountain na pinalabas niya. Ito na marahil ang bunga ng ilang buwang training niya kay Mistress Fhaun. Maya-maya ay bumulusok ang malakas na tubig sa paanan ni Amber dahilan para lumutang ito at parang binubuhat na ng malakas na agos ng tubig. Pumalibot sa kanya ang mga malalaking habin ng tubig hanggang sa parang nasa loob na ito ng hawla. "Sssssshhhhk!" Nakakabinging tugon ng higanteng serpente. Mabilis itong kumilos patungo kay Amber. Pero naharangan ako ng humahampas na buntot ng halimaw. Kaagad napansin ni Amber ang pagsugod ng halimaw kaya ikinumpas nito ang mga kamay paikot. Umikot ding parang isang higanteng ipu-ipo ang tubig na nakapaligid sa kanya. Isang water vortex ang nabuo niya! Sigaw ng utak ko habang pinagmamasdan si Amber sa loob ng water vortex. Malakas ang naging paggalaw paikot ng tubig hanggang sa makabuo ito ng matulis na dulo na parang isang higanteng patalim na gawa sa tubig. Naglakbay ang water vortex patungo sa paparating na serpente. Ilang saglit pa ay nagbanggan ang ulo ng serpent of death at ang matulis na dulo ng vortex. Tumagal 'yon ng ilang segundo at halos lunurin ang higanteng serpente. Sa kalagitnaan ng gitgitan ng kapangyarihan ni Amber at ng serpente ay sinamantala ko ang pagpapakawala ng magkahalong keeps sa aking mga kamay. Pinaghalo ko ang fire, light at wind keeps sa aking mga braso hanggang sa lumabas ang mga hibla ng apoy at kuryente sa aking mga palad. Mabilis akong tumakbo patungo sa buntot ng serpente. Niyakap ko ito at pinalakas ang apoy at kuryente na halos lumabas sa buo kong katawan. Napasigaw ako ng malakas dahil sa sobrang hapdi na dulot ng apoy at kuryente. Inasahan ko na 'yon. Pinaakyat ko pa sa katawan ng halimaw ang nakakakuryenteng apoy mula sa aking katawan. Iwinasiwas ako ng buntot nito pero hinigpitan ko ang yakap hanggang sa ibalibag ako nito sa lupa. Hindi ako bumitiw. Bigla, tumigil sa pag-atake si Amber. Bumalik sa ilalim ng lupa ang tubig. Nagulat ako at mabilis na hinagilap ang babae. "Amber!" Hindi ako narinig nito. Nakatayo lamang si Amber at tila estatwang hindi makagalaw. Naparalisa ang babae. Sasakmalin na siya ng halimaw. Sa pagbuka ng bunganga ng halimaw ay agad kong napagtantong sasakmalin na nga si Amber ng serpente. "Amber! No!" Halos mabingi ang buong paligid sa lakas ng boses ko. Sinikap ko saklolohan si Amber. Mabilis kong tinakbo ang kinalalagyan nito habang nakaabang ang isang malaking energy ball sa aking mga kamay. Narinig ko pa ang malakas na pagsagitsit ng halimaw kasabay ng paglabas ng mahaba nitong dila. Nang akmang sasakmalin na siya ng halimaw ay mabilis kong binalot ng healing energy ang katawan ko at malakas na tumalon para yakapin si Amber. Nagawa ko ring balutin ang katawan niya ng healing energy bago ko naramdaman ang malagkit na laway ng serpenteng sumakmal saamin. Nakakasuka ang amoy ng bunganga nito at tila isang lawa ng asido ang lalamunan niya. Maalinsangan. Isahang lunok lang ang ginawa ng serpente hanggang sa maramdaman ko ang pagsagi ng mga lamang loob nito sa aking balat. Nakayakap ako kay Amber na hindi parin kumikilos. Pikit man ang mga mata ko, alam kong ilang saglit na lang ay tutunawin na kami ng tiyan nito. Kailangan kong makuha ang water keep ni Amber. Hindi magtatagal ay mauubos na ang healing energy na nakapalibot saamin at susunugin na kami ng asidong dumadaloy sa bituka ng halimaw. Matatapos na ang lahat mg pinaghirapan namin kapag nangyari 'yon. Mahigpit ang naging pagyakap ko sa kaibigan ko. Siya na lang ang natitira kong kaibigan. Nawala si Laurent. Laging nasa misyon si Alvis bilang miyembro ng Knight's Order. Si Silex ay nasa isang misyon din bilang isang ganap na bounty hunter. Si Cael at Kaiser ay abala sa mga tungkulin sa palasyo. Si Amber na para ko na ring kapatid. Siya ang lagi kong sinasabihan ng mga litanya ko, ang lagi kong karamay, tagapagligtas at tagapagtanggol. Hindi ko hahayaang mawala siya. "Amber, gumising ka." Bulong ko sa kanya habang nakayakap parin at inaanod kami ng likidong nasa loob ng serpente. Napapikit uli ako. Naramdaman ko ang kabog ng dibdib ni Amber. Dinama ko ang likuran nito at tila buhay ang kanyang keep. Hinigop ng aking mga palad ang kanyang water keep at mabilis na hinalo sa aking wind keep. Pinalakas ko pa ang kombinasyon ng aming properties hanggang sa maramdaman ko ang pagtugon ni Amber. Bumulusok ang lamig sa aming paligid. Pinalibutan kami ng yelo hanggang sa hindi ko na maramdaman ang mainit na tiyan ng serpente. Hindi doon natigil ang lahat. Ikinalat ko ang yelong lumalabas sa aking mga kamay at sinigurong bawat kalamnan ng serpente ay magyeyelo. Limang minuto, natigil sa paggalaw ang halimaw. Hinuha ko'y tuluyang naging yelo na ito. Sa isang pitik ng aking mga daliri ay nagsimulang mabiyak ang yelong bumabalot saamin ni Amber. Nakarinig ako ng tunog ng mga nadudurog na yelo. Parang ginigiba ang buong paligid at gumuguho na ang katawan ng naging yelong serpente. Tapos na ang ikalawang gate. Nagawa namin. "Amber, ligtas na tayo." Bulong ko sa nakayuko at nakayakap saakin na si Amber. "I know right..." matamlay nitong sabi, "Lara, I really hate snakes. Takot na takot talaga ako sa mga ahas kaya nabato ako kanina. I'm sorry." "Tahan na. May third gate pa. Pero ako na ang bahala." "Hearthopia?" Angil nito. May natitira pa palang lakas ang babae pagkatapos ng pag-atake nito. "Hanggang platform, haharapin natin si Priam." *** Nangyari nga ang kagustuhan ni Amber. Sa tulong ng unison raid at nagapi namin ang ilang libong higanteng insekto sa third gate. Naging malakas ang kombinasyon ng aming kapangyarihan at nagawa naming tapusin ang mga halimaw sa gate na 'yon. Muntik pa akong malason dahil sa kagat ng gagamba pero naagapan sa tulong ng poku bag ni Amber. Halos umabot kami ng isang oras bago matapos ang third gate at tuluyan kaming pagbuksan nito. Kapwa na kami hinihingal ni Amber nang pasukin namin ang ikatlong gate. Sumalubong ang malamlam at malamig na mga mata ng chief commander ng mercenary guild. Siya ang isa sa pinakamataas sa mga hukbo sa buong Cairos. Ni hindi nito nagawang magbago ng reaksyon sa mukha nang harapin namin siya ni Amber. Nakahalukipkip lang ang mga bisig nito at parang walang ganang nakamasid saamin habang hinahangin ang magulo nitong buhok. "Anong property meron siya Amber?" Bulong ko sa katabi nang makabawi ako sa hingal. "Water. Wind. Light." tipid na sagot ni Amber na nagsimula na namang kabahan. Nagulat ako sa naging sagot niya. "Isang tri-keeper? May tri-keeper ba talaga?" "Siya. Tri-keeper na kalahati mg total keeper. Insecure yan sayo Lara kasi isa kang total keeper. Anim ang hawak mo samantalang kalahati lang ng properties ang meron siya. Marahil ay ang pagiging total keeper mo ang naging dahilan kung bakit siya ang nasa ikalimang location." Amber explained as she tried to control her trembling voice. "W-what do you mean?" "Kung napapansin mo, simula location one hanggang four ay hinaharangan ka na ng mga halimaw. Sinisiguro nilang hindi mo makuha ang unang apat na golden stone nang sa gano'n ay sa ikalimang golden stone ka mapunta at makaharap mo ang tri-keeper na yan. He wants to test you Lara." "Sa anong dahilan? Saka paano natin matatalo yan? It's suicidal!" Malakas kong sabi nang marinig ang paliwanag ni Amber na naisip kong possibleng ganoon nga. "Hindi ko kayang talunin ang isang yan at p-" "Try." He cut me off. His gaze did not change even his facial expression. Gano'n parin ang itsura nito. Blanko -singlamig ng yelo. "K-kasali ako diba?" Singit ni Amber na nagawang harapin ng diretso ang chief. "No." Tipid uli nitong sabi. May pagkasuplado nga at tama ang sinabi ni Amber na isa itong yelong nagkaroon ng buhay. "Bakit? Kaibigan ko si Lara at hindi ako papayag na i-torture mo siya!" Umandar ang kasungitan ni Amber. Naalala ko kung paano ito makipagsagutan kay Laurent dati. Parang ganoon din sa lalaking ito. "You already have the stone. So back off." Masungit nitong sabi. Unang beses na nag-iba ang ekspresyon nito. I saw his jaw tightened. Mukhang naaasar na. "Amber." Tinapik ko sa likod si Amber. Maluha-luha ang mga mata nito. Nakita ko sa mga mata niya ang takot at pangamba. Tila sa pinapahiwatig ng mukha nito ay nasa bingit na ako ng kamatayan at ayaw niya akong iwan. "Lara, hindi pwede. He will kill you." "He can't. Remember?" "Papahirapan ka niya. Hindi-" "Frost! Don't waste my time!" Tumaas ang boses ni Priam. Tila isa 'yong malakas na kidlat na nakakakilabot. Galit na siya. Nagkatinginan pa kami ni Amber. "Amber, alam mong hindi na ako kagaya ng dating Lara -mahina, matatakutin at laging palpak. Kaya ko 'to." I faked my expression. Pinalabas kong hindi ako takot at matapang kong haharapin ang chief commander. "Keep the golden stone at sisiguraduhin kong makukuha ko sa lalaking yan ang nararapat para saakin. Okay?" Parang batang napatango si Amber pero hindi natanggal sa mukha nito ang pangamba. Yumakap pa ito saakin bago umalis sa ikalimang lokasyon. Nang muli kong harapin ang lalaki ay nakababa na ang mga bisig nito mula sa pagkakahalukipkip. Nanghahamon ang mga mata nito at bahagyang nakangisi ang kaliwang dulo ng kanyang bibig. Tila may masama nga siyang binabalak at pinaghandaan niya ito. "So, ikaw ang anak ng haring Holoma at ang huling total keeper?" He said noncommital. Mahirap basahin kung ano ang nasa isip nito. Tumango ako at kinuyom ang aking kanang palad. "That will not be considered. You will get what you deserve." Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ay biglang kumislap ang asul nitong mata. Naghanda ako. Sinubukan kong buhayin ang anim kong keeps sa aking katawan. Hindi nangyari. Walang lumabas. Wala akong maramdamang enerhiya. Nakatitig parin ito saakin at napansin ko ang pag-angat uli ng kanyang ngisi. His gaze -petrifying and almost burrying me alive. Hindi ko magawang kontrolin ang aking keeps! Wala na akong kapangyarihan. Wala akong maramdaman ni isa sa anim na properties sa aking katawan. "A-anong nangyayari? Anong ginawa mo?!" ***_**** urceus -latin word for pitcher. In Cairos they are the deadliest plants to have ever creted by dark keeps. Usually described as plants with huge fangs built on it's head and with live hands surrounded by poisonous tentacles. tri-keepers-three keeper. A keeper who wields three of the six vital elements. Like the total keepers, these type of keepers as very rare.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD