Chapter 1-Pre-Ordainment Test

2564 Words
LARA Naramdaman ko ang pagdiin ng matulis na bakal sa kanang bahagi ng aking leeg. Natigil ang aking paghinga. Parang sa isang maling kilos ko at isang maling galaw ay tutuluyan na ako ng kung sino man ang may hawak ng patalim na 'yon. Napapikit ako, alam kong wala na akong takas at wala nang ibang paraan kundi ang lumaban. Marahan akong dumampot ng mamasa-masang tumpok ng lupa gamit ang kaliwa kong palad. Siniguro kong hindi mapapansin ng kalaban ang aking paggalaw. Napahinga ako ng malalim. Naramdaman ko ang muling pagdiin ng patalim na nagbabadya sa aking buhay. Kasunod noon ay ang panunuot ng kirot sa sugatan kong leeg. Dumaloy ang mainit na likido mula sa sugat pababa sa aking katawan habang nararamdaman ko parin ang sakit. Wala nang oras. Ilang sandali na lang ay lalabas na ang golden stone sa dako doon. Kailangan kong pumasa. Isa. Dalawa. Tatlo! I ducked down para maiiwas ang katawan ko sa nakatutok na patalim. Then I took a swift pivot keeping my hips in balance. Paglingon ko ay pababa na at sasaksakin na ako ng espadang kanina'y nakaabang sa leeg ko. Mabilis kong naitungkod ang kanan kong kamay patalikod at hinagis sa mukha ng nakamantong nilalang ang nadampot kong putik. Sapol sa mukha ang kalaban kaya napuwing ito at pansamantalang nabulag. Sa pagkakataong 'yon ay agaran kong binuo ang energy ball sa aking magkabilang palad at malakas na hinagis ang mga ito sa nalilitong kalaban. Tumilapon ito ilang metro mula sa kinalalagyan ko. Halos masilaw naman ang lahat ng naroon nang biglang lumitaw ang golden stone of gemini ilang segundo matapos kong pabagsakin pa ang dalawang giant orcs na nagtangkang paslangin ako. Natigil sa pakikipagbakbakan ang apat pang keepers at mabilis na nag-unahan upang hulihin ang nakalutang na golden stone. Sinundan ng mga orcs at armored skeletons ang mga nag-unahang keepers. Ang pinakahuli sa nga nagtatakbuhang apat na keeper ay nasapol sa kaliwang binti nito. Dinumog siya ng nga skeletons at pinagtataga hanggang sa mawalan ng buhay. Isa pang lalaking keeper ang hinarang ng mga orcs. Mabilis nitong naipreno ang dalawang paa at kaagad na sumiklab ang air whip sa magkabila niyang palad. Hinagisan ng lalaking wind keeper ng isang malakas na air whip ang mga nakaharang na orcs at mabilis na naitaboy ang kalaban. Ang hindi niya alam ay may mga nakasunod sa kanyang armored skeletons na may hawak na crossbow. Bago pa ito makalingon upang patamaan ang mga kalansay ay mabilis nang nakapaglakbay sa ere ang mga bala ng crossbow o bolt patungo sa kinaroonan niya. Hindi ko natiis na panoorin ang p*****n sa huling pagsubok. Halos wala pang isang segundo nang makita ko ang paglipad ng mga bolt patungo sa dibdib ng lalaki ay lumabas ang magkakambal na apoy sa aking kanang palad. Mabilis kong naihagis patungo sa mga bala ang apoy na nagmistulang mga kometang nahati sa sampo. Bago pa dumikit ang dulo ng bolt sa balat ng lalaki at nalusaw na ang mga ito. Nilingon ako ng lalaking wind keeper at balewalang kumaripas ng takbo papuntang golden stone. Napukaw ang atensyon ng mga kalansay at orcs sa lalaki. Nabaling ito saakin. Halos sabay-sabay silang napatingin sa dako ko at tinutukan ng mga crossbow. Nililipol ng tatlong natitirang keeper ang mga orcs habang ako'y halos palibutan na ng mga armored skeletons o mga osseus -mga kalansay na binuhay ng isang makapangyarihang potion na marahil ay galing sa magic council. Kilala silang mga mabibilis at mahirap pataying nilalang na nakakulong lamang sa Garon Forest. Napahinga ako ng malalim. Mabilis kong binalot ng isang malakas na apoy ang aking katawan. Kinuyom ko ang aking palad bilang hudyat na handa na ako sa kung anong pwedeng mangyari. Kung kaya ko lang tawagin ang isa sa anim kong keeps, marahil ay matagal na akong natapos sa pagsusulit na 'to. Pero hindi ko kaya. Hindi na gaya ng dati ang lahat. Narinig ko ang sabay-sabay na pagtunog ng hinilang bolt sa crossbow. Papaulanan ako ng bala. Hindi ako nagkamali. Pinaulanan ako ng bolts mula sa crossbow pero kaagad ko yung naharangan ng malakas na whirlwind defense. I wielded three. Nagmistulang mga dahong nilipad ng malakas na hangin ang mga bala. Kaagad namang nakabawi ang mga hindi natinag na kalansay at agad nagpaulan pa ng mga bolts. Ang nakakagulat ay nahati sa tatlo ang bawat bolt na pinakawalan ng mga ito at ang iba'y may kakayahang lumusot sa whirlwind defense na nagawa ko. Hindi ko inakala ang mga sumunod na pangyayari. Mabilis akong umatras at lumiyad pababa para maiwasan ang mga naglipanang bala. Naisandal ko ang aking mga kamay sa lupa upang mapigilang bumagsak ang katawan ko. Nang matantiya kong wala nang mga bala ay saka ako mabilis na bumalikwas mula sa pagkakaliyad at lumuhod sa maputik na lupa. Pinadaloy ko ang magkahalong fire at earth keep sa aking kanang paa at saka ito iginuhit ng pabilog sa putikan. Sa paglalakbay ng aking paa paikot ay mabilis na lumalabas ang mga metallic shards na nababalot ng apoy patungo sa mga kalansay. Nagmistulang isang combo attack ang nagyari dahil pinaulanan ko ang mga kalaban na mabilis namang namatay. Wala akong tinira ni isa man sa kanila pati na ang mga orcs. Nang tangkain kong kunin ang golden stone of gemini ay halos gumuho ang mundo ko nang makita hawak na ito ng isang malakas na earth keeper na si Tanya. Tanda ko siya noong Olympics sa Race to Gemini habang kinakalaban ang halimaw kasama si Laurent at ang iba pang kalahok. Ang pagkakaalam ko'y ikalawang subok na niya ito para maging isang ordained keeper. Mabuti at pumasa na siya ngayon. Nagkatinginan kami nito. Tumango ako at siya nama'y ngumisi ng makahulugan habang hawak ang golden stone of gemini. Walang salitang namutawi sa bibig nito bago umalis ng walang kibo. She has something against me. Naalala kong simula nang bumalik kami mula sa pakikipaglaban sa mga tenebris at gawaran ng academy ng parangal dahil sa aming kabayanihan, nagbago na ang trato ng iba saamin. Mas lalo pang uniwas ang ibang novice keeper nang malaman nilang anak ako ng hari. Hindi ganoon dati si Tanya. Hindi man kami naging malapit sa isa't isa ay nagngingitian naman kami tuwing magkakasalubong o magkakabungguan. Hindi ko alam kung anong nagawa ko para iwasan niya ako. Dinaan ko na lang sa buntong hininga ang lahat. Ilang minuto bago makaalis si tanya at ang iba pang keepers sa lugar na 'yon ay bigla akong naalarma. Apat na golden stone na ang nakuha! Isa na lang ang natitira! Nataranta ako. Halos lumundag ako sa pagtakbo patungo sa ikalimang lokasyon ng golden stone. Ang ikalima, ang pinakamahirap dahil lahat ng mga natitirang keepers ay maglalaban para sa natitirang batong 'yon kasabay ng mga halimaw na inilagak ng testing committee. Kumaripas ako ng takbo. Sana sa puntong ito ay nakuha na ni Amber ang isa sa apat na bato. Kahit isa man lang saamin ang pumasa sa pagsusulit na 'to. Kapag hindi ako pumasa ngayon, isang taon pa ang hihintayin ko bago makasabak muli sa pre-ordainment test. Iniisip kong baka maging bounty hunter na lang ako o maging isang assassin, mahanap ko lang si Laurent. Hindi lang matatapos sa iisang numero ang mga plano ko, kapag nabigo ako dito kailangang sumubok pa ng ibang alternatibo. Hindi ako titigil hanggat hindi ko siya nakikita! "Ipaglalaban kita!" Biglang sigaw ng bibig ko habang tumatakbo sa kalagitnaan ng masukal na kagubatan ng Garon. *** "Lara! Oh gosh hanggang ngayon ba ay hindi ka parin marunong lumipad?" "Amber?" Nagliwanag ang mga mata ko nang lingunin ko si Amber lulan ng isang magical broom. Mabilis ako nitong naabutan saka binagalan ang lipad ng walis nito para makasakay ako. "Bilisan natin! Iisa na lang ang natitirang golden stone ng gemini! Kailangan mong makuha 'yon! Ang pagiging ganap mong mercenary keeper ang tangi mong susi para mahanap si amang Laurent!" halos hindi magkumayaw na sabi ni Amber bago nagsimulang paliparin uli ang walis. "Nakakuha ka na ba?" Ang golden stone ang ibig kong sabihin. Saglit na natahimik si Amber bago nagsalita. "Ako pa? Siyempre Amber knows best!" Malakas nitong sabi sabay pinaharurot ng mabilis ang walis tingting nito. "Now Lara, this is your chance!" Nabuhayan ako ng loob sa sinabi ni Amber. Atleast panatag na ako na isa nang ganap na mercenary keeper ang matalik kong kaibigan pagkatapos ng pagsusulit na 'to. Kailangan ko nang kunin ang nararapat saakin. Napahigpit ang hawak ko sa walis. Ilang minuto na lang ay nasa ikalimang lokasyon na kami. Ilang metro bago kami makarating sa kinaroroonan ng ikalimang golden stone ay hinarang pa kami ng sampong giant ogres. Halos hindi kami palusutin sa daan ng nga ito dahilan para lumiko si Amber. Sa kasamaang palad ay hinarang uli kami ng lima pang giants. Napalibutan kami at hindi na makausad. "Oh gosh! Simula hanggang sa huling pagsusulit, umeeksena ang mga higanteng 'to!" reklamo ni Amber habang nakalutang kami sa ere at pinapalibutan ng mga higante. Bumalik na naman sa alaala ko kung paano ako tinulungan ni Laurent noon. Hindi pa kami lubusang magkakilala pero hindi niya ako iniwang mag-isa. Kabaligtaran ng mga nangyari pagkatapos naming maging malapit sa isa't isa. Nakilala ko siya, natanggap niya ang kahinaan ko at minahal niya ang mga kakulangan ko at gano'n din ako. Pero hindi 'yon naging sapat para manatili siya sa tabi ko. Iniwan niya ako, kami ng mga kaibigan niya ang buong Cairos. Nawala siyang parang usok. Ang masaklap walang nakakaalam kung ano ang naging dahilan ng pag-alis niya. Mas masakit palang iwan ka ng hindi mo nalalaman kung anong puno't dulo kaysa sa iwan ka dahil sa isang pagkakamali o di pagkakaunawaan. Mas madali mong matatanggap na iniwan ka dahil alam mo ang dahilan kaysa sa ginawa niya. Blanko. Nagtatanong ang puso at isip mo kung bakit. Hindi humihilom ang sugat dahil hindi mo pa nahahanap ang kasagutan. Nananatili ang sakit. Hindi naiibsan. Mas tumitindi ang kirot habang lumilipas ang oras. "Lara! Kapit!" Pinukaw ng malakas na sigaw ni Amber ang pagbabalik tanaw ko sa nakaraan. Naramdaman ko na lang ang biglaang pagliko ng sinasakyan naming walis tingting. Umilag pala si Amber sa paparating na hampas ng ogre. "Huwag munang mag-emote Lara... alam ko masakit ang maiwan pero sa ngayon, mas masakit ang mahampas ng mga higanteng kamay na yan!" Napatili uli si Amber habang hirap na hirap na sa pagmamaneho ng witches' broom. Naalerto ako. Tama siya, kailangang malagpasan muna namin ang pagsusulit bago ang lahat. "Amber, keep still. Kapag sinabi kong paliparin mo paikot ang walis, gawin mo!" "Okay!" Mabilis ang naging pagtugon ni Amber na nagsimula nang hingalin dahil sa magkahalong kaba at takot. "Hahawakan kita at mag-uunison raid tayo. Mas malakas ang water keep mo kaya kakailanganin kita para makabuo tayo ng mga bloke ng yelo." Nagsimula kong ipinaliwanag kay Amber ang proseso. Tumango lang ito. "Ihahalo ko ang water keep mo sa wind keep ko Amber." "Ay! Gusto ko yan. Gagawa tayo ng giant snow man?" Nakangisi pa si Amber nang magsalita. Tila nawala na ang kaba nito. Tumango ako. Napahawak ako sa likod ni Amber na nagsimulang palabasin ang water keep niya sa katawan. Naramdaman ko ang unti-unting paglambot ng katawan nitong parang tubig. Hinigop ng kamay ko ang enerhiya ng tubig at pinadaloy ko sa aking katawan upang mahalo sa aking wind keep. Saka ko itinutok ang kanan kong braso palabas kung saan itatama ko ang mga yelong lalabas sa aking palad. Inipon ko ang nag-umapaw na kombinasyon ng tubig at hangin sa aking katawan patungo sa kanan kong bisig. Nakaramdam ako ng lamig hanggang sa naging limitado ang aking paghinga. Halos manikip ang dibdib ko sa sobrang lamig pero tiniis ko at sinubukang magsalita. "Amber, ngayon na!" "Pak!" sigaw ni Amber bago ko naramdaman ang mabilis na paghila ng walis paikot. Hindi ako nagsayang ng segundo. Napasigaw ako ng malakas bago ko naramdaman ang pagbulusok ng malamig na likido sa aking kanang palad. Magkahalong kirot at lamig ang kumakawala sa kamay ko. Halos bumigat na ang aking bisig sa technique na 'yon pero kailangan kong tiisin. Napapasigaw ako ngunit iba ang sinisigaw ng utak ko. Para sa'yo 'to! Hahanapin kita! Paulit-ulit. Palakas ng palakas sa ulo ko pero hindi parin ako nabibingi. Natigil ang pag-ikot ng walis ni Amber. Halos hingalin kaming pareho sa ginawa. Nang makabawi ako ng lakas, mabilis kong nilibot ng tingin ang buong paligid. Yelo. Puno ng yelo ang paligid. Frozen. Immobilized. Harmless. Sa isang ikot ay naging yelo ang mga kalaban pati ang buong paligid. Nakalusot kami. Ligtas na kami sa mga higante. Nakaya ko... Nakayanan ko kahit wala siya. Sa gitna ng pagdama sa sakit na iniwan niya sa aking dibdib, pinutol uli ni Amber ang pagkakataon. "Baka maunahan ka pa ng iba Lara. Let's go!" Hindi na ako hinintay ni Amber na magsalita. Masyado itong nagmamadali para makarating sa ikalimang lokasyon. Tama siya. Baka maaunahan pa kami. Napakabilis ng paglipad namin. Halos hindi ko na maaninag ang mga bagay na nalalagpasan namin habang lumilipad. Napakapit ako ng mahigpit kay Amber na daig pa ang pinakamatuling sasakyan sa panahong 'yon. Napapikit ako. Higit sa isang minuto hanggang sa maramdaman kong unti-unti nang bumabagal ang paglipad ng witches' broom. Dahan-dahan habang lumuluwang ang kapit ko sa kaibigan ko, minulat ko ang aking mga mata. "Oh my gosh Lara. Mukhang mapapalaban tayo nito," bulong ni Amber habang pinagmamasdan namin ang ikalimang location. Isang battlefield ang ikalimang lokasyon. May tatlong gates ang kailangang lagpasan bago marating ang pabilog na platform. Bawat gates ay may mga nakabantay na halimaw. Parang habang lumalalim ang gate ay mas lumalakas ang mga bantay na halimaw. Hindi lang mga kapwa keepers ang makakatunggali ko kundi mga halimaw din sa bawat gate. "Amber, kaya ko na 'to. Huwag mo na akong samahan." "Kailan mo pa ako itinakwil na kaibigan at kailan pa kita iniwan Hearthopia?" may bagong tawag saakin ang kaibigan ko at alam kong sa oras na tawagin ako nitong 'Hearthopia' ay nagtatampo na ito. "Mapapahamak ka. Sayang ang golden stone na hawak mo. Aagawin lang yan sayo!" giit ko. Hindi ako makakapayag na masira ang kinabukasan ni Amber bilang mercenary keeper ng dahil saakin. "Magkarugtong na tayo ng bituka Lara. Alam mong hindi mo ako makukumbinsing iwan ka. So please stop and let's do this!" Napabuntong hininga ako. May punto siya. Matigas ang ulo niya at mahal niya ako. "Wait." pigil nito nang makababa na kami sa walis at patungo na sa unang gate. "Ano 'yon?" Nakatitig ito sa kinaroroonan ng golden stone. Nang titigan ko'y nakita ko rin ang nakita nitong nakatayo at nakabantay sa may circular platform. May isang misteryosong lalaking nakasuot ng unipormeng pang mercenary keeper. Hindi lang ordinaryong uniporme kundi pang mataas na posisyon ang suot nito."S-sino yan?" "Gosh Lara. Mukhang siya ang makakalaban natin sa huling stage! That dark blue eyes with a messy dark hair, that boring but scary and intimidating face!" Ramdam ko ang pagkabahala ni Amber nang makita ang lalaki sa tribune. "Anong meron sa lalaking yan Amber? Kilala mo siya" May halong kaba sa boses ko. Nakita kong nakalingon din saakin ang lalaking may asul na mata. May kung anong pakahulugan ang tingin nito na siyang ikinatakot ko. "Ang chief commander ng Mercenary Guild... Si P-Priam Cloud!" ### vocabulary guide osseous - latin word for skeleton. This are monsters resurrected by a magical spell. They are armored with heavy metals and usually carry a crossbow for killing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD