📖 CHAPTER 1: "THE DAY I SAVED A GRANDPA AND GOT 5 PROBLEMS"
[YNA'S POV - EXTENDED]
I was literally just walking home from my 3rd job interview na failed.
"Sorry, Miss Reyes. We need someone with experience."
Experience? Experience ko magutom. Pasok ba yun? Experience ko mag-pretend na okay lang kahit instant noodles na naman sa dinner? Pasok din ba yun?
Then I saw him. An old man. Naka-tumba. In front of a huge gate. The gate of Villarosa Mansion — yung mansion na sabi-sabi haunted kasi walang maid na tumatagal. Sabi ni Aling Nena sa kanto, "Anak, dun? Isang linggo lang tumatagal mga kasambahay. Baka may aswang."
My first instinct? Tumakbo. Baka multo. Baka kidnapper. Baka scam.
My second instinct? Si Mama. Kailangan ko ng pera. Pambayad sa ospital niya next week.
My third instinct? s**t, baka mamatay to. At ako pa yung last na tao na nakakita.
So I ran. "Lolo! Lolo, okay ka lang po?!"
He was clutching his chest. Namumutla. Pawis na pawis. "My... my pills... inside..."
Ako naman, si tanga, kinalampag ko yung gate na parang nakaw. "TULONG! MAY NAMAMATAY DITO! HELLO?! MAY TAO BA DITO?!"
Biglang bumukas yung gate. Slow motion. Parang teleserye.
Limang lalaki. All tall. All gwapo. All mukhang model. All mukhang galit. All mukhang... problema.
Boy #1 - Naka-suit, mukhang CEO, mukhang wala pang tulog 3 days
Tumingin sakin na parang basura. "Who the hell are you and why are you touching my grandfather?"
Me: Inangat ko kamay ko, guilty. "Ay sorry po! Akala ko po kasi mamamatay na siya kaya hinawakan ko! Gusto niyo bitawan ko para matuloy?!"
Boy #1: Vein sa noo. "That's not what I—"
Me: "Ah gets. Ibitaw ko tapos antayin natin mamatay. Para less paperwork sainyo. Practical."
Boy #1: "ARE YOU MOCKING ME?!"
Me: "Hindi po. Literal lang po ako mag-isip. Tipid sa brain cells."
Boy #2 - Naka-headphones sa leeg, mukhang rapper, mukhang walang pake sa mundo
Sabi lang habang nagche-check ng phone: "She's crazy."
Me: Napatingin ako sakanya. "Kayo po normal? 7PM naka-robe sa gate? Tapos naka-slippers na pang-bahay? Pang-kalye ba kayo o pang-mansion?"
Boy #2: Ngisi. "At least I'm comfortable. Unlike your... ano to, ukay?" tinuro damit ko
Me: Tumingin ako sa damit ko. Isang linggo ko na to suot. "At least malinis. Unlike ugali mo, pre. Mukhang 3 days na di nilabhan."
Boy #3 - Naka-robe lang, abs visible, mukhang pinanganak na perfect
Biglang ngiti. Nakakaloka yung ngiti. "Pero ang ganda. Can we keep her?"
Me: Napairap. "Sir, hindi po ako aso. Hindi po ako for adoption. At hindi po ako free sample sa grocery."
Boy #3: Lumapit. Amoy mahal na perfume. "Ang tapang mo ah. Gusto kita."
Me: "Sir, kung gusto niyo ako, bayaran niyo muna utang ko sa sari-sari store. 2,450 pesos. Cash."
Boy #3: Napanganga. "Joke lang yun."
Me: "Joke lang din yung 'gusto kita'. Joke ba lahat dito o ako lang seryoso?"
Boy #4 - Naka-designer shirt, masungit, mukhang allergic sa mahirap
Cross arms. "This is why I hate poor people. So dramatic. Always begging for attention."
Me: Tumayo ako ng tuwid. "Sir, I hate rich people din. So patas. Cheaper kayo sa feelings ko. Kayo, ang mahal niyo magsalita pero wala namang kwenta."
Him: Vein pops sa leeg. "EXCUSE ME?! Do you know who I am?!"
Me: "Hindi po. Pero base sa attitude, anak kayo ng may-ari ng ugali. Hindi po ako na-iimpress sa pera niyo. Na-iimpress ako sa Lolo niyo kasi siya lang yung humihinga dito."
Boy #5 - Baby face pero mata galit, mukhang bunso
Lumuhod sa tabi ng Lolo. "Lolo! Lolo, wake up! Wag mo kami iwan! Sino magluluto ng paborito mong lugaw?!"
Me, si manhid: "Uy, hindi pa patay. Pills lang daw. Chill ka, bunso. Drama queen ka masyado."
Boy #5: Napalingon sakin, luha sa mata. "Don't call me bunso! And don't tell me to chill! This is my Lolo!"
Me: Lumuhod din ako. "Eh di tulungan mo ko hanapin pills, hindi yung iyak ka dyan. Useful ka ba o display ka lang?"
I ran inside. I don't even know where I got the lakas ng loob. Yung mansion, malamig. Parang morgue. Hinalungkat ko yung sala. Mga painting, mga mamahaling gamit. Nakita ko yung pills sa center table, tabi ng picture ng Lolo nung bata pa.
Takbo pabalik. Habol hininga. "Lolo, ito na po! Inumin niyo na! Dali!"
Tinulungan ko siya uminom. Pinunasan ko pawis niya gamit manggas ko.
After 5 minutes, huminga na siya ng malalim. Kulay na ulit mukha niya.
Lolo Villarosa: "Haa... salamat, iha. Anong pangalan mo?" Boses mahina pero matatag.
Me: "Yna po. Yna Reyes."
"At anong ginagawa mo dito?"
Me: Napakamot ako sa batok. "Ah... naglalakad lang po. Wala. Jobless."
Bakit ko sinabi yun??? Tangina Yna. Pride mo?
The 5 boys stared at me. Parang ako yung criminal.
Boy #1: Arms crossed. "So you saved him for a job?" Sarcastic.
Me: "No! I mean yes! I mean... opo? Hindi? Ang gulo. Basta ginawa ko lang yung tama. Kayo kaya, 5 kayo, isa lang cellphone niyo? Walang tumawag ng ambulance?"
Boy #2: "We were about to—"
Me: "About to? 5 minutes na ko dito. In 5 minutes, patay na Lolo niyo. 'About to' doesn't save lives, Kuya."
Boy #3: Napangisi. "Ang feisty mo. Gusto kita lalo."
Me: "Sir, magpatingin ka. Baka Stockholm syndrome yan. First girl na sumagot sayo kaya na-inlove ka agad."
Boy #4: "Lolo, don't listen to her. She's just after your money."
Me: Napaharap ako sakanya. "Sir, kung pera habol ko, di ako tatakbo dito. Nagnakaw na lang ako sa sala niyo. Ang dami niyong gold statue dun. Pero inuna ko Lolo niyo. So sino ngayon mas may pera... este, mas may puso?"
Boy #4: "Wala kang—"
Me: "Wala akong pera. Meron kayo. Pero ako, may ginawa. Kayo, picture lang."
Boy #5: Biglang tumayo. "Tama na! Lolo's okay! That's what matters!"
Me: "Oo nga. Kaya tumigil na kayo ng away. Pagod na ko. Pagod na Lolo niyo. Magkape na lang kayo. Black. Walang asukal. Para pare-pareho tayong pait."
Lolo laughed. The first time daw tumawa si Lolo in 2 years, sabi nung katulong na sumilip sa pintuan habang hawak plato.
"You," sabi ni Lolo, pointing at me. Finger nanghihina pero diretso. "You're hired."
ALL 5 BOYS: "WHAT?!" Sabay-sabay. Parang choir ng galit.
Boy #1: "Lolo, no. She's disrespectful. Walang modo."
Lolo: "She has more modo than you five combined. She saw an old man dying and didn't think twice. You five? You thought about your image first."
Boy #2: "But Lolo, she's poor! What if she steals?"
Me: "Sir, kung magnanakaw ako, di ako magpapahuli sa CCTV niyo. Tsaka ano nanakawin ko? Abs ni Kuya Robe? Regalo ko na sayo, pre."
Boy #3: "Lolo, she's dangerous! She talks back!"
Lolo: "Good. I'm tired of yes-men. I need someone who'll tell me when I'm wrong. And tell my grandsons when they're idiots."
Boy #4: "Lolo, think about the family name! Hiring a random girl—"
Lolo: "The family name is Villarosa. Not 'Perfect'. And this random girl saved my life. What have you done for me lately, aside from giving me high blood?"
Boy #5: Tahimik lang. Tapos bulong: "Lolo... gusto ko siya. She was calm. Nung ako nagpapanic, siya yung kumilos."
Me: Napatingin ako sakanya. "Salamat, bunso. Este... Kuya #5."
Lolo: "I've been looking for a new maid for 6 months. Lahat ng inuupahan ko, pinapaalis ng mga apo ko. But you..." umubo "...you have guts. And you saved my life."
Me: "Po?! Pero hindi po ako marunong mag-mai—"
Lolo: "300k a month. Stay-in. All expenses paid. Basta... titiisin mo tong mga 'to." Tinuro niya 5 apo niya.
Me: "..."
5 boys: sabay tingin sakin. Challenging. Parang sinasabi "Sige nga, tanggapin mo."
Me: Lumingon ako kay Lolo. Tapos sa kanila. Tapos sa 300k.
Me: "SAAN PO PIPIRMA?" Mabilis. Walang pagdadalawang isip.
ALL 5 BOYS: Napahawak sa ulo.
Boy #1: "We're doomed."
Me: "Welcome to hell, mga Sir. Ako si Satanas niyo. Este... maid niyo."
---
END OF CHAPTER 1