Chapter 5

1666 Words
NAPAKUNOT-NOO ako nang makita ko si JM na kumakaway at may sinesenyas sa amin. Nakuha ko naman agad ang ibig niyang sabihin kaya pinigilan ko muna ang nakababata kong kapatid na pumasok sa bakuran nila Francis. Sakto din palabas si Francis ng bahay nila para salubungin kami. “Bakit?” tanong ni Jus. “May sinesenyas si JM. Puntahan muna natin si Ayla sa bahay nila. “Sige. Bor punta raw muna tayo sa kabila,” yaya niya sa ibang barkada namin. Naglakad naman kami papunta sa bahay nila Ayla. Ano kayang nangyari sa kaniya? Saglit lang ako umalis ng bahay nila, ah. May narinig akong sipol kaya ginala ko ang mga mata ko sa paligid. Nakita ko si Kuya Raymond na nakasilip sa bintana niya at may sinesenyas. Gusto nitong sabihin na sa likod kami dumaan at hindi sa harap ng bahay. Nasulyapan ko ang dulo ng shotgun nito na nakalitaw sa bintana. “Mga bor, trouble,” sabi ko sa mga kaibigan ko at pinigilan ko sila sa patuloy na paglalakad. Lumihis kami ng daan. Umaligid kami sa malaking bahay ni ate Rose at nakita namin si Tiya Susan na papalabas ng kusina nila. “Tiya Susan, anong nangyayari sa bahay nila Ayla?” mahinang tanong ko sa kaniya. “Si Ayla, hini-hipnotismo ng malaking aso. Alam mo na kung sino ang tinutukoy ko. Hindi talaga siya titigil hangga’t hindi niya nakukuha si Ayla.” Napamura kami ng mga kaibigan ko. “Tiya Susan, dito lang po kayo. Huwag na po kayong lalabas. Kami na po ang bahala.” “Sigurado kayo?” “Opo,” sagot ni Res. “Sige dalhin n’yo ang dalawang dos por dos na nariyan sa likod ng tanke ng tubig. Baka sakaling kailanganin n’yo.” Kinuha ni Jus ang dalawang dos por dos at binigay ang isa kay Res. Dahan-dahan kaming sumilip sa bahay ni Ayla. s**t! Halos mawalan na ng ulirat si Ayla sa kakatitig sa mata ng malaki at itim na aso! Nakikita kong pilit niya paring nilalabanan ang hipnotismo sa kaniya. Sumipol ako nang malakas at sinabayan iyon ni Kuya Raymond ng isang putok ng shotgun nito! Narinig namin ang pagkagulat ng mga tao sa kalapit bahay ngunit naka-focus pa rin ang tingin ko kay Ayla. Nang pinutol ng malaking aso ang pagkakatitig kay Ayla ay mabilis kaming tumakbo palapit sa harap ng bahay nila. Umungol ang malaking aso at galit na tumingin sa akin. Pinalo ni Jus nang malakas ang aso kaya napaigik ito. Sinundan uli iyon ng isa pang putok ng b***l ni Kuya Raymond. Nilapitan ko si Ayla na wala na sa sarili at hinaplos ang noo nito pababa sa mukha nito. Bigla siyang napahugot nang malalim na hinga. God, kung hindi pa kami dumating baka nahuli na ang lahat! Nakuha na sana niya si Ayla! “Zyl,” banggit niya sa pangalan ko. “Putangina mong hayop ka! Mamatay ka na!” mura ni Res habang inaambaan ng palo ang aso. Napaurong naman ito. “Umalis ka nang halimaw ka!” sigaw ni Kuya Raymond na nakalabas na ng bahay nila at kasama si Francis. Nasa likod sila ng malaking aso. “Kung hindi ka pa aalis ngayon, pasasabugin ko yang bungo mo nitong shotgun ko!” “Kuya Raymond, patayin mo na siya!” sigaw ni Res. “Barilin mo man siya’y hindi pa rin iyan mamamatay!” singit ni Tiya Susan. Napaungol ang malaking aso na gumambala sa mga tao sa zone four. May mga ilan na na nagsilabasan ng kani-kanilang bahay. Tumingin ang malaking aso sa akin. “Zyl...” sambit nito ng pangalan ko na nagpahumindig ng balahibo ko sa katawan. Napalunok ako nang wala sa oras. Nakaramdam ako ng takot. Aso na nagsasalita! Iniumang ni Jus ang dos por dos dito ngunit mabilis itong lumundag at tumakbo paalis ng bahay nina Ayla. Binuhat ko naman si Ayla at pinasok sa loob ng bahay nila. Humahangos naman na tumatakbo si JM. “Kuya Zyl! Anong nangyari kay ate?” naiiyak na tanong nito. “Okay na siya. Siguro.” Nagtipon na rin ang ibang mga kapit-bahay sa harap ng bakuran nila Ayla. Nakita ko rin mula sa loob ng bahay na dumating si Papa sakay ng motorsiklo. “Zyl, ako na riyan kay Ayla,” sabad ni Tiya Susan. Hinayaan ko naman si Ayla sa kanila at lumabas ng bahay nila. Pinuntahan ko si Kuya Raymond na kausap ang ilang kapitbahay. “Zyl,” tawag nito sa akin. “Bakit?” “Mag-iingat ka. Sigurado akong babalik siya. Kung hindi niya makukuha si Ayla sigurado akong ikaw ang kukunin niya sa ibang rason.” “Naisip ko na rin po ‘yan. Hayaan n’yo mag-iingat po ako.” “Dapat kay Ayla umalis na rito sa baryo natin. Masyado na siyang delikado rito,” komento ni Mang Ferdie. “Tama. Dapat lumayo na muna siya. Hindi na siya ligtas dito! Nagiging aggresibo na ang hayop na ‘yon makuha lang si Ayla.” “Tama kayo Aling Sol,” sagot ni kuya Raymond. “Pero nag-aaral pa sa high school si Ayla. Wala naman siyang matitirhan sa bayan. Ang mabuti na lang nating gawin ay bantayan siya habang nandito siya sa atin. Iyon na lang ang maari nating gawin para sa batang iyon.” “Salamat Kuya Raymond,” sagot ko. Kahit ako ayokong umalis si Ayla rito sa baryo. Hindi man alam ng lahat pero masaya kami sa barkada kapag nakakausap namin si Ayla. Hindi kasi siya ‘yong tipong maarte at pa-cute. Parang walang pakialam kung masabihan na one of the boys ng ilan. Pero hindi namin pinapansin ‘yon. Siya ang muse namin kaya poprotektahan namin siya. Napalapit na rin naman ang loob ng barkada sa kaniya kaya hangga’t nandito siya nandito din kaming mga kaibigan niya. “Zyl, okay na ba si Ayla?” tanong ni Papa. Tumango ako sa kaniya bilang sagot. “Kuya. Tutuloy pa ba tayo kina Francis?” tanong ni Jus. “Tumuloy na kayo. Dito na muna ako,” sagot ko. “Sige kung may problema, sipol ka lang.” Tinapik ko ang kapatid ko sa balikat. “Salamat, Bor,” ganoon din ang ginawa ko kina Res at Francis. Pagkatapos ng mahabang diskusyon ng mga kapitbahay ay nagsi-alisan na rin ang mga ito. Nagpaalam na rin si Papa na uuwi na. Naiwan kami ni Kuya Raymond. “Hindi ka pa ba uuwi?” “Hindi pa. Sasamahan ko muna sina JM at Ayla rito. Wala silang kasama tapos puro babae pa.” “Sige. Nasa bahay lang ako kapag kailangan mo ako.” “Salamat, Kuya Raymond.” Nagpaalam na ito at lumabas ng bakuran ng bahay nina Ayla. Pumasok uli ako sa loob at tiningnan si Ayla na nakahiga sa sofa. Hawak nito ang ulo at nakakunot ang noo. Tumayo na rin si Tiya Susan nang matapos ito sa pagpahid ng langis sa katawan ni Ayla. “Zyl, magpapalipas ka ba ng gabi rito?” “Opo, Tiya Susan. Sasamahan ko muna silang dalawa.” “Mabuti pang dumito ka muna. Hay naku! Kung saan-saan naman kasi naglalagi itong si Jom. Hindi nalalaman ang nangyayari sa pinsan niya. O, siya. Ikaw na ang bahala rito, ha? Bantayan mo itong dalawa. Bantayan mo hindi ‘yong ikaw ang sasalakay!” Napatawa ako nang mahina sa biro ni Tiya Susan. “Opo, bantay lang, kapag may pagkakataon sasalakay din,” ganting biro ko. “Kayo talagang mga bata oo. Uuwi na ako, wala rin kasama ang anak ko at apo ko sa bahay. JM, mag-lock ka ng pinto, ha?” “Opo, Tiya,” sagot nito. Tinulungan ko si JM na mag-lock ng mga pinto nang makalabas na si Tiya Susan. Tinungo ko na rin ang mga bintana sa taas ng bahay nila para siguraduhing naka-lock ang lahat. Nang bumaba ako ay nakaupo na si JM sa sofa at kausap ang ate niya. “Bakit mo ba kasi binuksan ang pinto, ate?” “Ewan ko. Hindi na ako nakapag-isip ng matino, eh! Akala ko noong una si Zyl kaya hindi ko muna binuksan ang pinto at sinagot ko muna ang phone. Nagtaka nga ako kung bakit bumalik si Zyl. Pinipilit niya akong buksan ang pinto.” “Ano ba sabi niya sa ‘yo?” singit ko. Kinuwento niya uli ang nangyari. “Sa pagtawag pa lamang sa ‘yo dapat alam mo na ang pagkakaiba,” sabi ko. “Huh?” takang tanong ko. “Ni minsan hindi pa kita natatawag na ‘Ayl’. Binabanggit ko ng buo ang pangalan mo ‘di ba? ‘Ayla’ ang tawag ko sa ‘yo at hindi ‘Ayl’ lang.” “Hindi ko na pinagtuunan ng pansin iyon. Salamat pala, Zyl. Ang dami ko ng utang sa ‘yo.” Napalatak ako. “Bayaran mo na lang ako kapag mayaman ka na. O, di kaya ay...” “O, di kaya ano, kuya Zyl?” tanong ni JM na pakindat-kindat pa sa akin. Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin. “Di kaya ay, sumama ka na lang sa akin sa Sabado.” “Hindi pa rin pala nawawala sa isip mo ‘yan. Sige na nga! Maliit na pabor lang naman ‘yan kumpara sa pagtulong mo sa akin. Ikaw yata ang Knight in Shining Armor ko, eh!” “Puwede rin,” matipid na sagot ko. “Oi…” tukso ni JM. “Matulog ka na kaya, JM?” sabi ni Ayla. “Dito na lang ako ate sa kabilang sofa.” “Diyan nakaupo si Zyl, eh!” “Di paalisin! O, kuya Zyl doon ka na lang sa paanan ni ate maupo. Matutulog na ako. Inaantok na ako, eh!” Napailing ako sa kakulitan ng iniisip ng kapatid ni Ayla. Kaunting-kaunti na lang iisipin kong boto siya sa akin para sa ate niya, eh! Tsk! Lumipat ako sa paanan ni Ayla. “Matulog na kayo.” “Ikaw?” tanong ni Ayla. “Manonood na lang ako ng movie. Pahiram na lang ng portable DVD n’yo.” “Kunin mo na lang doon,” turo niya sa tabi ng T.V. Kinuha ko ang maliit na portable DVD at naghanap ng mga VCD's sa estante malapit sa kinalalagyan ng T.V. Bumalik ako sa sofa na kinahihigaan ni Ayla pero sa sahig na lang ako naupo. Hindi naman masyadong malamig ang sahig dahil natatakpan ng carpet. Isinalang ko ang VCD at in-adjust ang volume. Ipinasya kong patayin ang ilaw. Nang bumalik ako sa kinauupuan ko ay may malakas na bumagsak sa bubong sa pagkagulat ko. Bigla naman napabangon sina JM at Ayla. “Pusa lang ‘yon. Matulog na kayo,” sabi ko sa dalawa ngunit tahimik na nakiramdam sa paligid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD