“ERTHA! Meng meng!” tawag ko sa pusa. Nilingon naman niya ako at bigla ang pagbundol ng kaba sa dibdib ko nang makita ang mukha ng pusa. Parang nanlaki ang mata nito at ang pangit ng hitsura! Kinusot ko ang mga mata ko. Nang tinitigan ko ulit ay okay naman si Ertha. Ganoon pa rin naman. Mabilis na pumasok sa loob ng bahay namin ang pusa at sinara ko na rin ang pinto.
“Kung anu-ano na lang ang nakikita ko. Hay!”
Kinuha ko ang cellphone sa bag ko. Nakita kong may nag-text kaya binuksan ko ang message.
From: Saffi
Ayl, ‘yong isang esudyante ng section 2 na posses ngayong gabi lang! Nagpunta raw sila ng school at naglaro ng spirit of the glass!
Nireplayan ko siya.
Ano’ng kalokohan at naglaro sila ng ganoon? Bukas na lang tayo mag-usap, ha?
Hindi na nag-reply si Saffi kaya ibinalik ko na ulit sa bag ang cellphone ko. Bukas ko na lang siya tatanungin ulit. Marami kasi ang kuwento tungkol sa school namin. Na may namatay daw doon na estudyante, may nagpapakitang white lady, may naririnig na tugtog ng Rondalya sa music room at kung anu- ano pa. Ako naman hindi naniniwala hanggat hindi ko nakikita kaya wala akong reaksyon sa mga kuwentong iyon. Si Saffi lang naman ang interesado doon kasi mahilig makinig ‘yon ng mga kuwentong katatakutan. Mahilig din kasi magbasa ng mga Philippine Ghost Stories. Minsan nakikibasa nga rin ako sa kaniya.
Pagkatapos kong maayos ang higaan ay bumaba ako saglit para kunin ang libro ko sa baba. Narinig kong may gumagalaw sa labas ng pintuan kaya napatigil ako.
“JM?” tawag ko sa kapatid ko pero walang sumasagot. “Sino ‘yan?” tanong ko ulit.
“Ako si Zyl…”
Nagtaka ako sa boses ni Zyl. Parang biglang gumaralgal ang boses niya. Isa pa galing na siya rito, ah? Bakit siya bumalik? Lumapit ako sa pinto. “Zyl?”
“Ako nga si Zyl.”
Nagtataka ako kung bakit siya bumalik. Bubuksan ko na sana ang pinto nang marinig ko ang cellphone ko na nagri-ring sa taas. May tumatawag. Baka si Mama ‘yon, ah! “Zyl, sandali lang, ah!”
“Buksan mo muna ang pinto, Ayl. May gusto akong sabihin sa ‘yo.”
Nagtataka ako kay Zyl. Ring pa rin nang ring ang cellphone ko sa taas. Baka magalit si Mama kapag hindi ko kaagad nasagot. “Zyl, sandali lang, ha? Kukunin ko muna ang cellphone ko sa taas!”
“Ayl!”
Hindi ko muna pinansin si Zyl. Hindi naman siya magagalit sa akin. Bakit ba siya bumalik? Wala talagang magawa ang lalaking iyon. Sabi niya kanina uuwi na ngayon nandito naman ulit? Baka naman natakot?
Umakyat na ako ulit sa taas at kinuha ang cellphone ko na kanina pa nag-iingay. Sinagot ko ang tawag.
“Hello?”
“Ate! Mabuti naman at sinagot mo!”
“JM?” tiningnan ko ang screen at nakita ko ang number ni ate Rose na naka-register sa screen.
“Bakit ka pa tumawag ang lapit-lapit mo! Akala ko si Mama!”
“Ate, huwag mong bubuksan ang pinto ng bahay natin!”
“Ha? Nasa labas si Zyl.”
“Ate huwag mong bubuksan! Hindi siya si Kuya Zyl!”
“Ano? Hindi si Zyl ang nasa labas? Pero siya ang narinig ko kanina!”
“Ate, maniwala ka sa akin! Hindi siya si Kuya Zyl! Nakikita ko siya mula rito sa taas ng bahay ni ate Rose!”
“JM, kapag ako pinagloloko mo, ah!”
“Ayla, ate Rose mo ito. Totoo ang sinasabi ni JM. Hindi si Zyl ang nasa labas ng pinto n’yo kung hindi si… Mac!”
Naguluhan ako. Narinig ko uli ang boses ni JM. “Ate, basta huwag kang lalabas! Si Mac biglang nag-collapse at tumirik ang mata!”
“Ano?” sagot ko pero naputol na ang tawag. Jusmiyo! Ano ba ang nangyayari dito? Sino ang nasa labas ng pintuan? Siya kaya? Saka ano ang nangyari kay Mac? Bakit siya nag-collapse? Sana naman walang mangyari sa inaanak ko!
Nilagay ko sa bulsa ko ang cellphone at bumaba ulit. Naririnig ko ang komosyon sa kabilang bahay. Sa bahay ni ate Rose. Malapit lang kasi ang bahay namin. Naririnig kong tinatawag nila ang pangalan ng inaanak ko. Ano na kaya ang nangyayari sa kabila?
Hinanap ko ang mga texts ng mga kaibigan kong lalaki sa cellphone ko. Naku, sana hindi ko pa nade-delete mga texts nila sa akin! Kinakabahan na ako ngayon dahil ako lang mag-isa rito tapos may nangyayari pa sa inaanak ko sa kabilang bahay! Tapos may tao pa sa labas ng pintuan namin! Hindi ko alam kung tao nga ba o ano na! Mabilis at nanginginig na ang mga kamay ko sa pag-i-i-scroll ng messages ko sa kakahanap ng puwede kong matawagan. Iyong pinsan ko hindi ko rin makontak ‘yon dahil siguradong lundo na ‘yon sa alak. s**t! Wala ngang natirang messages ng mga kaibigan ko rito! Bakit kasi hindi manlang ako nag-save ng mga numbers nila? Kaasar!
“Ayla..”
Mas lalo akong binundol ng kaba nang marinig ko ulit ang tawag sa akin mula sa labas ng pintuan. This time parang iba na sa pandinig ko ang boses niya. Para nang nakakapanindig balahibo!
Kinuha ko sa bulsa ko ang maliit na bote at hinawakan nang mahigpit. Pinakalma ko ang sarili at tinungo ang pinto. Tumayo ako sa harap ng pinto at alertong nakikiramdam.
“Sino ka? A-ano’ng kailangan mo?”
“Ikaw lang Ayla. Ikaw lang.”
Napalunok ako sa sinabi niya. Hindi puwede! Kailangan kong maging matapang pero pakiramdam ko para akong nahihilo na inaantok.
“Ayla…Sa akin ka…Sa akin ka lang...”
“Hindi! Hindi mo ako makukuha!” sigaw ko at mabilis at malakas na binuksan ang pinto.
Aso! Pakiramdam ko nanayo lahat ng balahibo ko sa katawan nang makita ko ang malaking aso sa labas ng pinto. Mapula ang malalaki nitong mata at parang mananakmal kahit anong oras! Natulos ako sa kinatatayuan habang nakatitig ito sa akin. Parang hinihigop niya ang kaluluwa ko habang nakatitig ako sa nakakatakot niyang mga mata!
“Ahhhh! Si Ate Ayla!” narinig ko pang sigaw ng kapatid ko mula sa kabilang bahay.
Para akong nanghihina. Gusto kong umalis pero para akong nama-magnet sa kinatatayuan ko. Wala akong lakas na igalaw ang mga paa ko. Parang hindi na rin ako makapag-isip ng tama dahil parang may kadilimang lumulukob sa kaisipan ko. Parang may maitim na ulap na tumatakip sa kamalayan ko. Unti-unti kong nararamdaman ang paglambot ng mga tuhod ko at pagdilim ng isip ko.
“ATE ROSE, si ate Ayla! Binuksan niya ang pintuan ng bahay!”
Grabe ang kaba ko nang silipin ko uli si ate Ayla at nakita kong nakabukas na ang pinto ng bahay namin. Nakita ko ang takot sa mukha niya ng tumambad sa harap niya ang isang itim at malaking aso na sin taas na yata ng pitong taong gulang na bata!
“JM! Humingi ka ng tulog dali! Gamitin mo ang cellphone ko! Hindi ka rin puwedeng lumabas dahil delikado! Sige na bilisan mo!”
Kinuha ko ang cellphone at lumapit ako sa bintana para makahanap ng signal. Nakita ko si Kuya Raymond sa kabilang bahay na nakasilip mula sa bintana ng bahay nila. Sumenyas ito na huwag maingay. Nakikita rin mula sa bahay nila kuya Raymond ang harap ng bahay namin dahil magkaharap lang naman ang bahay niya at itong bahay ni ate Rose. Nakita kong inabot sa kaniya ng asawa niya ang isang shot g*n. Ginagamit niya iyon sa pangangaso sa gubat. Nilingon ko si ate Rose na kinakausap si Mac sa kandungan niya. Mabuti na lang at marunong si Tiya Susan kung paano gamutin si Mac. Itinuon ko uli ang pansin sa cellphone ngunit panaka-naka ring sumusulyap kay ate Ayla sa bahay.
Una kong nakita ko ang contact number ng Papa ni Kuya Zyl sa directory ni ate Rose. Mabilis ko iyong denial at pagkalipas lang ng dalawang ring ay sinagot nito.
“Tito, Arlan?”
“Rose?” tanong nito sa kabilang linya.”
“Tito, Arlan si JM po ito! Andyan po ba sila kuya Zyl?”
“JM? Wala rito sina Zyl kasama niya si Jus kanina nang lumabas. Papunta yata riyan sa bahay ni Francis. Naku, alam mo naman ‘yon kahit gabi na gumagala pa. Bakit mo siya hinahanap, Neng?”
“Baka po kasi makatulong sila kay ate Ayla! Wala po kasi kaming kasama na lalaki rito. Si ate nasa bahay mag-isa! Basta po, Tito! Kailangan po naming ng tulong agad!”
“Sige, papunta na ako riyan. Baka nandyan na rin sina Zyl at barkada niya.”
“Sige po. Pakibilisan lang po!” pinutol na nito ang tawag kaya sinilip ko ulit si ate Ayla sa bahay. Nakatayo pa rin siya roon sa pinto at nakatitig sa aso. “Ate Rose, parang nanghihina si ate Ayla! Para siyang matutumba!”
“Lumapit naman si Tiya Susan sa bintana. “Hini-hipnotismo niya si Ayla. Gusto niya talaga kunin ang kapatid mo, JM!”
Lalo akong kinabahan. “Lalabas ako. Kunin mo ang karit ko riyan sa terasa. Tingnan ko lang kong hindi sumabit ang laman ng aso na ‘yan sa karit ko.
“Huwag na po kaya? Baka po kung mapaano kayo sa labas!”
“Mas nag-aalala ako kay Ayla! Kung hihintayin pa natin ang iba baka maabutan na lang natin ang kapatid mo na humiwalay na ang kaluluwa niya sa katawan niya!”
Nangilabot ako sa sinabi ni Tiya Susan. Mabilis kong kinuha ang karit niya at ibinigay sa kaniya. Sumilip naman ako sa terrace nila ate Rose kaya bigla akong napakislot nang makita ko sila kuya Jus na naglalakad sa kalsada. Mataas kasi ang bahay ni ate Rose kaya kitang-kita ko sila mula sa ikalawang palapag na kinaroroonan ko. Tinulak ko ang sliding door na nakapagitan sa terrace at sa kuwarto ni Mac at lumabas ng terrace. Dumungaw ako sa terrace at kinawayan sila kuya Jus kasama sila Kuya Zyl at Kuya Res. Nagtatanong ang mga mata ng mga ito nang tumingin sa gawi ko. Sinenyas ko si ate Ayla sa bahay kaya dumiretso sila sa paglalakad imbes na pumasok sa bakuran nila Francis.
Sumabay naman sa hangin ang sipol ni Kuya Raymond na nakabantay pa rin sa bintana ng bahay nito. Kita ang dulo ng shot g*n na nakatutok sa harap ng bahay namin. Napalingon sa kaniya ang mga kaibigan ni ate at hindi ko na alam kong ano ang sinesenyas nila.
Bumalik ako sa loob ng kuwarto ni Mac. “Ate nand’yan sila Kuya Zyl sa labas at si Kuya Raymond nakabantay mula sa bintana ng bahay nila!”
“Mabuti kung ganoon. JM, dito ka lang, ha? Huwag na huwag kang lalabas.”