“ANO’NG NANGYARI?” nag-aalalang tanong ko kay Daryl. Nakasunod sa kanila ang mga kaibigan namin at nakasunod din ang isa sa mga guro namin. Nakatingin na rin sa direksyon namin ang ibang mga estudyante. “Pagbuksan n’yo muna ako ng pinto. Nasaan si Miss Chua? Kailangan niyang matingnan ngayon din si Kaye!” May kinuha lang sa laboratory. Tatawagin ko,” sagot ni Chax at mabilis na umalis para tawagin si Miss Chua. “Daryl, ano ba ang nangyari kay Kaye?” “Nahulog siya sa kinauupuan niya. Soon sa tambayan sa harap ng TLE building, Ayl,” sagot ni Daryl habang inihiga ang walang malay na si Kaye sa isa sa limang folding bed sa loob ng clinic. “Bakit? Bakit siya nahulog?” tanong ko. Ang tinutukoy ni Daryl na tambayan namin ay sirang semento na matagal nang hindi napagtuunan ng pansin at m

