HILLSIDE Echoes ang pangalan ng school paper ng Alimudin National Comprehensive High School. Sa H.E nakasulat lahat ng mga balita sa buong school at mayroon din iyong mga write-ups na galing sa mga estudyante. Isa si Chax sa writer ng H.E kaya nakahiram siya ng susi kay Mr. Madrigal. “Ang sabi ay namatay raw sa loob ng H.E stock room ang dating President ng H.E. I mean iyong unang president. Ito raw kasi iyong office niya noong unang panahon.” “Unang President? Sa pagkakaalam ko sa kapanahunan ng Lola ni Saffi nagsimula ang Hillside Echoes.” “Tumpak, Chax.” “So it’s been 45 years tapos nakarating pa rin sa henerasyon natin ang balitang iyan?” tanong ko. “Hmm. Kung tama ang pagkakaalala ko na feature sa Hillside Echoes noong first year tayo ang first President ng H.E. Kung hindi a

