Chapter 22

2065 Words

KARARATING lang namin dito sa bahay ni Marge galing sa school. Halos apat na oras lang ang itinulog ko dahil sa kakaisip sa mga nangyari. Pasado alas dose na nang matapos ang star gazing. Tyempo lang at maganda ang panahon kaya malinaw ang langit kagabi at wala masyadong ulap. “Maupo muna kayo at magtitimpla lang ako ng kape,” sabi ni Marge na dumiretso na sa kusina nila. Alas sais pa lamang kasi ng umaga at kagigising lang din ng Mama ni Marge at siya ang nagbukas sa amin ng pinto. Umupo kami sa mahabang sofa habang ginagala ang tingin sa sala nina Marge. Hindi kalakihan ang bahay nila pero maayos at bakas ang karangyaan. Naikuwento noon ni Marge na piloto ang papa niya kaya siguro nakakaalwan sila sa buhay. Agad kong naalala ang papa ko na simpleng cook ng isang maliit na restawran n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD