XVI

1509 Words
"Ano na namang pakulo 'to, Steven Sebastian?" nanghuhuling tanong ni Desa habang nakahawak sa mga kamay ni Seb. Tinatakpan ng mga iyon ang kanyang mga mata kaya naman hindi niya tuloy malaman kung ano ang binabalak ng kanyang nobyo. Mahina lang itong tumatawa sa may tainga niya at hahagkan siya sa pisngi. Sasabihan na habaan ang pasensya. Ganoon kalambing si Seb nitong mga nakaraang araw. Palaging may sorpresa, palaging may nilulutong pakulo. At sa bawat araw na nagdaraan ay mas lalo niyang nararamdaman ang pang-uusig ng kanyang konsensiya sa lahat ng kanyang ginagawa habang nakatalikod ang kanyang nobyo. Kasama pa ang kapatid nito, sa lahat ng mga taong... "Open your eyes, precious," malambing na bulong nito sa kanyang tainga. Naging hudyat iyon para sa kanya upang dahan-dahang idilat ang kanyang mfa mata. Namangha siya nang makita ang napakagandang tanawin mula sa viewing deck ng bahay nitong nakatayo sa may gilid ng bangin, sa probinsya ng Santa Quiteria. Bahay-bakasyunan daw iyon ng lalaki dahil presko ang simoy ng hangin doon at tahimik. Napakunot naman ang kanyang noo at nilingon ang lalaki na matamis ang pagkakangiti. "Anong meron?" Tumawa ito at niyakap siya ulit. "Wala lang. Gusto lang kitang dalhin dito para mayakap." Pabiro niyang inirapan ang lalaki at nagsumiksik sa mga bisig nito. Dinama niya ang malamig na simoy ng hangin habang nakatingin sa malayo. Malalim ang iniisip. "Seb?" "Hmm?" "Ano pa lang gusto mong tanghalian?" Napapalatak ito. "Kakadating lang natin, luto na agad ang iniisip mo... Magpapa-order na lang ako sa labas para hindi ka mapagod, mahal." Hindi niya maintindihan kung bakit may ngiting sumilay sa kanyang mga labi nang marinig ang pagtawag sa kanya ni Seb ng mahal. Sa katunayan ay napabilis niyon ang pagtibok ng kanyang pusong kanina ay kalmado. Nilingon niya naman ito at hinagkan sa pisngi. "Puwede mo naman akong tulungan, a." Umiling ito at ngumuso. "Ayaw." Natatawang ibinalik niya ang kanyang tingin sa malawak na kapatagang nalalatagan ng mga palay. Kung hindi siya nagkakamali ay farm iyon ng mga Sandler-Pereyra, isa sa mga manufacturer ng canned fruits and vegetables sa X. Hindi niya inakala na katabi lang pala ng hacienda ng mga iyon ang bahay-bakasyunan ni Sebastian. Isang patunay lang na kabilang sa elitistang angkan ang kanyang mapapangasawa. Hindi katulad niya. Bagaman may kaya ay hindi rin naman namuhay nang marangya ang dalaga dahil palaging kinokontrol ng kanyang uncle ang kanyang pera. Kung nahahawakan niya lang iyon at nagagastos sa tama, hindi niya na siguro kailangang... Wala namang madudulot na maganda ang kanyang pagmumukmok. Alam niya naman iyon. Sinubukan niya na noong una na magsumbong sa pulis pero hindi siya pinaniwalaan. Pinabalik lang din siya sa Uncle Timothy niya. At ngayon na bahagya na siyang nagkaroon ng kalayaan na mabuhay mag-isa, hindi niya pa rin iyon maramdaman dahil may hawak pa rin ito sa kanya. Hangga't maaari ay ayaw niyang mapahamak ang mga mahal niya kaya naman wala siyang ibang magagawa kung hindi ang sundin ang gusto ng kanyang tiyuhin. "Anong iniisip mo?" Mahina siyang tumawa. "Wala naman. E ikaw, anong iniisip mo, Seb?" Matamis ang ngiting sumilay sa mga labi nito. Mas lalong humigpit ang yakap ni Seb sa kanya bago siya marahang isinayaw. "Wala lang... Iniisip ko lang kung ilang anak kaya ang gusto mo... I mean, I'm not pressuring you, just..." Pabirong tumaas ang kanyang kilay bago nilingon ang lalaki. Sumandal siya sa railings ng balkonahe at tinitigan ang lalaki, mata sa mata. "And why are you curious about that?" Tumaas ang gilid ng labi ng lalaki. "Because I'm your future husband?" Mahina siyang natawa hinayaan ito na hilahin siya papalapit. "I don't want to have kids yet, Seb... I mean, after the marriage, it would take us some more time getting used to each other. Plus... I want us to spend more time with each other." Ngumiti naman ang lalaki at pinasubsob ang kanyang ulo sa dibdib nito. "Not a problem, my precious... Don't worry. I'll always support your decisions, no matter what." She let her mind get lost as Sebastian hugged her tight. Alam niya namang hindi imposibleng mahulog siya sa kanyang fiancee at magandang bagay iyon kung nagkataon. Ngunit habang iniisip niya ang kanilang lagay ay hindi niya maiwasang isipin si Stefan. At ang pagkakatali niya sa lalaki. Hindi niya puwedeng hayaan ang sarili na maging sunud-sunuran sa kagustuhan ng nakababatang kapatid ng kanyang nobyo. Sa isang maling galaw ay maaaring maging dahilan iyon kung bakit niya masasaktan si Sebastian. Isa iyon sa ayaw niyang mangyari, bagaman hindi ganoon kalalim ang kanyang nararamdaman para sa nobyo. Nang uminit na sa balkonahe ay inaya na siya ng lalaki na pumasok sa loob ng vacation home nito. Nagpa-order na ito ng pagkain sa paborito nilang restaurant at hinihintay na lamang nilang dumating iyon nang maramdaman niya ang pag-ri-ring ng kanyang smartphone. Saglit siyang nagpaalam kay Seb at nagtungo sa banyo upang tingnan kung sino ang nagpadala ng mensahe. Napalunok siya nang mabasa ang pangalan ni Stefan. Gusto nitong makipagkita. Hindi malaman ni Desarae kung ano ang i-re-reply niya sa lalaki dahil hindi naman puwedeng iwanan niya na lamang basta si Sebastian. At kung hindi niya naman susundin ang gusto ni Stefan ay baka ibulgar nito sa kapatid nito ang namamagitan sa kanilang dalawa. "Des, can you come around? I need you. Urgently." Pagkatapos ng ilang saglit na pagpapabalik-balik sa loob ng banyo ay napagdesisyunan ng dalagang magpadala na lamang ng mensahe na hindi niya ito mapupuntahan kaagad. She could not ditch Seb just like that. He planned the trip first. It would be unfair if she would leave him like that. "You look distracted, precious. Are you alright?" may pag-aalalang tanong ni Seb sa kanya habang hinahainan siya ng pagkain. Awtomatiko naman siyang ngumiti at umiling. "Nothing wrong, Sebby..." Ngumiti ito at pinisil ang kanyang ilong bago naupo sa kanyang tabi. She sighed and started to eat her food, while Seb was talking about sorts of vacations and trips that he wanted to do with her. But as much as she wanted to focus, as much as she wanted to show Seb how excited she would be, her mind was elsewhere, getting worried over and over about Stefan. Nang maipagmaneho siya pauwi ng lalaki ay halos hatinggabi na. Hindi na ito nagpumilit pa na manatili sa kanyang apartment at nagsabi na susunduin na lang siya bukas para sabay silang makapag-agahan at makapasok sa trabaho. Nang masigurong malayo na ang sasakyan ni Sebastian ay kaagad siyang tumawag ng taxi at ibinigay ang address ng condo unit ng kapatid nito—si Stefan. It was dark inside. No wonder; it was almost one o'clock in the morning. Natanggap niya ang mensahe ng lalaki kahapon ng alas dose ng tanghali. Nakagat na lamang ni Desa ang kanyang pang-ibabang labi. Siguro naman ay makikinig si Stefan sa kanyang dahilan. Ngunit nakapasok na siya sa loob ng condo nito at lahat-lahat ay wala pa rin 'ni anino ng lalaki na sumalubong sa kanya. Ibinaba niya ang pagkain na pinauwi sa kanya ni Seb pagkatapos ay binuksan ang ilaw. The condo unit was clean, but she had to pick up few of Stefan's clothes and placed them on the sofa couch. She sighed before deciding to call out his name. "Stefan?" No answer. Inulit pang muli ni Desa ang pagtawag sa pangalan ng lalaki ng makailang ulit nang makarinig siya ng mahinang ungol sa isa sa mga nakabukas na silid. Kaagad niyang tinungo iyon at napasugod sa tabi ng lalaki nang makita ang ayos nito. Stefan was surrounded by alcohol bottles, one of which was half-empty and on his hand. Pulang-pula ito at nanginginig. Nang sapuhin niya ang leeg ng lalaki ay tsaka niya lang napagtanto na inaapoy ito ng lagnat. "Stefan? Stefan," tawag niya rito habang niyuyugyog ang balikat ng lalaki. Napaungol ito at bahagyang bumalikwas ngunit nanatiling nakapikit ang lalaki kaya naman tinampal niya na ito sa pisngi. Pagkatapos ng ilang ulit ay bahagya na itong dumilat. "Desa?" She sighed before picking up the beer bottle from his hand. "Nilalagnat ka. Mahiga ka na nang maayos sa kama at kukuha lang ako ng bimpo. May pagkain din akong dala. Nasaan ang medicine cabinet? Kailangan ko ng thermometer—Stefan..." Hindi na siya nakahuma pa nang hilahin siya nito. Kapwa silang bumagsak sa higaan at ang sumunod na lamang niyang nalaman ay mahigpit na ang pagkakayakap nito sa kanya habang sinisipa papaalis ang mga boteng nasa kama. Alam ni Desa na mali ang kanyang ginagawa. Alam niya na kapahamakan lang ang dulot ni Stefan sa buhay niya, pati na rin ang kanilang kasunduan. Ayaw niyang saktan si Sebastian. Ayaw niyang sirain ang tiwala nito sa kanya kahit na pera lang naman ang habol niya sa pagpapakasal niya sa lalaki. Naniniwala siyang matuturuan niya rin ang puso niya na mahalin ito ngunit... Bakit tila saglit na huminto ang ikot ng mundo niya ngayong yakap siya ng nakababatang kapatid nito? "Bakit ang tagal mong dumating, Desa? I was waiting for you all night long... I was waiting for you to come here... Desa... I needed you…"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD