XV

1167 Words
“You’re strangely silent, Stefan.” Napatingala si Stefan nang maglakad papasok sa silid si Sebastian. Dumalaw kasi siya sa bahay nito noong araw na iyon dahil sabi nito ay may ituturo ito tungkol sa negosyo nila. Hanggang ngayon ay hindi niya maintindihan kung bakit ginagawa iyon ni Sebastian ngunit wala naman siyang magawa at sinusunod niya pa rin ang gusto nito. Palagi kasi nitong sinasabi na kapag nawala ito, siya ang papalit sa posisyon nito at wala nang iba pa. Palaging sinasabi na hindi niya lang dapat ituon ang kanyang atensyon sa pagbabanda dahil dadating ang panahon na kakailanganin niyang umupo sa puwesto nito bilang direktor ng Meyer Educational Institute. And he hated hearing that. He shrugged. “Just tired, kakatapos lang ng tour ng Lilith. Medyo may jet lag pa ako, Seb.” Tumawa naman ito at tinapik ang kanyang likod. “Paano na lang kapag nag-take over ka na sa kompanya, Stefan? Makakayanan mo pa kayang pagsabayin ang schedule ng banda at ng kompanya?” He rolled his eyes. “Ayan ka na naman sa mga gan’yang salita mo, Kuya Seb. Would you please stop talking about death? Ikakasal ka na in three months, shouldn’t you be more hopeful and I guess optimistic about your life?” Hindi umimik ang lalaki at ininom ang maliit na tabletang nasa may side table. Sinundan nito iyon ng lagok ng tubig mula sa basong hawak nito. Pagkatapos ay sumandal ang lalaki sa kinauupuan nito at kinuha ang mga folder na nakalapag sa ibabaw ng center table. Tahimik na nagbasa at ginuhitan ang ilang mga linya na nakapukaw ng atensyon nito. Ganoon palagi ang kanyang Kuya Sebastian. Kapag alam nitong wala na itong mairarason ay tumatahimik na lamang ito at hindi kumikibo. Kunsabagay, bawal din namang makaramdam ng mga matititinding emosyon ang kanyang kapatid dahil makakasama iyon sa puso nito. Ipinanganak si Sebastian Meyer na may congenital heart disease. Hypoplastic left heart disease daw ang tawag doon sabi ng doktor, kung saan hindi nag-develop nang maayos ang kaliwang bahagi ng puso ng kanyang kapatid kaya naman nahihirapan ito na mag-pump ng dugo. May butas din sa loob ng puso ng kanyang kapatid na siyang ipina-opera ng kanyang mga magulang noong anim na taong gulang ang kanyang Kuya Sebastian. Nabuhay ito ng halos tatlumpung taon na maraming iniinom na gamot at pabalik-balik sa ospital. Siguro kaya na rin masyadong istrikto ang kanilang mga magulang ay dahil na rin sa lagay ni Sebastian. Hereditary kasi ang sakit nito at malaki raw anbg posibilidad na magkakaroon din siya ng komplikasyon sa puso kapag tumanda siya. While he was living his teenage years rebelling against his parents, his older brother had no other choice but to follow what their parents wanted. Palagi niyang sinasabi sa kanyang kapatid na mag-enjoy paminsan-minsan dahil maganda naman na ang prognosis ng doktor sa lagay nito ngunit hindi naman ito nakikinig. Palagi itong hindi sumisipot kapag may ipapakilala siya. Seb was kind but he mostly closed off himself from other people. Kaya naman isang malaking sorpresa sa kanya noong sabihin nito na may nakilala na ito at napiling papakasalan. “Alam ba ni Desa?” “Hmm?” Itinuro niya ang medicine box nito. “Alam ba ni Desa ang lagay mo?” Umiling ito at tipid na ngumiti. “No, I never told her. Kagaya nga ng sabi mo, wala namang dahilan para sabihin ko pa kay Desa, ‘di ba?” He felt an odd sensation in his chest as he shot him a sharp glance. “Kuya Seb, magiging mag-asawa kayo. Hindi ba’t mas mahalaga na malaman niya ang tungkol sa lagay mo? She’ll be taking care of you for the rest of your lives, you know.” Sebastian sighed. “Ayaw kong mag-alala ‘yon. Kaya Stefan, shut your mouth. Huwag mong sasabihin kay Desa ang lagay ko or else I’ll gut you.” He tsked and cleared his throat.. “As if naman sasabihin ko sa fiancee mo. We don’t even see each other. No worries.” Damn it, sa isip-isip ni Stefan habang binabasa ang financial report na ibinigay sa kanya ng kanyang kapatid. Isang dahilan kung bakit inilihim niya ang kasunduan at ang nangyari sa kanila ni Desa ay dahil alam niyang makakaapekto iyon sa kanyang kapatid. Pakiramdam niya ay nahulog ang kanyang puso sa lapag sa pag-aakalang alam na nito ang kanilang lihim. Ayaw niyang magkaroon ng problema sa pagitan nilang dalawa na magkapatid. Ngunit sa kabila ng kanyang kaba na nararamdaman, hindi niya naman magawang lumayo sa fiancee ng kanyang kapatid. Pagkalipas ng ilang oras pa ay nagpaalam na si Stefan na dadaan lang saglit sa Red Angel. Hinayaan naman na siya ng kanyang kapatid dahil magpapahinga na raw ito ng maaga. Parang nangako yata ito sa fiancee nito na dadalhin kung saan bukas at kailangan daw nito ng maraming energy. Umalis na siya kaagad bago pa man nito mahalata ang panginginig ng kanyang mga kamay sa kaba. He sighed as he drove to his favorite place. Hindi niya na tinawagan pa ang kanyang mga kabanda dahil alam niyang busy ang mga ito. Sa kanila kasi ay siya na lang ang walang girlfriend. Either he would call Desarae, or he would just drown himself in alcohol. Simula kasi nang makilala niya ang dalaga ay nawalan na siya ng gana na gawin ang usual niya na rutinaryong maghanap ng babaeng maikakama. Hindi na siya katulad noon at alam niya naman iyon. Strange thing was that even though he tried to get it up while with other women… hindi pa rin nagigising ang kanyang alaga hangga’t hindi niya iniisip si Desarae Moreno. Maski ang memorya ng tinig nito at ang mga pagtawag nito sa kanyang pangalan ay nakakapagpagising sa kanyang nahihimbing na kamalayang nahihirapang bumangon para sa iba. "Bourbon, please," utos niya sa bartender bago naupo sa harapan ng bar. Habang hinihintay ang kanyang inumin ay iginala ni Stefan ang kanyang mga mata sa paligid. Ngunit kahit na maraming mga babaeng nakatingin sa direksiyon niya at pasok sa kanyang panlasa, walang ibang ginawa ang lalaki kung hindi ang inumin ang kanyang alak at tahimik na isipin ang mga pangyayari. It has been extremely hard for him to contain his thirst. Hindi niya malaman kung bakit at mas lalong hindi niya maintindihan kung bakit kay Desarae pa, ang mismong fiancee ng kanyang kapatid. It was wrong and absurd and definitely would hurt Sebastian but how could he fight his own heart when he knew that she was just using his brother? He sighed. Ilang beses pang nagtalo ang kalooban ni Stefan bago itinipa ang numero ng babaeng nasa kanyang isipan. He needed her tonight. As f*cked up as it sounded, he really needed to feel her tonight. To be inside her and probably— "Hello, Stefan? Alas dose na ng gabi. What is it?" He took a few deep breaths before ruffling his hair. "Hey, Desarae… can we meet tonight? Red Angel, pronto…" He cleared his throat. "I need you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD