"Hanna Desarae," mahinang tawag ni Sebastian sa kanya nang makarating siya sa kanyang apartment. Ibinaba siya ni Stefan sa may hindi kalayuan at hanggang sa marating nila ang lokasyon na iyon ay hindi kumikibo ang lalaki kaya naman hinayaan niya na lamang ito. There was so much conflict written on his face earlier that she knew it would be best if she would just let him be and stop from asking questions.
Isang mainit na yakap mula kay Seb ang nakapagpabalik sa kanyang ulirat. Na sinundan ng maalab na halik sa labi. He was... passionate once again. Not that he never was but it really was sending her new sensations down to her body.
"Calm down, Mr. Meyer..." natatawang saad niya habang hinihingal na inaayos ang polo nitong nagusot sa kanyang pagkakakapit. "Masyado ka namang agresibo."
He chuckled before lifting her up and carrying her. "I just missed you..."
"We had dinner together, remember?"
He scoffed. "Not enough for me."
Mahina siyang tumawa bago bumaba mula sa pagkakabuhat ng lalaki at dinala ito patungo sa kanyang apartment. Mukha kasi itong hinihingal at namumutla kaya naman bahagya siyang nakaramdam ng pangamba na baka mapagod ito. Sa pagkakaalam niya, bawal mapagod nang husto si Sebastian. It was something like a weak immune system of some sort according to his parents.
"Bakit ka pala lumabas? Is everything alright, precious?" usisa nito bago ipinatong ang plastic na bitbit sa ibabaw ng kanyang dining table. Napatingin naman siya sa lalaki sandali at inayos ang bitbit nitong pagkain at champagne. He bought take-outs from the restaurant they went in earlier.
"Nagpahangin lang, Seb... Hindi ako makatulog kanina, actually. Kaya naman naglakad-lakad muna ako sa labas."
He sighed before walking towards her. Niyakap siya ng lalaki mula sa likuran at masuyong hinagkan nang paulit-ulit sa leeg. "May problema ba, Desa? You can always talk to me, precious..."
Umiling siya at hindi na nagsalita. Alangan namang sabihin niya na nakipagkita siya sa kapatid nito, hindi ba? Isa pa, marami rin siyang iniisip simula pa kanina noong matapos ang pag-uusap nila ni Stefan. Pakiramdam niya ay may ibang kahulugan pa ang panggigipit ng lalaki sa kanya. Ayaw niyang bigyan iyon ng malisya ngunit sino ba namang hindi, ganoong... "Sebby, bakit hindi ka makatulog?"
He shrugged. "I already told you, I missed you, precious... Hindi ako makatulog na wala ka."
His pouts made her laugh. She placed a smack on his lips before ruffling his hair and letting him rest on her shoulder. "Konting tiis na lang, Seb... Three months and we'll be moving in together."
And I will be Mrs. Meyer. Like what you've always been dreaming of, bulong ng kanyang isipan. Somehow the whole preparation for marriage has not sinked in yet, maybe because she was not that involved on the preparation at all. Isa pa, nahihirapan pa rin siyang tanggapin sa kanyang isipan na sa edad na bente dos ay magpapakasal na siya. Marami pa man din siyang balak na gawin sa kanyang buhay at... alam niyang hindi niya na maitutuloy ang mga planong iyon sa oras na maikasal siya kay Seb. She would definitely become busy helping him run the business and the charities, for sure. And on top of that, being a good, loving wife.
"I love your nickname though," he jokingly said. "Sebby, huh..."
Ang muling paghalik nito sa kanyang leeg ay nagdulot ng kiliting nakapagpatawa sa dalaga. Humahagikhik na tinapik niya ang kamay ng nobyo at hinawakan iyon nang mahigpit. "Steven Sebastian! Nakikiliti ako..."
He smirked. "Mas malala pa d'yan ang kaya kong gawin, Miss Moreno."
Inirapan niya ito at dinala patungo sa living area. Pinaupo niya ang lalaki at sumunod naman ito nang walang tinatanong na kung ano. Naupo siya sa tabi ni Seb at isinandal ang kanyang ulo sa balikat ng lalaki para ipahinga ang kanyang mga mata.
"Pagod ka na ba, precious? I can make the bed..." usisa nito sabay haplos sa kanyang buhok. "May pasok pa tayo pareho bukas..."
Umiling siya at tiningala ang lalaki. "I just want to stay close to you, Sebby..."
He grinned before pulling her closer. Mayamaya pa ay pinahiga na siya ng lalaki sa kandungan nito habang marahan nitong hinahaplos ang kanyang buhok. Tila ba hinihintay siya na makatulog.
Hindi niya ikakaila, sa makailang pagkakataon, na guwapo ang mas matandang Meyer. Katulad ng kapatid nito ay may berdeng mga mata ang lalaking tila ba palaging nangungusap. Matangos na ilong at prominenteng pangang nalalatagan ng mga bagong tubong balbas. May pagka-ash blonde ang buhok ng lalaki na medyo may kahabaan na. Seb hated having them cut because she once said to him that she loves pulling his hair during lovemaking. Simula nga noon ay nagpapa-trim na lang ang lalaki at hindi na nagpapa-crew cut.
Kaya naman kung guwapo si Seb, bakit hindi mo pa rin magawa ang sarili mo na mahalin siya nang lubusan, Desarae?
Bahagya siyang napangiti nang maramdaman ang mga daliri nitong nagliliwaliw. Nagkatinginan sila at parehong natawa. Hinayaan niya si Seb na paglaruan ang kanyang balat na tila ba kuwedras ng gitara. Mayamaya ay pinaupo siya ng lalaki at pinabukaka bago muling itinuloy ang ginagawa nito.
"Alam mo ba, Des... I taught Stefan how to play the guitar," mahinang bulong nito sa kanyang tainga bago iyon mapaglarong kinagat.
Mahina siyang tumawa. "Gitara ba ako ngayong gabi, Sebastian?"
He smirked before planting a kiss on her forehead. "Don't worry, I'll play you right, precious..." Saglit nitong binuksan ang smartphone nito at may hinanap na kanta. Ngumiti ito at marahan siyang inihiga sa sofa. "Stefan composed a song for our wedding, Des. I think I should let you listen to it. It's actually sweet and sensual..."
Bahagyang nakaramdam ng panlalamig ng talampakan si Desa nang marinig ang pangalan ni Stefan. Just as when she managed to focus on her fiancee, his name was just mentioned and now he was in her mind, f*cking her up.
"For the first time I laid my eyes
Girl I knew you'd be my demise
And now, tonight's the night we'll reach freedom
Tonight's the night we'll reach heaven"
Maybe it was the saxophone solo. Or the smooth and harmonic voice of Seb's brother. But Desa had only one thing in mind, despite her fiancee slowly removing her clothes. The song oddly never resonated about her and Seb's intimacy. Rather it... reminds her of that one night she made a mistake and let Stefan take control.
"So I'll light the candles, pin you to the wall
Baby I know you're scared, but you know me well
Trust me your heart, I'll bring you freedom
Trust me your life, I'll bring you to heaven"
"Would you let me bring you to heaven, Desarae Moreno?" masuyong tanong ni Sebastian sa kanya habang pinapadaan ang hintuturo nito sa kanyang makinis na balat. Isang tango lang ang kanyang kailangan. Isang tango lang ang hudyat nito upang hindi na pigilan pa ang bugso ng sariling pangangailangan. Hinayaan ni Desarae na unti-unti siyang matunaw sa loob ng bisig ng kanyang fiancee. Hinayaan niyang pag-isahin nito ang kanilang mga katawan kahit na sa isipan niya ay may ibang senaryong nagbabalik-tanaw.
"Let me taste those cherry chapsticks, baby
Let me remove that white dress, hastily
Baby you know you're perfect to me
Baby you know we're always meant to be"
Alam niyang mali na may iba siyang lalaking iniisip habang si Sebastian ang kasama niya. Alam niyang mali na pinipilit niya ang kanyang sarili na mahulog sa lalaki. Hindi niya dapat ipilit ang kanyang nararamdaman ngunit ayaw niyang saktan ang lalaking lubos na nagmamahal sa kanya. Ayaw niyang may mahirapan dahil sa kanya. At lalong mas ayaw niyang... ayaw niyang pagkaitan ng pagkakataon si Seb. Nais niyang magtiwala at ipaubaya ang kanyang damdamin sa lalaki dahil alam niyang iingatan nito iyon. Alam niya na hinding-hindi siya nito sasaktan o kung ano pa man.
"Why don't you trust me on this ride?
Why won't you let me stay by your side?
I swear I'll forever hold you tight
Won't let you go, never let you go
Just trust me, trust me forevermore
So I'll light the candles, pin you to the wall
Baby I know you're scared, but you know me well
Trust me your heart, I'll bring you freedom
Trust me your life, I'll bring you to heaven"
"Seb..."
Was it bad that she chose to prioritize other people than herself? Was it bad that she would choose Seb and comfort in life over her dreams? Alam niya na hindi naman siya papabayaan ng lalaki at palagi siya nitong susuportahan, ngunit bakit hindi niya maiwaksi ang takot na kanyang nararamdaman? Ang pangamba, ang agam-agam? Kapag ikinasal sila, magiging ayos na ang lahat. Dahil mahal siya ng lalaki at alam niyang hindi siya nito papabayaan.
"I love you, Desa..." He smiled. "At alam kong wala pa akong maririnig na sagot pero handa akong maghintay, Des... Handang-handa... Sisiguraduhin ko na ako lang ang lalaking una at huli mong mamahalin..."
"Trust me your heart, I'll bring you freedom
Trust me your life, I'll bring you to heaven"
Ngunit alam niya sa sarili, may ibang lalaking... laman ng kanyang isipan.
And that song that Stefan composed was not really for her and his brother. It's...
Damn it.